Chapter Four

3637 Words
Chapter Four SAMANTHA “Salamat Mr.Toriego,” saad ko pagkababa ko sa kanyang motorsiklo at agad ko namang tinanggal ang helmet saka ko iniabot sa kanya. Akmang tatalikod na ako nang bigla siyang magsalita. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Grabe naman yan. Kahit tubig lang naman sana,” aniya. Hindi ko alam kung mahihiya o maiinsulto ako sa sinabi niyang iyon. Naalala kong kabastusan pala kapag hindi ko siya pinatuloy sa bahay pero napakayabang niya kasi. “Ah.. akala ko kasi uuwi ka rin kaagad. Bumaba ka na muna diyan at nang nakapagmeryenda muna tayo sa loob,” wika ko. “Tayong dalawa ang magmemeryenda?” tanong niya sabay kindat pa. Ang sexy nang pagkakasabi niya kaya kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Nakakainis. “Ewan ko sa 'yo. Papasok ka ba o ano? Para naman makapagpahinga na ako. Kung ayaw mo, umuwi ka na lang,” inis na talak ko saka ko siya tinalikuran ngunit nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. “Alin ang gusto mong pasukin ko?” bulong niya sa akin na dahilan nang mabilis na pagtibok ng aking puso. Juice colooooooored! Bakit ganito ang lalaking 'to? Hindi ko na kinakaya ang kamanyakan niya. Or should I say, kamanyakan na naiisip ko dahil sa mga sinasabi niya. “Bahala ka na diyan Toriego. Lumayas ka na lang kung nantitrip ka lang din naman. Pagod ako kaya wala akong oras makipagbiruan,” wika ko saka ko siya iniwan sa labas. Bahala siya kung papasok siya sa bahay o hindi. Naiinis ako. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nagmano ako kay Papa na nasa sala saka ako dumiretso sa kusina. “Magandang araw po,” rinig kong aniya. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nagsalita ay alam kong siya. “Magandang araw din Hijo. Ikaw ba yung naghatid sa anak ko? Umupo ka muna,” tanong ni Papa. “Opo sir. Iniwan po niya ako sa labas. Ayaw niya akong papasukin,” parang batang sumbong niya. “Sam, hali ka nga muna,” tawag sa akin ni Papa. Itinigil ko muna ang paghahanda ng meryenda saka ako nagtungo sa kusina. “Bakit po?” tanong ko. “Bakit naman ayaw mo siyang papasukin? Siya na nga ang naghatid sa 'yo. Ipaghanda mo siya ng meryenda niya. Nakakahiya. Ikaw talagang bata ka. Napakasungit mo,” Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at parang nang-iinsulto ang kanyang tingin. Ngumisi pa siya nang bahagya. Nang-iinis nga talaga ang lalaking 'to. “Pinapasok ko po Pa pero ayaw niya kasi,” depensa ko. Tama naman kasi nag-iinarte lang siya kanina. “Naku, sige na. Maghanda ka na ng meryenda para naman makabawi ka sa kanya,” Tumango na lang ako saka nagtungo ulit sa kusina para kunin ang meryendang inihanda ko. “Magmeryenda na muna kayo Pa and Sir Toriego,” saad ko saka ko inilapag sa mesa ang hawak kong plato. Hindi ko siya tiningnan dahil alam kong mang-aasar lang siya. “Tapos na ako kanina. Maiwan ko muna kayo dahil nagpapasundo ang Mama mo. Nagpunta kasi siya doon sa palengke,” ani Papa saka tumayo na. Gosh! Maiiwan kaming dalawa ni Toriego? “Pero Pa,” “Kausapin mo muna itong si Sir Toriego. Susunduin ko ang iyong Mama. Pagpasensiyahan mo na itong anak ko hijo. Masyadong masungit kaya hindi pa nagkakaroon ng nobyo. Mailap sa mga manliligaw. Sige ha. Dumito na muna kayo,” saad niya saka kinuha ang susi ng sasakyan na nasa tabi ng TV. “Maiwan na muna kita hijo,” “Sige po Sir. Wala pong problema,” sagot naman ni Toriego at ngumiti pa nang nakakaloko. Juice colored! May balak ba siyang gawin? Nang makaalis si Papa ay umupo ako sa kabilang sofa. “Ayaw mo bang magmeryenda?” tanong niya dahil nag-i-scroll lang ako sa cellphone ko. “Hindi ako nagugutom. Kumain ka na lang diyan,” masungit na saad ko. “Joke lang naman yung sinabi ko sa Papa mo. Napakapikunin mo naman Ma'am,” “Okay lang naman yun,” “Okay lang? Pero hindi na maipinta kanina yang mukha mo,” nakangiting aniya. “Hindi kaya. Nag-iimbento ka na naman,” “Bakit ka umiirap?” “Hindi naman eh. Ikaw lang naman nagsasabi,” “Okay. Ano ba yang nilalaro mo diyan sa cellphone mo? Busyng busy ka diyan samamtalang may bisita ka,” “Wala ka ng pakialam,” “Napakasungit mo talaga. Baka gusto mong maglaro na lang tayo,” aniya sabay taas baba pa ng kanyang kilay. “Napakamanyak mo talaga Toriego,” “Biro lang. Napakaseryoso mo kasi,” Sa inis ko ay tumayo ako saka nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at kinuha ko ang aking tumbler. Napakaantipatiko ng lalaking iyon. Akala mo naman kung sino. “Nakakainis. Napakamanyak. Siguro babaero siya dahil ganun ang kanyang nga sinasabi. Sorry na lang siya dahil hindi niya ako makukuha sa paganun-ganun niya. Hindi lahat ng babae ay kaya niyang maloko at wala siyang karapatang mantrip ng babae dahil mukhang maliit naman yung armas niya doon. Hindi naman kasi bumabakat,” talak ko. Para na akong tanga na nagsasalita mag-isa. “Ano yung sinabi mo?” tanong niya na ikinagulat ko. Nasa kusina na pala siya. Gosh! Narinig ba niya yung mga sinabi ko? “Ah..wala naman akong sinasabi,” “Meron eh. Narinig ko,” aniya saka inilagay ang isang kamay niya sa kanyang bewang. “Narinig mo naman pala bakit kailangan ko pang ulitin?” pabalang na sagot ko. “Gusto kong manggaling ulit sa 'yo,” wika niya saka naglakad papalapit sa direksyon ko. Kinabahan naman ako dahil sa dahan dahan niyang paglapit kaya ako ay napaatras. “Sige na. Ulitin mo,” Hindi ko siya pinakinggan at patuloy pa rin ako sa dahan-dahang pag-atras. Hanggang sa sumagad na nga ako sa pader kaya niya ako nacorner. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Seryoso ang kanyang mga tingin. Hanggang sa isandal niya ang kanyang kamay sa wall. Gossssh! I smell his scent and super nakakaadik iyon. Pero ano ang gagawin ko ngayon? Ikikiss ba niya ako? “Ayaw mo bang ulitin yung sinabi mo kanina? Sige na. Pakikinggan ko lang,” tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata. “Lu..lumayo ka nga sa akin,” sabi ko sabay tulak sa kanya ngunit mas malakas siya. “Gusto mo bang makita kung gaano kalaki ang armas ko?” aniya sabay lapit pa ng kanyang mukha at hinawakan niya ang aking bewang nang dahan-dahan. Hindi ako makagalaw dahil sa ginagawa niya. Juice colored! Katapusan ko na ba? Hindi ako makaimik dahil nakatitig lang siya sa akin. Parang nahihypnotize ako sa kanyang tingin. Dahan-dahan niya ring inilalapit ang kanyang mukha sa akin na sa tingin ko ay anumang segundo ay hahalikan na niya ako kaya pumikit na lang ako. Ififeel ko na lang ang moment kung sakali mang ituloy niya. Hinihintay ko na lang ang pagdapo ng kanyang mga labi sa aking labi. My gossh! Makalipas ang limang segundo ay wala akong nahintay. “Aray ko naman,” reklamo ko dahil yung hinihintay kong halik ay naging pitik. Pinitik niya kasi ang ilong ko. Nakakainis! “May papikit pikit ka pang nalalaman. Hindi kita hahalikan Ma'am. Umayos ka na at uuwi na ako,” nakangiting aniya saka niya ako tinalikuran. Juice ko! Napahiya ako doon. Akala ko naman kasi hahalikan niya ako. Sayang. Char! SEB NAPAKASUNGIT niya ngunit gustong-gusto ko siyang inaasar. Gusto ko yung sinasamaan niya ako ng tingin kagaya nang una naming pagkikita. Pero siyempre nagpresinta na akong ihatid siya sa kanilang bahay dahil sa mga ganitong oras ay marami ng mga tao sa labas ng kanto. Baka matakot siya o baka pagtripan siya ng ibang mga tao. Inasar ko lang siya habang nasa biyahe kami patungo sa kanilang bahay. “Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Grabe naman yan. Kahit tubig lang naman sana,” saad ko. Wala naman talaga akong balak dahil gusto ko lang naman siyang asarin. Siya pa lang kasi yung babaeng nakilala kong sobrang sungit. “Alin ang gusto mong pasukin ko?” pang-aasar ko pa lalo namg ayain niya ako sa loob ng kanilang bahay. Napangiti na lang ako nang tumalikod siya at pumasok sa kanilang bahay. Halatang nainis siya sa sinabi ko. Wala eh, gusto ko lang asarin ang guro ng aking pamangkin. Iniayos ko muna ang pagkakapark ng aking motor sa ako sumunod sa kanya. Nadatnan ko namang may nanonood sa kanilang sala na sa palagay ko ay Papa niya iyon. Bumati ako saka nagmano sa kanya. “Magandang araw din Hijo. Ikaw ba yung naghatid sa anak ko? Umupo ka muna,” Tama ako. Papa nga siya ni Ma'am Sam. “Opo sir. Iniwan po niya ako sa labas. Ayaw niya akong papasukin,” parang batang sumbong ko na tama lang para marinig ni Sam dahil sa tingin ko ay nasa kusina siya. Sa hindi ko inaasahan ay tinawag siya ng kanyang ama. Naku po! Nagbibiro lang naman ako. Tinanong siya kaagad ng kanyang ama dahil sa sinabi ko. Kaagad siyang tumingin sa akin at nakita ko ang nanlilisik niyang mga mata. Nakangiti na lang ako dahil sa kanyang hitsura. Tila ba gusto na niya akong sakalin dahil sa kanyang masamang tingin. “Pinapasok ko po Pa pero ayaw niya kasi,” depensa niya pero mukhang kakampi ko ngayon ang kanyang ama. Padabog siyang bumalik sa kanilang kusina na tila ba isang batang napagalitan. Ilang minuto lang ay bumalik na rin siya sa sala at dala dala niya ang meryendang inihanda niya. Iniiwas niya ang tingin niya sa akin. Akala niya siguro ay aasarin ko na naman siya. “Pero Pa,” reklamo niya nang sabihin ng kanyang ama na aalis ito. Natatakot ba siya? Wala naman akong gagawing masama sa kanya ah. “Kausapin mo muna itong si Sir Toriego. Susunduin ko ang iyong Mama. Pagpasensiyahan mo na itong anak ko hijo. Masyadong masungit kaya hindi pa nagkakaroon ng nobyo. Mailap sa mga manliligaw. Sige ha. Dumito na muna kayo,” Nang makaalis ang kanyang ama ay umupo siya sa sofa habang nagcecellphone. Ako naman ay uminom na lang sa juice na inihanda niya. Napakasungit niya talaga dahil hindi man lang siya tumitingin sa gawi ko.kapag siya ay nagsasalita. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya sa kanyang cellphone parang wala kong kasama dahil busy ang isang 'to. “Okay. Ano ba yang nilalaro mo diyan sa cellphone mo? Busyng busy ka diyan samantalang may bisita ka,” “Wala ka ng pakialam,” masungit na sagot niya. “Napakasungit mo talaga. Baka gusto mong maglaro na lang tayo,” saad ko sabay taas baba pa ng aking kilay. Dahil sa sinabi kong iyon ay natawag tuloy akong manyak. Hindi naman ako ganung tao. Gusto ko lang naman siyang asarin. Gusto ko yung pagsusungit niya sa akin. Mukhang galit na nga ang babaeng ito dahil tumayo siya at nagtungo sa kanilang kusina. Inubos ko na rin ang natitirang juice sa aking baso at pinalipas ang ilang minuto bago ako nagtungo sa kinaroroonan niya para magpaalam na at makapagsorry dahil sa pang-aasar ko sa kanya ngunit sa hindi ko inaasahan ay narinig ko ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Ikaw ba naman ang sabihan na may maliit na armas. Alam ko ang kanyang tinutukoy. Ibang armas ang sinasabi niya. Imbes na magsorry ako ay hindi ko na itinuloy. Ngayon, mas lalo ko pa siyang aasarin dahil sa sinabi niyang iyon. Nasa harapan siya ng kanilang ref at hawak hawak niya ang kulay asup na tumbler. Nagulat siya nang magsalita ako. Hindi niya inaasahang maririnig ko ang lahat ng iyon. Wala daw siyang sinabi pero rinig na rinig ko naman. Gusto ko lang ulit marinig mula sa kanya. Lumapit ako sa kanya ngunit umaatras lang siya hanggang sa macorner ko na nga siya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Sinusubukan talaga ako ng teacher na to. Itinulak niya ako pero hindi ko pinakinggan ang sabi niyang lumayo ako sa kanya. Hanggang sa dahan dahan ko nga ngang inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Sa di ko malamang dahilan ay ipinikit niya ang kanyang mga mata kaya pinitik ko ang ilong niya na nagpasigaw sa kanya. Ang akala niya siguro ay hahalikan ko siya. Hindi naman ako ganun. Hindi naman ako mapagsamantalang tao kaya dumistansiya ako sa kanya. “May papikit pikit ka pang nalalaman. Hindi kita hahalikan Ma'am. Umayos ka na at uuwi na ako,” nakangiting saad ko saka ko siya tinalikuran. Nagtungo ako sa kanilang sala para hintayin siya dahil uuwi na rin ako maya maya. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik doon kay kinuha ko na ang mga baso na nasa mesa saka ako nagtungo sa kusina. Nadatnan ko siyang nakasandal pa rin sa pader na tila ba estatwa. Ano ang nangyari sa isang 'to? “Ma'am, uuwi na ako,” pukaw ko ng kanyang atensiyon. Inilapag ko na rin sa mesa ang hawak kong tray. “Ah, hah?” sagot niya. “Ang sabi ko uuwi na ako. Bakit ka tulala diyan? Hindi naman kita hinalikan. Bakit? Gusto mo ba?” wika ko saka ako ngumisi nang bahagya. “Mukha mo Toriego. Napakamanyak mo talaga. Sige na umuwi ka na nga. Magpapahinga na rin ako,” aniya saka nagtungo sa sala. Sumunod naman ako kaagad. “Mamaya na lang kaya ako umuwi. Wala ka pang kasama dito. Wala pa yung mga magulang mo,” “Kaya ko ang sarili ko. Maya maya nandiyan na rin ang mga yun at saka hindi mo ako kailangang bantayan. Hindi ako bata,” aniya saka humalukipkip na umupo sa sofa. “Eh kung gumawa kaya tayo ng bata?” “Sebastian! Ano ba! Napakamanyak mo talaga. Tantanan mo nga yan. Pulis ka pa naman tapos ganyan ka umasta. Parang inaabuso mo naman ako,” “Nagbibiro lang naman ako at saka hindi ko naman gawain yun. Hanggang salita lang ako. At kung talagang manyak ako, kanina pa sana kita inangkin dito sa loob mismo ng bahay niyo. Binibiro lang naman kita. Pasensiya ka na. Napasobra yata yung biro ko. Sige na aalis na ako. Salamat sa meryenda. Maglock ka na lang ng pinto niyo,” sagot ko saka ako tumayo. Uuwi na ako dahil baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin. Biro lang naman ang lahat ng iyon pero sumobra yata ako kaya nainis siya nang ganun. “Magtext ka na lang bukas kay Mama kung makakapunta ka sa bahay. Isesend ko mamaya yung number niya. Si Papa na lang ang susundo sa 'yo. Sige na. Pasensiya ka na talaga. Salamat ulit,” Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil lumabas na ako sa kanilang bahay. Padabog niya namang isinara ang kanilang pinto. Masungit nga talaga ang babaeng 'to. Sumakay ako sa motor ngunit hindi ko pa pinaandar. Umupo lang ako doon habang hinihintay ang kanyang mga magulang. Mahirap na at baka pasukin siya ng masamang loob. Wala pa naman siyang kasama. Beinte minutos ang lumipas ay dumating na rin ang kanyang mga magulang. “Bakit ka nandito sa labas? Pauwi ka na ba hijo?” tanong ng kanyang ama nang tumigil ang sasakyan nila at bumaba ang kanyang asawa upang buksan ang kanilang gate. “Pauwi na po ako Sir,” sagot ko. Nang makapasok ang sasakyan ay kaagad naman akong nagmano sa kanyang ina. “Pasok ka muna hijo,” yaya nito sa akin. “Naku, hindi na po Ma'am. Kalalabas ko lang po dahil pauwi na rin ako,” Hindi ko sinabing hinintay ko sila baka mag-isip sila ng ibang bagay. “Ganun ba? Bakit hindi ka man lang hinatid ni Samantha dito sa labas?” “May ginawa po yata Ma'am. Okay lang po. Sige po, mauuna na po ako,” “Mag-iingat ka hijo. Salamat sa paghatid kay Sam,” Naikwento siguro ng asawa niya na ako ang naghatid sa kanilang anak. Tumango ako at ngumiti saka ko isinuot ang helmet at muling sumakay sa aking motorsiklo. ALAS SAIS Y MEDYA na nang makarating ako sa bahay. Mahigit isang oras din akong sa bahay ng mga Santillan. Inilagay ko na sa garahe ang motor saka ako pumasok sa bahay. Nadatnan kong nanonood ng TV ang pamangkin ko kaya tumabi ako sa kanya at kumuha sa prutas na nasa kanyang harapan. “Kumusta ang tutorial class niyo ni Teacher Sam?” tanong ko. “Okay lang naman po Tito. Hindi naman po ako nahirapan,” “Papasok ka na ba sa Lunes?” “Ayaw ko pa po. Gusto ko muna dito,” “Hindi naman pwedeng dito ka palagi mag-aral anak. Kailangan bumalik ka sa school,” “Babalik naman po ako pero sa susunod na Lunes na lang po para naman makilala mo pa si Teacher Sam,” aniya saka ngumiti pa. Pilyo talaga ang batang ito. Yun pala ang purpose niya kung bakit ayaw niyang pumasok. “Yun ba yung dahilan kaya ayaw mong pumasok? Hindi pwede yun,” “Hindi naman po Tito. Baka po kasi may mambully sa akin doon. Hindi mo pa po ako natuturuan ng selp depense (self defense),” “Sige. Bukas pagkagaling natin sa simbahan, tuturuan kita. Ayos ba yun?” “Opo, pero may klase po ako,” “Hapon naman yata pupunta yung masungit na teacher mong yun,” Pagkasabi ko nun ay inilabas ko ang aking cellphone para magtext sa maladragong guro ni Steven. Ipinasa ko sa kanya ang numero ni Mama para sa kanya na lang siya magtext bukas. Baka kasi naiinis pa yun sa akin. “Hindi naman po siya masungit Tito eh. Sobrang bait po niya sa amin. Siguro po bad yung pinapakita mo sa kanya kaya ka po niya sinusungitan,” talak ng aking pamangkin. Masama ba yun? Binibiro ko lang naman eh. “Binibiro ko lang naman yung teacher mong yun sadyang masungit lang talaga siya. Mukhang pumapatay kapag tumingin,” “Hala ka Tito. Isusumbong kita,” “Biro lang. Pero ang ganda niya kahit masungit siya,” Totoo naman kasi. Maganda siya ngunit ubod ng sungit. Ni hindi ko pa nga yata nakikitang ngumiti yun. Ang sama palagi ng kanyang tingin. “Yiiieeeh. Baka po magustuhan niyo po siya Tito,” “Naku po! Kanino mo naman natutunan yan? Pero malabo anak dahil para siyang tigre. Bakit? Gusto mo na bang magkaroon ng Tita?” “Opo naman para po may kapatid na rin ako. Para po may kalaro po kami ni Papa Lo at ni Mama La,” masayang aniya. Paktay ka ngayon Sebastian. “Oo na anak. Maghahanap ako bukas baka may maligaw. Umayos ka na diyan at baka tawagin na tayo mamaya ni Mama La. Kakain na tayo maya-maya,” sambit ko saka ako tumayo dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig niya. Gusto na daw niya ng kapatid pero wala pa naman akong nobya. Paano ko naman siya bibigyan? Naku po talaga. Nagtungo ako sa kusina para tulungan si Mama na maghanda ng pagkain. “Malayo ba ang bahay ni Ma'am Sam anak?” tanong ni Mama habang naghihiwa ng kamatis. “Sakto lang naman po Ma. Mukhang malayo lang dahil mabagal ang pagmamaneho ko. Ayaw niya nang mabilis,” “Mabuti naman. Dahil sobra kang magpatakbo ng motor mo,” “Hindi naman po Ma. Sakto lang naman po,” “Pero anak, maganda si Ma'am Sam ano?” “Maganda nga Ma pero saksakan ng kasungitan,” “Hindi naman ah. Siguro kung anu-ano na naman ang pinagsasasabi mo kaninang hinatid mo siya. Siguro binibiro-biro mo na naman siya kaya ka niya sinusungitan. Yang kapilyuhan at kapilosopohan mo kasi Sebastian,” Magkakampi nga ang maglolo dahil parehas sila ng kutob. “Hindi naman ah. Slight lang Ma,” sagot ko saka ako tumawa nang bahagya. “Sabi ko na nga ba Sebastian. Kaya wala kang nanonobya. Kung ayusin mo kaya yan tapos ligawan mo si Teacher Sam. Ilang taon na lang malalaglag na yang edad mo sa kalendaryo. Aba anak bilisbilisan mo ang galaw,” Ayoooooon! Natumbok din. “Ma, sapat na kayo sa akin at nandiyan naman na si Steven. Alam mo namang wala akong panahon sa ganyan dahil busy ako sa pamangkin ko,” “Anak, lumalaki na si Steven. Alam kong hindi ka niya iiwan paglaki niya pero magkakaroon din yan ng pamilya balang araw. Kaya kung ako sa 'yo, maghanap ka na nang liligawan mo kung ayaw mo si Teacher Sam,” “Kayo talaga Ma. Darating din tayo diyan pero huwag muna ngayon. Atat naman kayo eh. Bakit? Gusto niyo na bang magkaroon ulit ng apo?” “Aba! Natural lang sa amin iyon. Namimis ko na ring maghele ng bata dahil hindi ko naman na maihele si Steven. Ang laki laki na niya,” natatawang sagot niya. “Sige Ma. Bukas na bukas rin hahanap na ako ng kasama kong gumawa ng apo niyo,” Hinampas niya lang ako sa balikat dahil sa sinabi ko. Hindi naman kasi ganun kadali. “Sira ulo ka talaga. Ilagay mo na nga sa mesa itong mga plato at kakain na tayo. Tawagin mo na rin ang Papa mo. Nandoon siya sa kubo,” Sinunod ko ang sinabi ni Mama na maglagay ng plato sa mesa. Habang inaayos ko ay tinawag namanako ni Steven. “Tito may message ka po sa phone mo,” Pagkaayos ko sa mga plato ay nagtungo ako sa sala dahil nandoon ang telepono ko. Tama nga si Steven, may nagpadala ng mensahe. Inopen ko iyon para basahin ang mensahe na galing sa masungit na guro ni Steven. Oo, si Sam ang nagtext. “Tito bakit ka po nakangiti,” End of Chapter Four
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD