Chapter Three

3436 Words
Chapter Three SAMANTHA PAGKATAPOS NANG pag-uusap naming iyon ay napagkasunduan naming kinabukasan ko na sisimulan ang tutorial class kay Steven. Susubukan ko rin siyang kumbinsihin na pumasok na sa School sa Monday para naman hindi na ako pupunta sa kanilang bahay. Napakaantipatiko lang kasi ng Tito niyang pulis. Nakakainis. Noong araw ding iyon ay nagsagawa ng pagpupulong ang aming principal tungkol sa field trip. Hindi ko naman kagustuhan ang nangyari sana lang ay maintindihan nila iyon. SABADO ng umaga ay nagpunta ako sa Barangay Centro Dos sa bayan ng San Joaquin. Hinanap ko doon ang bahay ng mga Toriego. “Ate, pwede po bang magtanong? Saan po dito nakatira si Steven Toriego?” tanong ko sa Ale na nasa tindahan. “Direstohin mo lang po itong daan Ma'am tapos may kanto pong pakanan, pumasok po kayo doon tapos makikita niyo po ang malaking bahay na kulay Sky Blue at Dark Blue ang pintura tapos madami pong halaman sa labas niya, doon na po ang kanyang bahay,” dabi ng Ale. “Salamat po. Tutuloy na po ako,” wika ko skaa ako ngumiti at tuluyang naglakad. PAGKATAPOS ng anim na minuto ay nakita ko na ang bahay na nasa description ng Ale. Pagkatapat ko sa kanilang gate ay parang nauhaw ako bigla dahil sa aking nasaksihan. Juice ko po! Nakakita lang naman ako ng isang super sexy na lalaking kasalukuyang naglilinis sa kanyang kulay Itim na Montero na sasakyan. Wala siyang pang itaas na kasuotan at ang tanging suot niya lamang ay shorts na Black na One-inch above the knee tapos may nakasabit na bimpo sa kanyang balikat. Naku po! Sinasabi kong hindi ko na kailangan ng jowa pero kapag ganito, shocks! Parang gusto ko na ang magpapasok ng turista sa aking kuweba. “Magandang umaga po Mr. Toriego,” saad ko para alam niyang may tao. Kaagad naman niyang itinigil.ang pagkacar wash niya saka lumapit para pagbuksan ako ng gate. Base sa nakikita ko, tumatagaktak na ang kanyang pawis at nangingintab na rin ang kanyang hot na katawan dahil dito. Nang makalapit siya ay lumunok muna ako nang pasimple. Juice ko ko! Mukhang madedehydrate ako sa lagay na ito. “Magandang umaga Ma'am Santillan. Mabuti naman at tumupad ka sa usapan,” wika niya saka tuluyang binuksan ang gate. “Mahirap na po kung hindi,” simpleng sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya dahil awkward. Nakahubad kasi siya. “Mabuti naman. Sige pasok ka na,” pagyayaya niya. Nang maisara niya ang kanilang gate ay nagtungo na rin kami sa kanilang bahay. “Umupo ka muna Ma'am. Tatawagin ko lang si Steven at saka magdadamit na muna ako. Nakakahiya naman sa 'yo at baka mawalan ka ng tubig diyan,” Aba! Ang yabang. Wala namang abs. Habang nakaupo ako sa balkonahe nila ay iginala ko muna ang oaningin ko sa mga naggagandahang halaman sa kanilang paligid. “Magandang umaga po Ma'am. Ako po ang lola ni Steven,” pagpapakilala ng matanda na may dala-dalang meryenda. “Ay hello po Ma'am. Magandang araw po,” sagot ko naman saka nakipagkamay. “Taga saan ka po Ma'am?” tanong niya. "Taga San Agustin po Ma'am,” sagot ko. “Naku. Huwag mo na po akong iMa'am. Magmeryenda ka muna. Hindi ko alam na sobrang ganda pala ng guro ni Steven,” Ngumiti na lang ako dahil wala naman akong maisagot. “Pasensiya ka na po Ma'am kung naabala ka pa. Ayaw kasi talagang pumasok ng apo ko. Pinipilit pa nga siya ng kanyang Tito Seb pero umiiyak lang siya kapag sinasabihan siyang pumasok. Siguro ay dahil iyon sa nangyari sa kanya noong isang araw,” “Pasensiya na po kayo. Hindi ko po sinasadya yung nangyari. Patawarin niyo po sana ako,” saad ko saka ako yumuko. “Naku Ma'am. Alam ko naman pong hindi niyo kagustuhan ang nangyari. Mahirap talagang magbantay ng maraming bata kaya naiintindihan ko kayo. Naipaliwanag na rin sa akin ng anak ko. Sana lang ay makumbinsi niyo si Steven Ma'am,” Nakakailang naman ang Ma'am. “Sam na lang po ang itawag niyo sa akin Ma'am,” “Huwag mo na rin akong tawaging Ma'am Hija. Tita na lang,” aniya saka ako ngumiti. O my gesh! Tita? Tita parang gusto ko na yung anak niyo. Char! Kakalabas lang kasi ni Mr. Toriego at nakasuot siya ng tank top na kulay Blue. Bakit siya nagdamit? Sana hindi na lang. Nasa likod naman niya si Steven na parang natatakot. “Good morning Steven,” bati ko. “Go..good morning po Teacher Sam,” bati naman niya pabalik sa akin. “Sige na anak. Itutuloy ko pa yung paglilinis ko sa sasakyan. Mag-aral na kayo ni Teacher Sam,” sabi ni Toriego. Ayaw ko siyang tawagin sa first name niya dahil mukhang mayabang ang dating. “Tapos tayo naman mamaya ang mag-aaral,” bulong niya sa akin na ikinagulat ko. Saka niya ako tinitigan at kinindatan. Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at nagtungo sa kanilang garahe. My gosh! What is the meaning of this? Hot at pogi siya pero jusme hindi ako basta-basta bibigay no lalo na at pulis pa siya. Dahil sa kanyang sinabi ay parang nagsitayuan lahat ng buhok ko sa katawan. Twenty six na ako pero yun na nga, wala pa akong experience sa mga ganung bagay at siya pa lang ang nakakapagsabi ng mga ganitong bagag sa akin. Mabuti sana kung manliligaw ko siya pero hindi naman kaya nakakatakot ang kanyang mga pinagsasasabi. Gusto ko nang maranasan iyon pero wala pa akong mahanap na lalaking sasamahan ako sa sayang iyon. Gosh! Ang landi. Hindi ako nakasagot dahil ikinagulat ko ang kanyang sinabi kaya napainom ako sa juice na inihanda ng kanyang ina. “Sige na hija. Maiwan ko na kayo dito at ako ay magluluto na nang pananghalian natin,” tugon ng Mama niya. “Naku Tita, uuwi na lang po ako mamaya. Malapit lang naman po,” pagtanggi ko. Nakakahiya kaya. “Magagalit si Sebastian hija kapag hindi ka nananghalian dito. Sobrang aga pa nga niyang namalengke dahil nakakahiya raw kapag walang maluluto na ulam para sa 'yo,” Huwaw! Really? Kikiligin na ba ako dahil doon? “Hindi gurl. Bawal assumera,” siyempre ang aking ever kontarbidang brain. Kaya siguro wala pa akong jowa dahil lagi akong kinokontra ng aking isipan. Dahil sa sinabi ng lola ni Steven ay ngumiti na lang ako. Mahirap na kapag tumanggi sa grasya. Masama iyon. Kinausap ko ang bata at sinubukang kumbinsihan na pumasok na sa Monday pero ang sabi niya ay sa susunod na Monday na lang daw. Matalino si Steven at isa siya sa mga kaya hindi ako nahirapan na ituro sa kanya ang mga aralin na kanyang namissed. Alas onse na ng umaga nang matapos kami sa unang tatlong subjects. Tatlo kaagad ang natapos namin dahil yun nga, hindi naman siya mahirap turuan. Hindi naman na siya natatakot kaya siguradong makukumbinsi ko na siyang pumasok. “Ano anak? Ayos ba ang pagtuturo ni Teacher Sam?” singit ni Toriego na kaagad kong sinamaan nang tingin. Ano ang akala niya? Hindi ako marunong magturo? “Opo Tito,” tanging sagot ng kanyang pamangkin. “Mabuti naman kung ganun. Kakain na muna tayo bago niyo ituloy ulit,” aniya. “Ikuha mo nga ako ng tubig anak,” dagdag niya saka naman tumayo si Steven para sundin ang iniuutos ng kanyang tito. “So ano na? Tayo naman ang mag-aral. Gusto mo?” mahinang wika niya saka pa siya kumindat. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil doon. Shoccks! Bakit ganito yung mga sinasabi niya? “Ano ang tingin mo sa akin? Basta basta na lang bibigay? Hell no. Hindi ako ganung babae,” galit na sabi ko pero siyempre mahina lang dahil baka marinig ako ng kanyang Mama. Ngumisi naman siya nang bahagya na mas lalo ko pang ikinainis. “Ano ba yang sinasabi mo? Ang sinasabi kong pag-aaralan natin ay kung paano makukumbinsi ang pamangkin ko para pumasok na. Bakit? gusto mo ba ng ibang pamamaraan ng pag-aaral?” sambit niya na ikinabigla ko na naman. Shocks! Nakakahiya. Pero parang ganun kasi yung gusto niyang iparating eh. Yun yung pagkakaintindi ko. “Tito kakain na raw po tayo sabi ni Mama La,” sabad ni Steven pagkalabas niya saka niya iniabot sa kanyang Tito ang isang baso ng tubig. “Halika na Ma'am. Kakain na tayo,” pag-aaya niya. “Hindi na. Uuwi na lang ako Mr. Toriego. Malapit lang naman,” pagtanggi ko. “Tatayo ka diyan o bubuhatin kita?” madiing aniya saka ako tiningnan sa mata. Juice me! Ngayon ko lang narealize na nakakaakit pala ang kanyang mga mata kapag tinitigan mo rin ang mga ito. Parang nahihypnotize ako sa titig na. Shocks. “Oo na po. Aayusin ko lang ito,” sabi ko saka inayos ang mga libro na nasa mesa. “Seb na lang ang itawag mo sa akin. MakaPO ka naman. Parang ang tanda ko na. Saka mamaya na yan. Sumabay ka na sa akin sa pagpasok baka kasi tumakas ka,” Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa sinasabi niya. Dumiretso na kami sa kusina nila at nakahain na ang mga pagkain. “Umupo ka na hija at nang makakain na tayo. Nagugutom na raw itong apo ko,” saad ng matanda. Mula sa pintuan ng banyo ay lumabas ang matandang lalaki na sa tingin ko ay ama ni Mr. Toriego. “Ang ganda naman pala ng guro mo apo. Baka puwede mong maging Tita,” sabad ng matanda na ikinabigla ko na naman. Grabe sila. Ilang beses na ba akong nagulat ngayong araw. “Naku ikaw talaga Lito. Pagpasensiyahan mo na ang Papa ni Seb hija. Pilyo talaga yan,” singit ng Ina ni Seb. Kaya pala ganun ang asta ni Toriego dahil may pinagmanahan pala. “Hoo. Ang init,” ani Sebastian saka niya hinubad ang kanyang damit. My gooosh! Ang sarap ng ulam pero mas masarap siya. Pero wait, bakit kailangan niyang maghubad eh kakain kami? “Anak naman. Magdamit ka nga, kakain tayo. Hindi ka ba nahihiya kay Teacher Sam?” tanong ng kanyang Ina. “Ma mainit kasi. At saka alam kong okay na okay kay Ma'am yung ganito. Diba Ma'am?” Antipatiko talaga ang isang to. Nang-iinis talaga siya. Kanina pa. “Ah hindi po okay kasi nasa hapag kainan tayo tapos wala kang damit na pang-itaas,” direstong sagot ko. “Tama po si Teacher Tito. Values subject po namin yun kaya magdamit ka na po ulit,” sabad ni Steven. Ayos dahil may kakampi ako kaya naman napangisi ako nang palihim. Walang nagawa si Sebastian kaya inilagay niya ulit ang kanyang damit. Akala mo naman kasi kung sino. Hindi ako masyadong makakain dahil feeling ko nakatitig si Sebastian sa akin. Feeling ko pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko dahip nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin habang kami ay kumakain. “Ayaw mo ba yung ulam hija? Bakit ang kaunti ng iyong kinain?” tanong ni Mang Lito. “Ah hindi naman po sa ganun. Busog lang po ako sa meryenda namin kanina kaya konti lang po yung kinain ko,” “Nahihiya siguro Pa or sadyang mapili lang sa pagkain,” sabad ni Toriego habang punong-puno ng kanin ang kanyang bibig. “Hindi naman po Sir. Busog lang talaga ako,” “Nag-effort pa naman akong bumili ng Tahong at hipon sa palengke para sa 'yo tapos kaunti lang ang kakainin mo. Huwag naman ganun,” aniya. Well, in the first place hindi ko naman sinabing bumili ka ng ulam para sa akin. Hindi naman ako nagrequest. Ang yabang yabang mo. Talak ko ngunit sa isip ko lang. Nakakaasar na kasi siya eh. “Busog pa po talaga ako Sir kaya pasensiya na. Mas hindi naman maganda kung pipilitin ko lang na kumain,” “Oo nga. Naku ikaw talaga Sebastian. Hayaan mo na nga si Sam. Bilisan mong kumain at maligo na kayong dalawa ni Steven bago nila ituloy ang kanilang pag-aaral,” wika ng kanyang Ina. Mabuti naman dahip hindi ko na nagugustuhan ang inaasta ng Sebastian Toriego na ito. Konting-konti na lang. Pagkatapos naming kumain ay naghugas muna ako saka nagtungo sa labas para antaying matapos na maligo si Steven. Ilang sandali lang ay lumabas na ang bata at nagsimula na kaming mag-aral ulit. Hindi ako makapagconcentrate dahil ang lakas ng tunog ng telebisyon nila sa loob. Kaya sinabihan ko si Steven na lumipat kami sa rest house na nasa gilid ng kanilanh bahay. At least doon ay makakapag-aral kami nang maayos. Alas dos y medya na ng hapon nang hatiran kami ni Sebastian ng meryenda. Jusmiyo marimar! Mas masarap pa talaga siya kesa sa meryenda. O my! Bakit ganito na ako mag-isip ngayon? Hindi naman ako ganito sa mga nanliligaw sa akin noon. Suot niya pa rin ang shorts niya na kulay itim ngunit wala na siyang damit na pang-itaas. I know na hindi pa talaga siya naliligo. Nakakaadik yung katawan niya kahit wala siyang abs and oopps, may bumubukol doon. My gosh! Ang mata mo Sam. “Magmeryenda na muna kayo. Alam kong gutom ka na Teacher Sam. Ang konti kasi ng kinain mo,” aniya nang makalapit sa kinaroroonan namin. “Anak yung chocolate drink mo nakalimutan ko sa ref. Ikaw na ang kumuha,” utos niya sa bata at kaagad naman na sumunod ito saka naman niya inilapag sa mesa ang dala dala niyang meryenda. “Sabihin mo nga sa akin, hindi mo ba nagustuhan yung ulam? Napakaaga ko pa namang namalengke. Ang arte mo yata sa ulam,” talak niya saka umupo sa kabilang side Nagrereklamo ba siya? Hindi ko naman siya inutusan ah. “Hoy antipatikong pulis, hindi ho ako maarte sa ulam. Hindi lang talaga ako makakain nang maayos dahil tinititigan mo ako at para bang pinag-aaralan mo yung bawat kilos ko,” pambabara ko. “Tinititigan? Paano mo nasabi?” “Dahil nahuhuli kitang kakatingin sa akin,” “Huwaw, baka ikaw ang tumititig sa akin dahil hindi mo naman mapapansin na nakatingin ako sa 'yo kung hindi mo rin ako tinitingnan, diba?” nakangiti niyang tugon. Wait, bakit ganun? Parang mali ako sa pagkakataong ito pero hindi ko naman siya tinitingnan eh, nahuhuli ko lang talaga. My gosh! This is.… Hay! Ewan. Hindi ako makaimik dahil pakiramdam ko ay talo ako. “Boom! Bakit hindi ka makaimik? Dahil ba totoo?” dagdag niya saka siya lumapit sa akin kaya napausog ako nang kaunti para hindi kami magdikit. “Ano? Huli pero hindi kulong,” bulong niya sa akin. Parang nakukuryente ako dahil sa pagbulong niya. Ano baaaaaaa! Hindi pwedeng magpakita ako ng kahinaan ko dahil baka kung ano ang gawin niya sa akin. “Pwede ba lumayo ka sa akin,” sabi ko saka ako umusog ulit. “Nangangamoy na ba ako? Mamaya pa kasi ako maliligo kapag ihahatid na kita,” Ihahatid? Ayaw ko nga baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. “Huwag na. Kaya ko namang umuwi nang mag-isa,” “Okay sige. Kapag mga alas singko na ay marami ng tao sa kanto, mga nag-iinuman. Bahala ka na lang dumipensa kapag pinagtripan ka nila,” Totoo ba? Shocks! Takot pa naman ako sa mga lasing lalo na kapag mga hindi ko kilala baka pagtripan nila ako tapos halayin. Sayang naman ang ganda ko kapag hindi ko na masilayan ang liwanag. “Ano? Totoo ba? Sige magpapahatid na lang ako. Ayaw ko namang mapagtripan no,” pagsang-ayon ko saka naman siya ngumiti. Lulunukin ko na nag pride ko kaysa naman hindi na ako matagpuan ng pamilya ko kinabukasan. Mag-aalas singko na ng hapon nang matapos kaming mag-aral ni Steven. Kinausap ko siya ulit na pumasok na sa susunod na araw ngunit ayaw pa rin niya talaga. Kaya naman no choice ako kundi ang maging tutor niya sa buong linggo. Kagaya nang sinabi ni Sebastian ay ihahatid nga raw niya ako sa aming bahay sa San Agustin. Sa kabilang bayan lang naman kaya madali lang ang biyahe. Nagpaalam na rin ako sa kanyang mga magulang at pati na rin kay Steven. Pagkalabas niya sa kanilang bahay ay nakaligo na rin siya at nakasuot siya ng color Maroon na T-shirt at color Black na shorts. Kahit simple lang ang suot niya ay ang gwapo pa rin niya. “Yung sasakyan ba ang gagamitin mo anak?” tanong ng kanyang Ama. “Yung NMax na lang Pa,” sagot naman niya saka pumasok sa kanilang bahay Nag-expect pa naman ako na yung sasakyan ang gagamitin niya at leatst doon, hindi kami magdidikit pero shockings, motor? Pagkalabas niya ay may dala na siyang dalawang helmet. Nakatayo lang ako sa kanilang balkonahe kaya nagulat ako nang lapitan niya ako at isinuot niya sa akin ang helmet. Siya na rin ang nag-ayos ng iyon kaya hindi ako nakaimik. Mas matangkad siya sa akin at sa tantiya ko, hanggang baba niya lang ako. Ang bango niyaaaaa. Sana all fresh. “Hakika na Ma'am. Ihahatid na kita,” mahinahong aniya. Nilingon ko naman ang mga magulang niya na nakatingin sa gawi namin at nakangiti pa. Nakakahiya. Ano ba itong pinaggagagawa niya. Mali ito, baka may girl friend siya. “Aalis na po ako. Salamat po. Hapon na lang po ako pupunta rito bukas,” paalam ko ulit sa mga magulang niya. “Salamat din Teacher Sam. Susunduin ka na lang ni Seb bukas para hindi ka na mahirapan,” suhestiyon ni Mang Lito saka ngumiti pa. Ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon? Tumango na lang ako bilang sagot. Pero aagahan ko na lang na pumunta para hindi na ako masundo ni Toriego. Nakakahiya kasi tapos baka may nobya pa siya. Maissue pa kami. Ayaw ko naman ng ganun. Pinaandar na niya ang motor niyang kulay itim at super porma kapag siya ang nakasakay. “Mag-iingat kayo. Sebastian, yang pagmamanehi mo na naman,” singit ng kanyang Ina. Tumango naman siya at ako naman ay nagtungo na sa kinaroroonan niya. “Kaya mo bang sumakay?” tanong niya tapos ngumiti pa siya. Yung ngiting mapang-asar. Hindi naman ako ganun kaliit para hindi makasampa sa kanyang motor. Sinamaan ko lang siya nang tingin. “Sumakay ka na. Kumapit ka na lang dito sa balikat ko para makasampa ka,” “Kaya ko,” “Okay,” Nakasampa ako nang hindu kumakapit sa balikat niya. Baka kasi tuksuhin na naman niya ako. “Ano tara na?” tanong niya sa akin mula sa side mirror ng kanyang motor kaya tumango na ako. Nakakaakit talaga ang mga titig niya. “Saan pala ang bahay niyo?” tanong niya habang binabaybay namin ang daan palabas ng San Joaquin. “Ituturo ko na lang sa 'yo mamaya,” sagot ko. Walang masyadong sasakyan kaya binilisan niya ang kanyang pagmamaneho kaya napakapit ako sa balikat niya. Nanandya talaga ang isang 'to. Nang marealize kong mabagal na ang takbo ng kanyang motor ay tinanggal ko na ang pagkakakapit ko sa kanyang balikat. “Bakit mo tinanggal? Kumapit ka lang baka kasi malaglag ka,” nakangiting sabi niya. “Nananadya ka naman yata eh. Huwag mong bibilisan dahil takot ako kapag sobrang bilis,” tugon ko. “Ganun ba? Okay sige. Bagalan pa natin,” This time, super bagal naman ng kanyang pagpapatakbo. Iba na ang trip ng isang 'to kaya naman kinurot ko siya sa kanyang tagiliran. “OA naman na yang takbo mo,” “Diba ayaw mo sa mabilis? O di bagalan natin. Pero mas masarap kasi kapag mabilis,” natatawang sagot niya. Ang manyak talaga. Kung anu-ano na naman ang kanyang sinasabi. “Napakaperv mo talaga. Lahat na lang ng bagay ay binibigyan mo ng kakaibang kahulugan,” “Hindi naman kakaiba yun ah. Normal lang naman yun,” “Normal ka diyan. Hindi yun normal lalo na at hindi mo naman jowa yung pinagsasabihan mo ng ganun,” “Ah kailangan jowain ko muna? Sige, nobya na kita para naman okay na yung sinabi ko kanina,” natatawa pa ring sagot niya. Sa hindi ko malaman na dahilan ay biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Hindi pwede ito. Mali. Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi na naman ako nakaimik. Iniisip ko ang ang sinabi niya kahit na joke lang yun. My gosh! Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng boy friend sa edad kong beinte sais dahil lahat ng manliligaw ko ay hindi nakakatiis sa masungit kong pag-uugali. Nakatingin lang ako sa gawing kaliwa dahil iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Paano nga kaya kung isang araw ay ligawan ako ng isang 'to? “My gosh,” End of Chapter Three
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD