Chapter Two

3206 Words
Chapter Two SEBASTIAN KUMUNOT naman nang bahagya ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. “Iuupdate po kita Ma'am kung magkakaroon ng ibang epekto yung nangyari sa pamangkin ko,” saad ko. “Sige po. Walang problema Sir. Puwede po kayong sumadya sa school kapag may problema. Aalis na po ako,” paalam niya saka lumabas na ng Police Station. Nagtime out na rin ako saka nagpaalam na sa mga kasamahan ko. Inaya ko na rin si Steven dahil uuwi na kami. Tahimik lang siya sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay. Siguro ay nabigla nga talaga siya doon sa nangyari kanina. “MA, NANDITO na po kami,” sabi ko nang kami ay makapasok. Ibinaba ko na rin sa sofa ang gamit ng aking pamangkin. Mula sa kusina ay nagtungo si Mama sa sala para salubungin kami. Nagmano ako at maging ang bata ay nagmano rin kay Mama. “Oh. Napano ang mukha ng aking baby?” aniya nang makita ang maliit na pasa sa gilid ng labi ni Steven. “Naku! May sumapak daw sa kanya kanina Ma,” “Sino? Saan? Hindi ba galing sila sa San Agustin?” “Yun na nga po Ma. Hindi siya napansin ng kanyang guro kanina kaya nakalabas siya kung saan sila namasyal. Mabuti na lang at nakita siya ng isang kapitan sa bayan ng San Agustin. Nakita raw niya na pinagtitripan ng dalawang bata si Steven. Kaya kaagad niyang nilapitan at dinala siya sa Police Station,” “Diyos ko po ang apo ko. Ano ang sinabi ng kanyang guro? Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Dapat panagutan ng guro itong nangyari kay Steven,” ani Mama na talagang nag aalala para sa kanyang apo. “Ma, kalma ka lang. Nakapag-usap na po kami ng kanyang guro. Wala namang masamang nangyari kaya hayaan niyo na po. Hindi naman kasi madaling magbantay ng maraming bata,” “Bakit? Hihintayin mo pa bang may ibang mangyari sa pamangkin mo?” “Ma, hindi yun yung punto ko. Hindi naman kasi madali ang ginagawa ng mga guro. Nagsorry na po siya kaya ayos na iyon. Hayaan niyo at tuturuan ko si Steven sa Self-defense tactics para naman siya na rin ang mananapak,” “Naku! Tuturuan mo pa ng kung anu-ano yang pamangkin mo. Baka paglaki niyan siya naman ang mambully,” “Ang negatibo mo Ma. Sinabihan ko naman na yung guro niya na sana ay hindi na mauulit,” “Siguraduhin niya lang. Dahil kapag ito, naulit pa. Humanda sa akin kung sino man ang kanyang guro,” “Ma, kumalma ka nga. Nandito naman na siya eh. Hayaan niyo na. Tapos na iyon,” “Oo na. Sige na. May magagawa pa ba ako. O siya, nagluto ako ng Banana Cue. Kukuhanan ko na kayo para may meryenda kayo,” “Sige po Ma. Magbibihis lang po ako. Steven, magbihis ka na rin,” Pagkasabi ko nun ay dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis na saka kaagad ding lumabas at nagtungo sa sala saka naupo sa sofa. Nadatnan ko doon si Steven na tulala pa rin at walang imik. Hindi pa rin siya nakakapagbihis. “Nak, okay ka lang ba? Magbihis ka na at kakain tayo ng saging. Nagluto si Mama La,” sabi ko sabay haplos sa buhok niya. Hindi pa rin siya sumasagot at tulala pa rin. Ano na ang nangyayari sa kanya? “Apo, ito na yung saging na nalagyan ng asukal. Hindi ba paborito mo ito?” wika ni Mama habang papalapit sa amin na may bitbit na chocolate drink at isang palitong saging. Ganun pa rin. Wala pa rin siyang sagot. Kaya nagkatinginan kami ni Mama. “Steven, ayos ka lang ba apo? Ito o saging saka tsokolate,” Kumuha si Mama ng kalahating saging saka niya iniabot kay Steven. Kinuha naman iyon ng bata nang walang imik. Kumakain siya pero hindi siya nagsasalita. Alam kong natrauma siya dahil sa nangyari sa kanya. Hindi ito maaari dahil baka maapektohan ang kanyang pag-aaral. Kinagabihan ay maaga kaming kumain dahil kinaumagan ay may pasok pa ako at maging si Steven. Pagkakain namin ay pinashower ko na ang pamangkin ko saka ako sumunod. Tango o iling lang ang sagot niya kapag may tinatanong kami dahil hindi siya umiimik. Pagkaligo ko ay pinapunta ko na siya sa kanyang kwarto at baka sakaling kinabukasan ay magsalita na siya. Hindi naman kasi tahimik ang batang ito dahil ang hilig niyang magkwento ng mga nangyayari sa kanya sa buong araw niya sa kanilang paaralan kaya naninibago kaming mga kasama niya sa bahay. Alas onse na ng gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Nagulat ako sa sigaw na nanggagaling sa silid ni Steven. Nakabobida man ay rinig pa rin kapag sumigaw ka dahil magkatabi lang ang aming silid. Dahil may susi sa akin ang kanyang kwarto, ay kaagad kong binuksan iyon. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakahiga pa rin at nakapikit ngunit siya ay nananaginip dahil sinusuntok suntok niya ang hangin. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. “Nak, gising. Nananaginip ka,” sabi ko saka tinapik tapik ang kanyang pisngi. Pagkamulat niya ay kaagad niya akong niyakap at umiyak na siya. “Shhh. Nandito na si Tito anak. Huwag ka nang matakot,” wika ko sabay hagod sa kanyang likod. Panay pa rin ang iyak niya at sobrang higpit nang pagkakayakap niya sa akin. Tinatanong ko siya kung bakit pero hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa tumigil na siya at nagpasyang matulog ulit. Akmang aalis na ako ay hinawakan niya ang aking kamay. Ayon doon, alam kong siya ay natatakot pa kaya humiga na ako sa tabi niya hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang tulog. Ako naman ay pumikit na hanggang sa ako ay makatulog na rin sa kanyang kama. NAGISING ako ng mga bandang alas kwatro singkwenta na nang umaga. Nag- inat inat muna ako bago tuluyang bumangon. Si Steven ay natutulog pa kaya naman hindi ko muna siya ginising dahil base sa oras ay maaga pa. Nagtungo kaagad ako sa banyo para umihi at makapaghilamos. Pagkatapos nun ay lumabas na ako saka ako nagtimpla ng kape. Habang ako ay nagkakape, nagluto na rin ako ng ulam at nagsangag ng kanin para sa pang umagahan. Nang matapos ay napagpasyahan kong maligo na para maaga akong makapasok dahil ihahatid ko pa ang aking pamangkin. Pagkabihis ko ay nakahain na ang aking mga niluto dahil gising na rin si Mama. Nagtungo ako sa kwarto ni Steven para gisingin siya at nang makapaghanda na siya para sa kanyang pagpasok. Nang magising siya ay niyaya ko na siya para makaligo na. “Tito ayaw ko pong pumasok,” wika niya saka umiyak na. “Bakit? May pasok ka ngayon. Hindi pwedeng umabsent,” “Tito basta ayaw ko,” aniya na patuloy pa rin sa pag iyak. “Anak hindi puwede. Kailangan pumasok ka. Lumabas na tayo para makaligo ka na at makakain. Nasa kusina na si Mama La,” “Tito ayaw ko po,” sambit niya saka humagulgol pa. Sa pagkakataong ito, alam kong sobra siyang naapektohan sa nangyari. Siguro ay sobra siyang natakot dahil sa murang edad niya ay naranasan na niyang magpagala gala sa kalsada ng ilang oras at naranasan na niyang mabully. Takot siya dahil wala siyang kilala doon. Ngayon, kailangan ko siyang aliwin para bumalik sa dati ang sigla niya. Ako ay hindi na rin pumasok noong araw ding iyon dahil ayaw niyang iwan ko siya. SA PANGALAWANG araw ay ayaw pa rin niyang pumasok kaya hindi na ako nakatiis pa. Nagpadala ako ng mensahe sa kanyang guro na si Ms. Santillan. Kinuha ko kaagad ang I.D ni Steven para kunin ang numero ng kanyang guro. To: Ma'am Santillan Magandang umaga Ma'am. Gusto ko lang pong malaman niyo na ayaw na naman pong pumasok ni Steven dahil sobrang naapektohan siya dahil sa nangyari. Palagi siyang umiiyak at laging nananaginip sa gabi. Baka lang naman po gusto niyo siyang kumustahin. Sent. Sarcastic ang mensahe ko sa kanya dahil wala man lang siyang concern para sa bata. Ni hindi niya man lang makamusta sa hindi niya pagpasok. Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng mensahe sa kanya. From: Ms. Santillan Good morning po. Pasensiya na kung hindi ko po mabisita si Steven. I am having a seminar po kasi at nakaleave po ako sa school ng dalawang araw. Baka po gusto niyo siyang kausapin nang maayos para makapasok or samahan niyo po siya bukas dahil babalik na rin po ako sa school tomorrow rin po. I will just finish the seminar. I hope for your understanding Sir. Alam kong sarcastic din siya sa kanyang reply. Nasa seminar siya tapos iniwan na naman niya ang kanyang mga estudyante. To: Ms. Santillan Ano lang naman yung itext mo ako at kumustahin siya diba? Hindi ka ba nag aalala na hindi siya nakapasok kahapon? Sent. From: Ms. Santillan I am sorry po ha Mr. Toriego. Biglaan kasi ang seminar na ito. Kukumustahin ko naman siya. Tatapusin ko lang ang seminar at maghohome visit ako. And for your information po, hindi po ako nainform na hindi siya pumasok kahapon dahil nga po biglaan ang pagdalo ko sa seminar. May nagbantay po sa mga pupil ko at hindi po niya nasabi sa akin na hindi pumasok si Steven. Pasensiya na ho kayo. To: Ms. Santillan Sus. Rason pa nga Ma'am. Sana lang ay hindi rin mapabayaan ng co-teacher mo ang pagpapabaya mo noong isang araw. Sige. Salamat na lang po. Sent. Naghintay pa ako ng ilang sandali pero hindi na siya nagreply. Napakasungit rin talaga ng gurong ito kahit alam naman niyang may kasalanan siya. Kapag hindi pa pumasok bukas si Steven ay pupunta na ako sa paaralang iyon. KINAUMAGAHAN ay kinukumbinsi ko si Steven pero ayaw niya talagang pumasok. Hindi naman pupwede na pati ako ay hindi rin papasok kaya kagaya ng ginawa ko kahapon, ibinilin ko siya kay Mama. Nang makapagbihis na ako ay nagmadali akong nagtungo sa Police Station para makapagpaalam dahil sasaglit ako sa San Joaquin Central School kung saan nag aaral ang aking pamangkin. Pasado alas syete na nang makarating ako doon. Nagtanong ako sa guard kung saan ang opisina ng principal. Itinuro naman niya sa akin kaya nagmadali akong nagtungo roon. Wala pa ang principal pero nakikita ko na ang ibang mga guro sa paaralang ito. Hindi ko alam kung papasok pa ba ang gurong iyon dahil nga Biyernes na ngayon. Malay ko kung tinatamad na siya dahil pagod sa seminar. “Good morning po Sir. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ng isang lalaking guro na base sa kanyang pananalita at galaw ay miyembro siya ng l***q. “Good morning din po sa inyo Sir. Hinihintay ko lang po yung principal,” “Ah see. Doon ka na po muna sa office ko habang wala pa siya, ” aniya sabay haplos sa braso ko. Paktay ka ngayon Sebastian. “Naku! Huwag na po. May upuan naman dito. Dito na lang po ako. Nandiyan na rin siguro siya maya-maya,” Instead na umalis ay sinamahan niya akong umupo sa bench na nasa labas ng opisina ng principal. Mabuti na lang at dumating din kaagad ang hinihintay kong makausap. “Good morning Sir. Christian,” wika ni Sir na nasa aking tabi. “Good morning. Seb, ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Principal Santos. Kilala niya ako dahil matalik na kaibigan siya ng kuya ko. Ang bata nga niyang naging principal. “Magandang umaga Sir Santos. Gusto lang sana kitang makausap,” “Sure sure. Sa loob na lang tayo ng opisina. Sir Roland pwede bang pakikuha kami ng dalawang kape?” “Sige po Sir. Wait lang po,” dagot naman ng isang guro. Kaagad namang umalis ang guro at ako naman ay sumunod sa Principal. “Umupo ka muna,” sabi niya saka niya ni-On yung aircon sa office niya pagkatapos nun ay umupo na rin siya sa kanyang swivel chair. “Ano? Bakit ka nagpunta rito?” “Ano kasi Sir,” “Sir ka diyan. Para kang iba sa akin ah. Kuya na lang tutal wala namang tao. So ano nga?” aniya saka ngumiti. “Ano kasi kuya. Si Steven,” “Bakit? Napano siya?” “Natrauma yata siya doon sa nangyari sa kanya noong nagfield trip sila sa San Agustin,” “A..ano? Anong natrauma? Bakit? Ano ba ang nangyari?” “Hindi daw siya napansin ng kanyang guro noong nasa park sila. Kaya ayun, nakalabas at nagpagala gala ng ilang oras sa bayan ng San Agustin. Nagkaroon nga siya ng pasa dahil binully daw siya ng dalawang bata. Mabuti na lang at nakita siya ng isang kapitan kaya ayun inihatid siya sa Police Station ng San Joaquin,” kwento ko. “Bakit hindi nasabi sa akin ni Ma'am Santillan ito? Tatlong araw na ah,” “Yun na nga po. Ayaw na rin pumasok ni Steven kahit anong pilit ko,” “Sandali lang at ipapatawag ko si Samantha,” aniya. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang gurong kumuha ng kape. Inilapag niya ito sa mesa saka siya inutusan ulit ni Kuya Christian para tawagin ang masungit na guro ni Steven. Makalipas ang limang minuto ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang magandang binibini. Suot niya ang kanilang uniform na kulay Mocha at slacks na kulay itim. Pero hindi ako madadala ng kanyang kagandahan. Nagkatitigan kami at kumunot ang noo ko sa tingin niya. Itinaas niya ang kaliwang kilay niya saka ako tiningnan ng masama. Ano ang problema niya? Hindi ba dapat handa siya sa mga ganitong sitwasyon? SAMANTHA NANG ARAW ding iyon ay nagpahatid na ako kay Teacher Migs sa bahay pagkagaling namin sa presinto. Kinagabihan ay nabasa ko sa group chat naming mga guro sa San Joaquin Central School na kasama ako sa seminar na magaganap sa Mababang Paaralan ng Botosan sa bayan ng San Isidro mula bukas, Wednesday hanggang Thursday. Balak ko sanang bisitahin si Steven kung hindi siya papasok ngunit may biglaan naman kaming seminar kaya sabi ko pagkatapos na lang. Tama nga ako dahil araw ng Huwebes ay nakatanggap ako ng text mula sa guardian ni Steven. Yung pulis na ubod ng sungit. Kung masungit siya, mas masungit ako. Nasabi niya na hindi nga raw pumasok si Steven. Hindi nakasave ang numero niya sa cellphone ko pero base sa laman ng kanyang text, alam kong si Mr. Toriego iyon. Nag-explain naman ako pero parang sarado ang kanyang isip sa paliwanag ko kaya hindi ko na lang nireplyan ang kanyang huling text dahil nakakabanas siya. Akala mo kung sino siya. ARAW NG BIYERNES ay natapos na ang seminar namin kaya bumalik na ako sa school dahil magcoconduct ako ng home visit kay Steven. Eksakto namang pagdating ko sa faculty room ay tinawag ako ni Sir Roland. Ang beking friend ko at isang admin staff. “Bakla, pinatatawag ka ni Sir Christian,” sabi niya pagkapasok sa room. “Bakit daw?” nagtatakang tanong ko. “Hindi ko alam gurl. Basta pinatatawag ka niya. And you know what, may kasama siya sa office niyaaaaa. Super pogi and super hot,” sabi niya sabay tili pa. “Ano? Yang kalandian mo na naman. Nakakita ka lang ng gwapo,” “Gaga. So pogi kaya. Dali na. Super nalalaglag na ang aking panty dahil sa kakisigan niya. Puntahan mo na at baka magalit na naman si Principal. May kasalanan ka ba?” Naalala ko naman yung nangyari sa San Agustin na hindi ko pa nasasabi sa kanya kasi nga diba inutusan niya akong umattend ng seminar. “Pinaglihi ka talaga sa kalan. And wait, oo eh. May hindi pa ako nasasabi sa kanya. Shocks baka super lion na naman siya mamaya,” Minsan kasi super sungit ng Principal namin na si Sir Christian Santos. Ewan ko. Dahil siguro wala siyang lovelife or kung meron man, baka nagsplit. “Magsisisi ka kapag hindi mo siya nakita. I swear. Baka pwede mo siyang jowain diba?” “Hindi ko naman kailangan ng jowa no. Sapat na sa akin yung mga estudyante ko,” “Bahala ka. Baka magsara yang maganda mong tanawin diyan, hindi na makapasok ang turista,” pilyong sabi niya. Ang magandang tanawin na sinasabi niya ay yung sensitibong ibabang parte ng aking katawan. Vi*gin pa kasi ako kaya wala pang nakapapasok na turista doon. “Gaga! Kung anu ano na naman yang pinagsasasabi mo. Wait lang mag aayos muna ako,” “Huwaw! Hindi kailangan ng jowa pero mag aayos? Scam ka gurl. Alam mo yun?” Tumawa na lang ako nang bahagya dahil sa kaokrayan ng isang to. Pagkatapos kong mag ayos nang very light ay nagtungo na ko sa office ni Sir Santos at sobrang kabado ako. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok. Pinihit ko ang door knob saka dahan dahang pumasok. Nang makapasok ako ay isinara ko muna ang pinto bago humarap sa kanya. Lumaki ang mata ko nang makita kung sino ang kasama niya sa loob. Si Mr. Toriego pala na ubod ng sungit dahil nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay at tinitigan nang masama. Hindi ako magpapatalo. Ano to? Irereklamo niya ako? My gosh. Huwag naman sana niya akong ipasuspindi. Pero feeling ko pagagalitan ako nang super ng aming Principal dahil sa hindi ko pagsabi sa kanya tungkol sa nangyari. “Good morning Ma'am Santillan,” bati sa akin ni Sir Santos. Alam kong galit siya dahil hindi man lang siya ngumiti. “Good morning po,” bati ko. “You may take your seat. May dapat kang ipaliwanang sa akin,” Ito na nga ba ang sinasabi ko Sam. Lagot talaga. Kaagad naman akong umupo sa upuan na nasa harap ng isang masungit na pulis. “Mr. Toriego, this is Samantha Santillan, a Grade Three adviser. So siya ang guro ni Steven,” “Opo Sir Principal,” “Teacher Sam, nasabi na sa akin lahat ni Mr. Toriego. Bakit hindi ka nagsabi sa akin?” “Sir, sasabihin ko naman talaga sa inyo kinabukasan. Kaso nga lang po may biglaang seminar,” “Rason pa nga,” mahinang litanya ni Toriego. Kung batukan ko kaya ang pulis matulis na 'to. “Sana tinext mo ako para naman alam ko yung nangyari. Hindi bale, magpapameeting ako pagkatapos nito,” “I am sorry po. Nakapag-explain na po ako dito kay Mr. Toriego,” “Did you try to visit the child?” “Ngayon po sana ako magpapaalam sa inyo,” “Ano ba ang nangyayari kay Steven Mr. Toriego?” “Lagi po siyang umiiyak kapag gabi. Tapos ayaw po niyang pumasok kasi natatakot daw siya na baka may mga bata sa school na mambully sa kanya,” “Teacher Sam, what would be the best remedy para tuloy tuloy pa rin ang learning ng bata?” “I will talk to him po Sir. Kukumbinsihin ko po siyang pumasok dahil yun ang hindi ginagawa ng kanyang guardian,” sabi ko habang nakatingin sa antipatikong lalaki na na nasa tapat ko. “Paano kung ayaw niyang pumasok? Problema ko na ba iyon? Kasalanan mo naman lahat ng ito eh. Kung hindi ka lang kasi nagpabaya e di sana wala tayo sa puntong ito ngayon,” masungit na aniya. “Excuse me Mr. Toriego, una sa lahat, hindi ko kagustuhan ang nangyari. Pangalawa, dadalawa lang ang mata ko para bantayan silang lahat. Pangatlo, wala kang karapatan na sabihan akong pabaya dahil kahit kailan hindi mo alam ang trabaho naming mga guro. Makaasta ka naman. Pwede mo naman siyang kausapin nang maayos diba? Kumbinsihin mong bumalik at pumasok sa school dahil ikaw lang naman ang kasama niya,” naiinis na sagot ko. “That is enough. I suggest tama na maghome visit ka na ngayon then try to convince the child. If hindi niyo naman maconvince sa ngayon, you need to conduct tutorial class sa bata,” suhestiyon ni Principal. “Sure Sir. After class po, itututor ko siya sa office ko,” “Tsssk. Hindi talaga nakaiintindi. Ayaw nga ng bata na pumasok sa school diba? Tapos sa office kayo magkaklase? Isip nga,” sabi ng pulis. “Sumosobra ka na sa pang-iinsulto sa akin ha. Gagawin ko na nga diba? Ano pa bang gusto mo?” “Sshhh! Tama na yan. Huwag na kayong magtalo dahil nakikita ko ang future niyong dalawa na magkasama,” nakangiting litanya ng aming principal. Nakuha pang magbiro ni Sir eh nakakainis na nga itong isa. And future naming dalawa? No way. Ayaw kong magkaroon ng jowang super yabang. “Teacher Sam, itutor mo na lang doon sa bahay nila. Kahit twice a week tapos week ends until makumbinsi mo siyang pumasok ulit,” Nakakainis! Bakit kailangan na doon pa? “Salamat po principal. Kapag hindi nito tinuruan ang pamangkin ko, siya ang tuturuan ko ng leksyon,” wika ni Toriego saka ngumisi pa. Tinatakot niya ba ako? Well hindi ako natatakot sa kanya. Do whatever he wants. Huwag niya lang akong barilin ng ibang baril. Makakatikim din siya ng sapak sa akin. Let us see kung gaano katapang ang pulis na ito. End of Chapter Two
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD