Prologue

432 Words
Prologue Bakit ba kasi ang bilis kong magtiwala? Bakit ba kasi ang dali dali kong tanggapin ang atensiyong ibinibigay ng mga taong nasa paligid ko? Bakit ba kasi kailangang humantong pa sa ganito? Bakit kung kailan sobrang lapit na ng loob namin sa isa't-isa ay saka ko malalaman ang lahat ng ito? Gulong-gulo ako. Gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ako makapaniwalang kaya nilang ilihim iyon ng ganito katagal. Kaya ba ganun na lamang siya umasta? Kaya ba lagi siyang nakaantabay palagi sa akin dahil gusto niyang makabawi sa kasalanang nagawa niya? At kaya ba lumayo ang mahal ko sa piling ko dahil rin sa kagagawan niya? Ang dami kong tanong. Ang sakit dahil kung sino pa ang mga taong pinagkatiwalaan ko nang lubos ay siya rin pa lang may kinalaman sa pinakamasaklap na nangyari sa aming pamilya. “Tito bakit ka po umiiyak?” tanong ni Steven sa akin at nasa kwarto ko na pala siya. “Wala anak. Napuwing lang si Tito,” palusot ko. “Sigurado ka po ba?” “Yes po. Okay lang ako,” “Parang hindi naman eh. Nag-away po ba kayo ni Tita?” “No anak. Hindi kami nag-away. Doon ka muna kay Mama Lola. May gagawin lang si Tito ha,” utos ko sa kanya. Hinalikan kuna niya ako sa pisngi saka lumabas mula sa aking kwarto. Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sobra akong naguguluhan ngunit nang maalala ko ang pamangkin ko, mas naging determinado akong harapin ang salarin ng walang takot at pangamba. Kinuha ko ang aking baril sa aking bag at saka nilagyan ng bala. Tinitigan ko iyon bago nakapagisip ng gagawin. Dahil kay Steven, kailangan kong makamit ang hustisiyang hindi namin nakuha simula noon. Nagdulot iyon nang labis na pighati sa aming pamilya ngunit kailangan naming maging matatag para sa bata. Ngunit bakit kung kailan makakamit ko na ang hustisya ay siya namang paglayo sa akin ng taong mahal ko? May ibig sabihin ba ang kanyang pagkawala? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na kailangan ko siya? Tumayo ako at inilagay ang aking baril sa aking likuran saka naglakad palabas. Sa puntong ito, hindi ko hahayaan na ang aking nga kamay ay madungisan ng dugo ng taong gumawa ng krimen at pinagkatiwaalan ko ng halos ilang taon. Idadaan ko sa tamang proseso ang pagkamit ko ng hustisya. Kasabay nang pagresolba ko sa krimen ay ang paghahanap ko rin sa taong nagpakilala sa akin ng tunay na pag-ibig. Ang mahalaga ngayon ay alam kong mahal ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD