Chapter One

2962 Words
Chapter One SAMANTHA “Class, please behave okay? Siguradong mag eenjoy kayo doon dahil maganda ang pasyalan sa San Agustin basta ang kailangan niyo lang ay makinig kay teacher para safe din tayong makakauwi mamayang hapon. Okay ba yun?” saad ko sa mga pupils ko. “Yes Teacher Sam. Magbebehave po kami,” sagot ng isa. “Very good. Now, kunin niyo na ang mga gamit niyo at lumabas na tayo dahil naghihintay na sa atin yung bus. Excited ba kayo?” masiglang sabi ko. “Yes po,” sabay sabay naman nilang sagot. May magaganap kasing one- day fieldtrip ang mga Grade Three, Grade Four and Grade five. At dahil ako ang adviser ng 24 na grade three pupils ay isa ako sa mga gurong sasama sa fieldtrip sa San Agustin. Pupuntahan namin ang mini museum at iba pang pasyalan sa San Agustin College at sa bayan nila para na rin malibang ang mga bata dahil katatapos lang ng kanilang Third Periodical Test. Nang makarating kami doon ay binilin kong muli ang mga bata sa kanilang Do's and Don'ts habang kasalukuyan kaming namamasyal sa San Agustin. Mahirap magbantay sa mga bata kapag ganitong may mga fieldtrip kaya nagsasama kami ng ibang faculty members pero ayos naman sa mga mag aaral namin dahil napakamasunurin nila. Pagkatapos namin silang ipasyal sa loob ng San Agustin College ay dinala rin namin sila sa malawak na play ground na malapit sa bayan ng San Agustin. Mag aalas onse na nang magpasya kaming kumain dahil gutom na rin ang mga bata. “Teacher Sam, nawiwi po ako. Pwede niyo po ba akong samahan?,” sabi ng isa kong mag aaral. “Teacher Pia, ikaw na muna ang bahala sa pupils ko. Sasamahan ko lang si Kisha,” bilin ko sa co- teacher ko dahil nasa gym pa ang Comfort Room. “Sige Cher Sam. Ako na ang bahala sa kanila. Mababaut naman ang mga ito eh,” sagot naman niya. Nang matapos kong masamahang umihi ang bata ay bumalik na rin kami kung nasaan ang aming mga kasama at itinuloy ang aming pagkain. Pagkatapos naming kumain ng lunch ay hinayaan muna namin ang mga bata na maglibang sa llob ng park. “Cher Sam, busyng busy ka diyan. Nasa field trip tayo pero nagtatrabaho ka na naman diyan,” sita sa akin ni Teacher Migs. “Ano ka ba Cher Migs. Parang hindi mo naman kilala yang si Samantha. Dedicated sa work yan,” sabad naman ni Teacher Giezzel kaya ngumiti na lang ako. “Kailangan ko na kasing tapusin ito dahil may pinagagawa sa akin si Principal. Katatawag niya lang,” sabi ko sabay pindot sa keyboard ng aking laptop. Mag aalas dos na nang mapagpasyahan naming umuwi dahil baka maabutan kami ng ulan sa daan. Mas mabuti nang maagang makauwi ang mga bata sa kani-kanilang bahay. “Class fix your things na dahil nandiyan na ang sakay nating bus,” ani teacher Lanie kaya binilin ko na rin ang aking mga mag aaral. Pinapasok ko na rin sila sa bus para macheck ko kung kumpleto ba sila. At labis akong kinabahan nang mabilang kong kulang ng isa ang aking pupils. “Nasaan si Steven Toriego? Nagcr ba siya?” tanong ko sa kanila. “Hindi po teacher. Hindi po namin siya nakita,” sagot ni Kendra, ang president sa klase ko. Bumaba ako ng bus para ibilin sa isa pang co-teacher ko na bantayan muna ang grade three class ko dahil hahanapin ko si Steven. Nagsimula na akong magpanic nang hindi ko siya makita. Nagpatulong na rin akong maghanap sa mga kasamahan ko ngunit hindi pa rin namin siya makita. Shocks! Where is he? Baka kung ano nang nangyari sa bata. Huwag naman sana. Kinausap ko naman ang mga kasamahan ko na iuwi na ang mga bata sa kani kanilang bahay para hindi rin sila magpanic na gaya ko. Nagpaiwan si Teacher Migs para samahan niya akong maghanap. Nasaan na kaya ang batang iyon? Lagot ako nito. Ilang oras pa kaming nagpaikot ikot sa loob ng park at bumalik kami sa San Agustin College pero wala pa rin kaming makitang Steven Toriego. Nagtanong tanong na rin kami sa mga tao na malapit sa park pero wala raw silang napansin. Sa dami ba naman ng taong pumpasyal doon, malamang hindi nila napansin ang bata na lumabas o anuman. “Cher, tawagan mo na kaya ang guardian niya?” suhestiyon ni Teacher Migs. “Hindi. Maghanap pa tayo cher. Malay mo nandito lang siya,” pampalubag loob kong sagot. Nang mapagod kami sa kalalakad ay naupo muna kami sa waiting shed na malapit sa park. Paiyak na ako sa mga oras na iyon dahil sobra na akong kinakabahan. First time mangyari sa akin ito. Mag aalas singko na ng hapon ng mapagdesisyonan kong tawagan na ang kanyang guardian. Pagkakuha ko ng phone ko ay saka naman ito tumunog at unknown number ang caller. Mas dumoble ang kabang naramdaman ko dahil bak sindikato ito or anuman. Napapraning na ako sa kaiisip. “Hello, is this Samantha Santillan?” tanong ng baritonong boses sa kabilang linya. “Ye..yes po. Si..sino po sila?” “This is Police Master Sergeant Dimayuga of San Joaquin Police Station. Please proceed here immediately dahil dinala rito ang isang mag aaral at base sa kanyang I.D ay ikaw ang kanyang guro,” Pagkarinig ko pa lang ng salitang Police Station ay sumisikip ang dibdib ko kaya hindi ako nakasagot kaagad. “Teacher Santillan. Narinig mo ba ako?” “Ye..yes sir,” “Now proceed,” utos niya. Dahil may dalang sasakyan si Teacher Migs ay iyon na ang ginamit namin saka nagmadaling pumunta sa Police Station sa San Joaquin. Gosh! Sana lang ay walang nangyaring masama sa bata. PAGKARATING namin doon ay kaagad ko namang nakita ang bata na kandong ng isang pulis. Nakita kong may pasa sa bandang labi ng bata at dinadampian niya iyon ng yelo. Jusko! Ano ang nangyari? Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya ngunit. Niyakap lang siya ng pulis at tinakpan ang mukha ng bata. “Mamang pulis, baka pwede kong kausapin yung bata? Ako na lang po ang magpapaliwanag sa guardian niya. Iuuwi ko na lang po siya,” sabi ko sa pulis na nakahawak sa bata. “Sino naman ang nagbigay ng permiso sa 'yo?” masungit na sagot niya. Aba! Sino ba siya para sagutin ako nang ganun ganun lang? “Teacher Samantha Santillan?” tanong ng isa pang pulis na kapapasok lang at tumango tango naman ako “I am Police Master Sergeant Dimayuga. Ako yung tumawag sa 'yo kanina,” aniya sabay abot ng kanyang kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon. Pansin ko lang? Ang gugwapo ng mga kapulisan sa San Joaquin. Goshhh. “Erase erase! May kaso ka pa,” sabad ng aking isip. “Police Makisig, iwan mo muna si Steven kay Patrolwoman Abad. Doon tayo sa interview room,” ani Police Dimayuga. Tumayo naman ang masungit na pulis saka kami pumasok sa loob at kaagad naman kaming pinaupo ni Sir Dimayuga. “Okay. Ma'am Santillan. Si Steven ay hinatid ng isang punong barangay na taga San Agustin. Nakita raw niya ang bata na naglalakad sa kalsada at tila ba naliligaw at takot na takot. Grabe ang iyak niya pagkarating dito. May lumapit daw na dalawang sigang batang lalaki kay Steven at biglang sinapak sa mukha. Mabuti na lang at sinita sila ng barangay captain. Nakita sa I. D ng bata ang pangalan at numero mo kaya ka namin tinawagan. Nagklase ba kayo ngayong araw at tumakas si Steven? Bakit siya nasa San Agustin kung dito sa San Joaquin Central School naman siya nag-aaral?” panimula ni Police Dimayuga. “Hindi po. We are in a field trip sa San Agustin po,” “Mag aaral mo ba si Steven Toriego?” tanong ulit niya kaya kaagad naman akong tumango. “Ano ang mga ginawa niyo doon at saan saan kayo nagpunta?” “We visited San Agustin College tapos nagpunta kami sa park na malapit sa bayan,” “Ano ang ginawa ng mga bata doon?” “Binisita namin ang museum sa San Agustin College and then nagstay na kami sa park hanggang hapon,” “Ano ang ginawa niyo sa park?” “Pinaglaro namin ang mga bata. Hinayaan muna naming aliwin nila ang kanilang mga sarili hanggang sa mapagpasyahan naming umuwi na,” “Tssk! Iresponsable,” rinig kong mahinang wika ng pulis na kaharap ko pero sapat lang sa pandinig ko. “Tapos? Ano na ang sumunod?” “Nang maayos na nila ang kanilang gamit, pinapasok ko na sila sa bus and then chineck ko kung kumpleto ba sila at kaagad akong nagpanic nang mabilang kong kulang sila ng isa,” “Chineck daw,” sabad na naman niya. “Tapos ano ang ginawa mo? Hindi mo man lang ba kinontak kaagad ang guardian niya?” “Hindi po. Hinanap ko siya sa loob pero hindi ko siya makita hanggang sa paunahin ko na ang mga bata at naiwan ako doon kasama ang isa kong co-teacher,” “Ang sabihin mo, hindi mo sila binantayan,” sabad ulit niya. “Ano ba Mr. Pulis! Bakit dada ka nang dada diyan? Nag eexplain lang naman ako ah. At sino ka ba ha? Sabad ka nang sabad. Parang kilala mo naman yung bata kung umasta ka,” “Sshhh. Kalma Ma'am Santillan. Normal lang na maramdaman niya iyan,” “Hah?” sabi ko dahil hindi ko magets. Kaano ano ba siya ng bata? “Hakdog!” pilosopong sagot niya at saka naman ngumisi ang pulis na nagtatanong sa akin. “Ako lang naman ang guardian ng batang nagpagala gala sa bayan ng San Agustin at nakaranas pa ng pambubully dahil hindi mo binantayan nang maayos,” Napanganga ako sa kanyang sinabi. Kaya pala siya sumama dito sa loob. Shooccks! Kaano ano niya si Steven? Tiningnan ko ang apelyido niya sa kanyang uniporme at totoo ngang guardian siya ng bata dahil Toriego rin ang surname niya. Pero bakit hindi siya pumupunta kapag may mga meeting sa school? Napakasungit! Ang gwapo gwapo pa naman. “So..sorry po,” sabi ko saka ako yumuko. “Siguro nakipagchikahan ka sa mga kasama mong guro kaya hindi mo nabantayan nang maayos yung bata,” aniya. “Hi..hindi po. Tinapos ko lang naman yung trabaho ko at kausap pa ako ng principal namin that time. Ibinilin ko naman sila sa mga kasama ko,” “Trabaho? Hindi ba nasa fieldtrip kayo tapos nagtatrabaho ka imbes na bantayan mo nang mabuti yung mga mag aaral mo? Ano ba namang rason yan. Sige, paano mo ipapaliwanag ngayon yung pasa ni Steven? Diba hindi mo alam? Kasi nga pabaya ka. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may nangyaring masama sa pamangkin ko,” galit niyang saad. Hah? Pamangkin? Akala ko Daddy siya ni Steven. “Pasensiya na po. Hindi na po mauulit,” “Siguraduhin mo lang Ms. Santillan dahil kapag naulit pa ito, hindi mo alam ang mangyayari,” Aba! Bakit siya nananakot? “Tinatakot mo ba ako?! Pwes, hindi ako natatakot sa 'yo kahit lalaki ka pa at may baril ka,” Bakit? Hindi na ako natatakot sa mga pulis dahil naranasan ko ng makawitness ng pamamaril na nagdulot sa akin ng troma. Pero ngayon? Wala ng takot sa aking puso. SEBASTIAN NANG MAIHATID ko si Steven sa school nila ay dumiretson a rin ako sa Police Station para magduty. Maaga kong inihatid ang pamangkin ko dahil may fieldtrip daw sila sa San Agustin College. Marami naman siguro silang kasama kaya panatag ang loob ko. “Makisig, shot ba tayo pagkatapos ng duty?” ani Police Staff Sergeant Bagatsing. “Diyan ka magaling, sa inuman. Alam mo namang hindi pwede dahil susunduin ko pa ang pamangkin ko mamaya,” “Naku! Ang dakilang tito talaga. Maghanap ka na kasi ng tita niya para naman may mag alaga sa kanya,” “Saka na lang kapag sigurado na ako sa babaeng makikita ko,” “Aysows! Kailan pa? Kapag kinalawang na yang baril mo?” natatawang aniya. “Gago. Hindi naman basta basta kakalawangin ito dahil alam mo na,” “Ayun. Kaya naman palang mag isa. Pero iba pa rin kapag sa iba mo pinuputok diba?” “Sira ulo ka talaga. Hindi ako kagaya mo na babaero no,” “Huwaw! Ang pinakaloyal na pulis sa balat ng lupa,” pang aasar niya kaya binatukan ko siya. Si Bagatsing ay kaibigan ko simula pa noong highschool. Parehas kami ng gusto kaya ito, parehas kaming pulis na ngayon. Mag aalas kwatro na ng hapon ng biglang dumating si Steven sa Police Station at may pasa sa mukha. Kaagad akong nag alala dahil doon. Nakwento naman ng barangay captain, na naghatid sa kanya, ang nangyari. Kinausap ko ang bata ngunit hindi siya umiimik. Ano ang nangyari? At bakit siya may pasa? “Naku! Ano ang nangyari kay Steven? May nakaaway ka ba?” tanong ni Police Dimayuga sa pamangkin ko. Sinabi ko naman sa kanya ang sinabi ng barangay captain. Sinabi ko rin na hinatid ko siya sa school kanina dahil may field trip sila. Tiningnan ko namana ng kanyang I. D at nakota ko doon ang numero ng kanyang guro. Ibinigay ko iyon kay Dimayuga para siya na ang kumontak sa gurong iyon. Makakatakim talaga iyon sa akin dahil sa nangyaring ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanyang guro at kaagad na lumapit sa pwesto namin sa gilid. Nang akmang hahawakan niya si Steven ay niyakap ko ang bata at saka tinakpan ang mukha nito. So ito pala ang kanyang guro? Maganda naman ngunit pabaya. Hindi siya bagay maging tita nitomg si Steven at maging ina ng mga anak ko. Ayaw ko sa pabayang tao. Hindi niya alam na ako ang guardian ng bata dahil hindi naman ako ang nagpupunta kapag may pagpupulong sa paaralan nila dahil si Mama ang dumadalo. Nang sabihin niyang siya na ang mag uuwi sa bata ay sinagot ko siya. Hindi ko na ipagkakatiwala sa kanya ang pamangkin ko. Ininterview kami ni Police Master Sergeant Dimayuga para na rin magkaalaman na kung sino ang dapat sisihin. Nabigla siya nang sabihin kong ako ang guardian ng pupil niya na si Steven. May pagtataka sa kanya dahil hindi naman niya ako nakikita sa school. Sa ngayon, inis ang nararamdamn ko dahil sa kapabayaan niya sa kanyang mga mag aaral. Hindi ko matanggap ang rason niyang may ginagawa daw siya at ibinilin niya sa kanyang co-teacher ang mga bata. Bakit? Oras ba ng mga paper works ang field trip? “Siguraduhin mo lang Ms. Santillan dahil kapag naulit pa ito, hindi mo alam ang mangyayari,” madiing saad ko. Si Dimayuga naman ay nakangisi lang. “Tinatakot mo ba ako?! Pwes, hindi ako natatakot sa 'yo kahit lalaki ka pa at may baril ka,” masungit niyang sagot. Palaban ang isang ito. “Paano kung ibang baril ang gamitin ko? Hindi ka pa rin ba matatakot?” seryosong saad ko. Siyempre biro ko lang iyon. Ayaw ko munang magkaroon ng karelasyon sa ngayon. “Perv!” aniya. “Madumi ka lang mag isip Ms. Santillan. Marami namang klase ng baril ah. Asa ka namang ikakasa ko sa 'yo ang baril ko,” “Tama na nga yan. So ano na ang balak mo Police Staff Sergeant Toriego?” tanong sa akin ni Dimayuga. “Sir, ipasuspindi na lang siya oara magtanda,” sabi ko habang nakatingin kay Ms. Santillan. “What? Huwag naman Sir. Ipapacheck up ko na lang si Steven,” aniya. “Kaya ko siyang ipadoctor,” sabad ko naman. Biro ko lang naman iyon. Hindi naman ako ganun kasama ano. Ayos na sa akin na magsorry siya at sana ay hindi na ito maulit pa. Alam ko naman kasi kung gaano kahirap ang magbantay sa maraming bata. Hindi naman ganun kalala ang pasa ni Steven at kaya namang gamutin ng yelo. “Sure ka na ba diyan Toriego?” tanong ni Sir Dimayuga. “Sir naman. Huwag na po please,” sabad niya. Kanina lang ay ang tapang tapang niya tapos ngayon naman parang iiyak na siya. Kunwari ay nag iisip ako pero natatawa na ako sa kanyang itsura. “Sir please. Huwag naman ba pong suspend,” ulit niya. “Sir Toriego raw. Baka naman huwag na lang daw ipasuspindi,” pati si Sir Dimayuga ay natatawa na rin. “Single ka ba Ma'am Santillan?” tanong niya sa guro. “May kasama na nga siyang lalaki. Malamang hindi na Sir,” sabad ko. Alam ko na naman ang sasabihin ng isang to. “Ibigay mo na lang sa kanya yung numero mo dahil matagal ng single si Toriego,” “Po? Hindi po ako nagpapaligaw,” “As if namang liligawan kita. Ayaw ko sa mga pabaya baka hindi mo rin ako maalagaan kapag nagkataon,” Feelingera naman 'to. “Sige na sir. Ayos na sa akin ang magsorry siya kay Steven at huwag na niyang uulitin at nang matapos na,” walang emosyong sabi ko. Ayaw ko nang palakihin pa ang issue dahil magdudulot lang iyon ng sakit sa ulo. “Talaga sir? Hindi niyo na ako ipapasuspend?” “Hindi na raw. Mabait kasi itong si Toriego pero ayaw na ayaw niyang naagrabyado ang kanyang pamangkin. Sige na tutal nasettle na natin, pwede mo nang puntahan si Steven,” utos ni Sir Dimayuga. Akmang tatayo na siya nang pigilan ko. “Magsorry ka muna sa akin bago kay Steven,” utos ko. “Bakit? Si Steven na lang daw sabi ni Sir,” aniya. “Okay sige. Sir, I will change my mind. Ituloy po ang pagpapasuspindi sa masungit na gurong ito. Sorry lang hindi pa niya maibigay sa guardian ng bata,” “Sige na Ma'am Santillan, magsorry ka na po sa kanya para wala ng maraming dada ang isang to,” “Sorry sir ha. I promise na hindi na po mauulit. Pasensiya na po talaga,” sarcastic na saad niya. Pagkalabas namin mula sa interview room ay binuhat ko kaagad si Steven na namumula pa ang mata dahil sa pag iyak. Naupo kami sa mahabang upuan na nasa gilid. Lumapit naman sa amin si Ma'am Santillan at umupo sa tabi ko. “Steven, I am sorry ha. Sorry kasi hindi ka napansin ni Teacher kanina. Next time anak magpaalam ka ha?” wika niya pero hindi sumagot ang pamangkin ko. Iniisip niya pa rin siguro ang nangyari. “Nex time mo na lang kausapin. Mukhang ayaw niya ngayon,” sabi ko. “Gusto niya. Ikaw lang naman ang nagsasabing ayaw niya. Diba Steven?” “Para kang sira. Ayaw nga niya,” “Gusto niya!” “Ayaw niya. Umalis ka na lang muna at mukhang hinihintay ka na nag boyfriend mo,” “Sino? Co teacher ko siya at hindi ko siya boyfriend. Diba nga hindi ako nagpapaligaw at wala akong balak,” “Pakialam ko. Doon ka nga baka mas lalong ayaw magsalita nitong pamangkin ko,” “Napakabastos mo talaga. Kakausapin ko lang naman ah,” “Ano ang bastos doon? Hindi naman ako naghubad sa harap mo. Unless gusto mo ngayon,” “Perv ka talaga. Hindi ka na nahiya sa pamangkin mo,” mahinang aniya kaya tumawa na lang ako nang bahagya. “Wooooi! Happy Family na silaaaaa,” kantyaw sa amin ni Bagatsing. “Siraulo! Anong happy family pinagsasasabi mo. Ngayon ko nga lang nakita itong pabayang taong ito,” sabi ko at saka naman sumimangot si Ms. Santillan. “Nagsorry na nga ako eh. Tinanggap ko naman na may pagkakamali ako. Kailangan pa bang ulit ulitin?” aniya saka yumuko. “Sige na. Alis na po ako Sir Dimayuga,” paalam niya saka lumabas na sa police station. “Puwede ba kitang itext mamaya?” tanong ko. Hah? Bakit ko ba natanong iyon? Ah alam ko na. Ieexcuse ko na lang muna si Steven. Yun na lang siguro. End of Chapter One.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD