"Hindi dapat malaman ng IIC ang tungkol sa impormasyong ito," matiim na sabi ni Lukas, matalim ang kislap sa kanyang mga mata. Nilaro ng mga daliri niya ang hawak na fountain pen na may nakakabit na ulo ng nakangising payaso sa dulo, habang nakatingin siya sa kawalan. Tumango si Klaver. "Noted po, Sir." "I don't want anyone knowing about this information. I want a full data wipe." "Masusunod ho, Sir." "Carry out my orders the moment you step out of my office," utos niya kay Klaver. Nagpahayag agad ng pagsunod sa utos niya ang tauhan, tapos ay lumabas na ito ng opisina. Naiwan si Lukas na mag-isa sa loob ng malapad niyang opisina. Muling bumaba ang tingin niya sa nakasulat sa dokumentong hawak niya sa kamay ngayon. Name: Dante Blackwood Title: Head of the Blackwood Syndicate (crimin

