Chapter Five

3739 Words
Chapter Five SEBASTIAN FROM: Ms. Santillan HOY! Mr. Toriego, kung inaakala mong nakokonsensiya ako dahil sa mga sinabi mo kanina, nagkakamali ka. Kasalanan mo din yan kasi hindi mo nililimitahan yang mga biro mo. Hindi mo naman ako girlfriend o nililigawan para magbiro ka ng mga ganun. Bahala ka sa buhay mo! Ito ang laman ng kanyang mensahe na ikinangiti ko. Naiimagine ko kasi ang hitsura niya kung sinasabi niya ang mga ito sa personal. Wala naman akong balak na masama sa kanya. Hindi ko iyon nireplyan dahil natatawa pa rin ako sa tinext niya sa akin. Hahayaan ko din siyang magalit tutal hindi ko naman siya girlfriend o nililigawan. “Tito, bakit po kayo nakangiti?” biglang tanong ni Steven. “Wala anak. May namali lang ng text. Halika na sa kusina dahil kakain na tayo,” saad ko sabay patong ng aking telepono kong samsung keystone sa mesa. “Ano pong sabi?” tanong ulit ng pamangkin ko. “Wala anak. Napakachismoso mo,” sabi ko sabay buhat sa kanya. Kaagad naman siyang kumapit sa akin habang nakangiti. Parang anak ko na kasi ang batang ito dahil maaga siyang naiwan ng kanyang mga magulang kaya kung maaari sana ay ayaw ko ng maghanap ng mapapangasawa. Gusto ko sanang magpokus na lang ako sa kanya ngunit hindi naman pwede dahil tama naman ang sinabi ni Mama. Kailangan ko rin ng katuwang at makakasama sa buhay. Kaming lahat ay nasa harap na ng hapag-kainan kaya nagsimula nang magdasal si Steven para sa aming hapunan. “Amen,” sabay-sabay naming saad pagkatapos ng dasal. Ipinagsandok ko na rin ng pagkain ang pamangkin ko habang siya ay nakikipag-usap kay papa. “Gamitin mo na lang yung sasakyan pangsundo bukas kay Teacher Sam anak,” ani Papa. “Kayo na lang po ang sumundo Pa. Didiretso po muna ako sa station pagkagaling natin sa simbahan,” sagot ko naman habang naglalagay ako ng kanin sa aking plato. “E di daanan mo na lang bukas pagkagaling mo doon sa station. Sandali ka lang naman siguro doon,” “Baka po hindi Pa eh. Kayo na lang po,” “Naku Sebastian. Paano ka mapapalapit sa guro ni Steven kung hindi ka gagawa ng hakbang. Baka maunahan ka pa ng iba. Kaya ikaw ang sumundo bukas sa kanya,” natatawang ani Papa. Wala na akong nagawa kaya tumango na lang ako bilang sagot. Ano pa nga ba? Hindi ko naman matatalo ang mga ito. Mukhang magkakakampi sila eh. KINABUKASAN nga ay nagtungo kami sa simbahan para dumalo sa misa. Pagkatapos ng misa ay kumain muna kami dahil kanina pa nagrereklamo ang bulinggit na kasama namin. “Tito, susunduin mo na po ba si Teacher Sam?” tanong ni Steven pagkatapos naming kumain. “Oo nak eh. Didiretso na ako doon pagkagaling ko sa station,” sagot ko habang nagpupunas ng aking kamay gamit ang tissue. “Pwede po akong sumama?” “Hindi na anak. Dadalawa lang yung helmet at saka mabilis lang si Tito dahil mag-aaral pa kayo ni Tita,” “Tita?” nagtatakang tanong niya. Inaalala ko ang huling sinabi ko na ipinagtaka niya. Tita nga pala ang aking nabanggit. Paktay! Bigyan ko na kaya ng Tita ang aking pamangkin? “Este, Teacher Sam pala anak. Sorry,” saka ako nagpeace sign. “Sige na. Mauna ka na Seb. Bibili pa raw ng laruan itong pamangkin mo. Igagala na muna namin sa Mall,” ani Mama. “Naku po. Isang laruan lang anak ha? Baka naman magpabili ka na naman ng kung anu-ano kay Papa Lolo at Mama La? Isa lang na laruan tapos tama na,” sabi ko sa pamangkin ko. “Yes po Sir,” aniya saka sumaludo sa akin. “Tito paano po pala yung selp depense (self defense)?” “Tuturuan na lang kita mamayang hapon. Pagkatapos mong mag-aral. Sige na, aalis na ako. Huwag ka na namang takbo nang takbo sa Mall. Ayos ba yun?” “Opo. Mag-iingat ka po,” saad niya sabay halik sa aking pisngi. Magkatabi kasi kami ng upuan dahil nasa loob pa lang kami ng Jollibee. Nagpaalam na rin ako kina Mama at Papa saka ako lumabas. Tinungo ko na kaagad ang pwesto ng aking motorsiklo. Kinuha ko muna ang helmet na nakasabit sa side mirror nito saka ko isinuot. Sumampa ako sa aking motor saka ko iyon pinaandar. Dumiretso na muna ako sa police station dahil may kinuha lang ako doon. ALAS ONSE pasado na nang umalis ako sa station at nagtungo sa San Agustin. Makalipas ang kinse minuto ay nakarating na ako sa San Agustin at papasok na ako sa kanto patungo sa bahay ni Sam. Sa di kalayuan ay natanaw ko na siyang nasa kalsada at nag-aabang ng kanyang masasakyan sabay kalikot sa kanyang telepono. Hindi ko na kasi sinabi na ako rin pala ang susundo sa kanya. Tatlong metro na lang ang layo ko sa kanya kaya naman bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat nang makita niya ako at agad na napalitan din iyon ng masungit na awra niya nang bumusina ako sa tapat niya. “O bakit ka nandito?” bungad niya. Hindi ko pa man din natatanggal ang aking helmet ay nagsusungit na siya. “Sinusundo po kita Ma'am,” “Kaya kong pumunta doon kaya hindi mo na ako kailangang sunduin pa,” aniya saka humalukipkip pa. “Ganun ba? Okay sige. Alam ko namang ayaw mong sumabay sa akin. Hindi bale, lalabas na lang ako at mag-aabang nang masasakyan mo,” wika ko saka ko inikot ang aking motor at iniwan siyang nakatayo sa tapat ng kanilang bahay. Ayaw kong asarin siya dahil baka mas lalo lang madagdagan ang pagkainis niya. At saka Linggo ngayon kaya bawal ang mantrip. SAMANTHA NANG HAPON ding iyon, pagkauwi niya ay nagtext ako sa kanya. Akala siguro niya ay makokonsensiya ako sa mga sinabi niya. Puwes, nagkakamali siya. Pero natouch ako sa sinabi niyang maglock ako ng pinto tapos nang sumilip ako mula sa bintana ay naroon pa rin siya. Hindi pa rin niya pinaandar ang kanyang motorsiklo. Nakaupo lang siya doon habang nagcecellphone. Makalipas ang sampung minuto ay dumating na rin sina Mama at Papa. Pinapanood ko lang silang mag-usap. Pagkatapod nilang mag-usap ni Mama ay nagsuot na siya ng kanyang helmet, hudyat iyon na aalis na siya. Parang nakurot nang kaunti ang aking puso dahil hinintay niya talagang dumating ang aking mga magulang bago siya umalis. Awww! Ganun pala siya tapos ang sungit sungit ko sa kanya. Pero basta! Nang maramdaman kong papasok na sina Mama at Papa ay halos patakbo akong nagtungo sa aking silid. Juice colored. Para akong bata. “Samantha, may ginagawa ka ba?” ani Papa sabay katok sa pinto ng aking silid. “Samantha, pinalabas mo ba si Sir Toriego? Bakit nakaupo siya kanina doon sa labas?” So nagsumbong ang mokong na yun? And wait, pinalabas? Excuse me. Ano ba ang sinabi niya sa mga magulang ko? “Mag-uusap tayo mamaya Sam,” wika niya. Sa mga oras na iyon ay wala na akong nahintay pa na katok mula sa kanya. Pinagagalitan ba nila ako? My gus! At dahil hindi ako makatulog ay lumabas na ako mula sa aking kwarto. Nadatnan ko sa may sala si Papa na nanonood ng TV. “Sam, halika sandali,” tawag niya sa akin. “Bakit po?” “Bakit nasa labas kanina si Sir Toriego? Pinalabas mo ba siya? O may ginawa siya sa 'yo kaya siya nasa labas?” Naku! Kung alam niyo lang po Pa. “Wala naman po at saka ewan ko doon kung anong trip niya. Ang sabi niya uuwi na siya kanina kaya isinara ko yung pinto. Hindi ko naman alam na tatambay pala siya doon sa labas,” “Siguro ay sinungitan mo na naman ano? Paano ka magkakaroon ng manliligaw kung palagi mo silang sinusungitan?” natatawang sabi ni Papa. “Paaa! Ayaw ko dun no. Napaka-antipatiko. Akala mo kung sino,” “Magalang naman siya ah. Hayaan mo at kikilalanin ko para sa 'yo,” “Paaaa! Hindi naman kailangan yun eh. Hindi ko siya gusto,” Eh bakit may papikit-pikit ka kanina self? “Kinakabahan na nga ako sa 'yo Sam. Lahat na lang yata ng nagbabalak na manligaw sa 'yo ay sinusungitan mo. Paano ka magkakaroon ng nobyo kung ganyan? Kung tutuusin nga anak ay maari ka nang magkaroon ng asawa,” Asawa? Boy friend nga wala tapos asawa pa kaya. And kung yung antipatikong pulis lang din namang iyon, huwag na. Kahit hindi na mabisita ang tourist spot ko ay okay lang. Pagkatapos naming mag-usap ni Papa ay nagtungo na ako sa kusina para tulungan si Mama. “Nanliligaw na ba sa 'yo yung poging batang iyon anak?” tanong ni Mama habang hinuhugasan niya ang mga gulay. “Hindi po. Tito po siya ng isa kong estudyante. Hinatid niya lang po ako dito sa bahay dahil wala akong masakyan kahapon,” “Ganun ba? Mabuti naman at mabait ang pamilya nila. O siya, maghain ka na at ilalagay ko lang sa ref ang mga gulay,” ani Mama. Nakahinga naman ako nang maluwang dahil ang akala ko ay iinteviewhin din ako ni Mama gaya nang ginawa ni Papa. Pagkatapos kong maghain ay kinuha ko muna ang aking cellphone na nasa kwarto. May text iyon at galing iyon kay Mr. Toriego. Inopen ko iyon at nakita ko ang numerong ipinasa niya. Number iyon ng kanyang Mama dahil sila raw ang susundo sa akin bukas. Akala siguro ng lalaking iyon ay maiisahan niya ako. Kasalanan niya iyon dahil ang lakas niyang mangtrip. Hindi ko kasi gusto yung mga pinagsasasabi niya. Parang ang manyak niya. TO: Mr. Antipatiko HOY! Mr. Toriego, kung inaakala mong nakokonsensiya ako dahil sa mga sinabi mo kanina, nagkakamali ka. Kasalanan mo din yan kasi hindi mo nililimitahan yang mga biro mo. Hindi mo naman ako girlfriend o nililigawan para magbiro ka ng mga ganun. Bahala ka sa buhay mo! Sent. Naghintay ako nang isang minuto pero wala akong maantay na reply niya kaya iniwan ko na lang sa kwarto ang aking cellphone saka ako nagtungo sa kusina. ALAS SINGKO ng umaga ay nagising na ako dahil first mass ang hahabulin ko ngayong umaga. Linggo ngayon kaya dadalo kami sa misa. Nagluto na muna ako ng almusal dahil hindi pa gising si Mama. After kong magluto ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Pagkaligo ko ay nagpunta ako sa kwarto para magsuot ng underwear tapos nagbath robe na muna ako. Sumunod namang naligo si Mama saka kami kumain kaya alas sais y medya palang ay nakabihis na kaming lahat. Seven o'clock magsisimula ang first mass kaya umabot kami doon sa simbahan. PAGKATAPOS ng misa ay umuwi na rin kami kaagad dahil nga may tutorial class pa ako later. Tinulungan ko na munang maglinis ng bahay si Mama. Alas dyes y medya ay bumalik sila sa bayan dahil may nakalimutan daw bilhin si Mama. Nakapagluto na rin si Mama ng ulam at kanin kaya kumain na rin ako. Pagkakain ay naligo na rin ako kaagad saka nagbihis. Nagsuot lang ako ng sweat shirt na color White paired with color black na highwaist denim skirt. I put some blush on then kilay tapos lip tint and powder. Nagspray na rin ako ng perfume. Inilugay ko rin ang unat kong hair na V-shaped ang cut na isang dangkal bago maging kalevel ng aking bewang. Humarap muna ako sa whole body na mirror na nasa loob ng aking kwarto saka ko tinitigan ang aking itsura mula doon. Katamtaman lang naman ang aking katawan. Masasabi kong sexy kasi hindi naman ako balat buto. Basta yun na yun. Pagkatapos kong makipagtitigan sa aking repleksyon sa salamin ay kinuha ko na ang sling bag ng aking laptop and binitbit ko na rin ang aking shoulder bag. Nagtungo ako sa sala para isuot ang aking flat sandals saka ako lumabas ng bahay at nilock ang pinto. Inagahan ko talagang magpunta sa bahay ng mga Toriego para na rin hindu na ako sunduin ng lolo ni Steven. Dahil wala namang maghahatid sa akin doon ay no choice ako kundi ang mag-abang ng tricycle papunta sa bayan tapos sasakay na naman ng jeep and then tricycle papasok na naman sa kinaroroonan ng bahay ng mga Toriego. Mali yata yung sinuot ko dahil hassle ang biyahe. Nakatayo ako sa may lilim ng puno na nasa gilid ng aming bahay dahil nag-aabang ako ng masasakyan ko patungo sa bayan. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin. Juice colored! Ang init init pa man din. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag saka nagsimulang hanapin ang numero ni Teacher Migs. Nakakahiya man pero magpapahatid na lamang ako sa kanya. Habang busy ako sa pagpaparing ng number ni Migs ay saka naman dumating ang ayaw kong sumundo sa akin. Alam kong siya yun kahit na nakasuot siya ng helmet. “Gosh! Ang porma ng pulis na itoooo!” sigaw ng utak ko. Shocks! Infairness ha, gwapo na siya kahit hindi pa niya natatanggal ang kanyang helmet. Inerase ko lahat sa utak ko ang mga bagay na iyon dahil sa inis ko sa kanya. Bumusina ba naman sa harapan ko nang pagkalakas lakas. Nakakabuwisit kaya yun. Kagagaling ko pa naman sa simbahan. Diyos ko po. Patawarin niyo po ako. “Kaya kong pumunta doon kaya hindi mo na ako kailangang sunduin pa,” masungit na sagot ko nang sabihin niyang sinusundo niya ako kaya siya nandito. “Ganun ba? Okay sige. Alam ko namang ayaw mong sumabay sa akin. Hindi bale, lalabas na lang ako at mag-aabang nang masasakyan mo,” sagot niya saka siya nag-U-turn. Mabuti naman dahil ayaw kong sumabay sa kanya. Masisira lang ang araw ko kapag ganun. Nanatili akong nakatayo doon at nag-aabang ng masasakyan. May ibang mga tricycle kasi na palabas mula dito sa area namin tapos may ilan namang pumapasok para maghanap ng pasahero. Sa di kalayuan ay tanaw ko na ang isang tricycle na papasok sa kanto namin. Walang laman kaya pwede na akong sumakay. Ikinaway ko ang aking kaliwang kamay para pahintuin iyon ngunit hindi huminto. K vye! Ayaw siguro nila sa magandang pasahero kung namimimili sila. After three minutes, another tricycle na naman ang aking nakita. This time, palabas naman siya. Kagaya nang ginawa ko noong una, pinara ko iyon ngunit hindi pa rin tumigil. Badtrip naman ang ganito. Here comes another tricycle and this time, tumigil na siya at nakita kong Paeng ang driver, yung lagi kong inaarkila kapag hindi ako maihatid ni Papa. “Salamat naman Mang Paeng at tumigil ka. Yung dalawang dumaang tricycle ay hindi huminto,” satsat ko saka ako sumakay sa kanyang tricycle. “Ah Ma'am, hindi ko rin po kasi kayo maihahatid kung saan man po kayo pupunta. May umarkila na po kasi sa akin. Pasensiya na po kayo Ma'am,” aniya. “Ano?! Bakit naman hindi mo sinabi kaagad Mang Paeng? Hinintay mo pang makasakay ako,” sabi ko saka ako nagmadaling bumaba. Nakangiti naman siya dahil sa sinabi ko saka siya nagsalita. “Ma'am hindi naman kasi kayo nagtanong eh. May available po diyan sa labas na pwede niyo pong masakyan. Tatawagin ko na lang po, gusto niyo?” “Ganun ba? Okay sige. Pakisabi na lang pakidalian niya dahil malelate na ako. Salamat Mang Paeng,” pagkasabi ko nun ay umalis na siya. Mabuti na lang at may nakita siya doon sa labas dahil malelate na talaga ako. Baka kasi mamaya ay antukin na yung tutee ko dahil tanghaling tapat. Dalawang minuto lang ang nakalipas ay may dumating na. Yung inaakala kong tricycle yung darating pero hindi pala. “Bakit ka bumalik dito? Ano na namang kailangan mo?” masungit na sabi ko. “Ma'am, pinatawag niyo raw po ako para ihatid kayo kung saan man kayo pupunta. Halika na,” aniya sabay kindat pa sa akin. Wait? Ang sabi kanina ng antipatikong pulis na ito ay uuwi na siya pero bakit siya nandito? And pinatawag ko raw siya? Hindi kaya, siya yung sinasabi ni Mang Paeng na maghahatid sa akin? Magkakunchaba ba sila kasama yung dalawang tricycle drivers na hindi tumigil? Gosh! Naisahan ako doon ah. Ano ang trip ng lalaking ito? “Excuse me. Tricycle driver yung tinawag ni Mang Paeng at hindi ikaw yun,” talak ko. “Ako naman ang sinabihan niya kaya hali ka na dahil nagugutom na naman ako. At yung pamangkin ko, kanina pa naghihintay yun,” aniya saka siya bumaba sa kanyang motorsiklo at lumapit sa akin na bitbit ang isang helmet. Alam ko na yung galawang iyon kaya lumayo ako nang kaunti sa kanya. “Ah okay. Sige ikaw na lang ang maglagay nito. Baka sabihin mo na namang nananamantala ako,” saad niya. Talaga! Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na sa kanyang motorsiklo. No choice ulit kundi ang kumapit sa kanyang balikat para makasampa ako sa kanyang motor. Mali nga talaga ang naisuot ko kaya no choice ulit kundi ang umupo na parang prinsesa. Ang hirap pa lang sumakay nang nakaskirt. “Okay ka na?” tanong niya habang tinitingnan ako sa side mirror. “Okay na. Tara na,” “Next time kasi Ma'am huwag kang magsusuot ng mga ganyan,” Bakit? Nanay ko ba siya para pakialaman ang mga suot ko? At saka hindi naman masyadong maiksi ah. “Ano bang pakialam mo. Tara na nga dahil baka magabihan ako sa daan mamayang pag-uwi ko,” Hindi na siya sumagot at nagstart na siyang magpatakbo ng kanyang motor. Malapad naman ang upuan ng kanyang NMAX kaya alam kong hindi ako malalaglag kahit hindi ako kumapit. Walang umiimik sa amin hanggang sa makarating kami sa bungad ng San Joaquin. Tumigil siya dahil may check point. Nakita kong sumaludo sa kanya ang dalawang pulis. Pinababa niya muna ako dahil kakausapin niya lang daw saglit ang mga ito kaya sumandal na lang ako sa kanyang motor. Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na sila. Sumakay na siyang muli skaa ako sumampa. So, kinailangan ko na namang kumapit sa braso niya. “Manliligaw ko nga pala,” aniya kaya nagulat ako parang biglang nag-init ang aking mukha. “Naks Sir, himala yata yan ah,” sabi ng isa kaya sumabad na ako. “Huwag kayong maniniwala sa antipatikong pulis na 'to. Hindi niya ako manliligaw. At kung siya naman ang magtangkang manligaw ay basted na siya kaagad,” masungit na talak ko na siyang nagpatawa sa dalawang pulis. “Nahihiya lang yan pero totoo yun. Nanliligaw siya sa akin,” pang-aasar niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. Dahil sa ginawa kong iyon ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Bigla akong nakaramdam nang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. “Aray ko naman. Ma'am masakit naman yan. Ganyan ba ang manliligaw? Nananakit?” reklamo niya habang nakahawak ang kamay niya sa aking kamay. Dahil sa mabilis na pagtibok ng aking puso ay binawi ko ang aking kamay. “Kapal mo. Bakit naman kita liligawan? Sige na at naghihintay na si Steven doon,” “Iba ka Sir,” sabay na sabad ng dalawa na panay pa rin ang tawa. Tumango naman ang mokong saka niya pinaandar ang kanyang motor. Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami. Nahuhuli ko din siyang nakatingin sa akin mula sa side mirror ng kanyang motorsiklo. Napakapit ako sa kanyang balikat nang bigla niyang binilisan ang kanyang pagmamaneho ngunit binagalan din niya nang kurutin ko ulit siya sa kanyang tagiliran. Dahil kanang kamay ko ang kumurot sa kanya, hinawakan niya iyon gamit ang kanyang kaliwang kamay ng walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Nag-intertwined ang mga kamay namin. As in holding hands kami kaya binawi ko rin kaagad but I failed dahil mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak niya doon. “Pwede bang bitiwan mo yang kamay ko?” “Ayaw ko nga. Kasalanan mo dahil kurot ka nang kurot. Akala mo naman kasi hindi masakit,” “Bakit mo kasi biglang binilisan? Eh kung nalaglag ako? Anong gagawin mo? Mag-isip ka nga,” saad ko habang pilit na tinatanggal ang aking kamay. “Eh di sasaluhin kita,” “Huwaw! Bagong bago ah. Napakacorny mo, hindi naman bagay sa 'yo. Bitiwan mo na nga kasi yung kamay ko. Para ka namang tanga eh,” “Ayaw ko nga kasi sa mabagal. Gusto ko yung sobrang bilis. Ayaw mo ba nun?” Mula sa tono ng kanyang boses ay alam kong nang-aasar na naman siya. “Wala akong pakialam. Kapag hindi mo pa binitiwan tong kamay ko tatalon na ako mula dito sa motor. Bahala ka na kung mamatay ako,” Pagkasabi ko nun ay mabilis niyang binitiwan ang pagkakahawak sa aking kamay. “Sira ka ba? Kung anu-ano yang iniisip mo. Maganda ba yan?” Hindi na ako umimik dahil sa inis ko sa kanya. Hindi ulit ako umimik hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay. “MAGANDANG araw po Ma'am Toriego,” bati ko sa Mama niyang nasa sala. Si Toriego naman ay dumiretso sa loob ng kanilang bahay. “Magandang araw din po Teacher Sam. Huwag mo na akong tawaging Ma'am. Tita na lang,” aniya. Ngumiti na lamang ako dahil nahihiya akong tawagin siyang Tita. Ano iyon? Feeling close lang ako ganun? “Diretso na tayo sa kubo Cher. Mas malamig doon,” saad niya. Sumunod naman ako sa kanya patungo sa kanilang kubo. Maganda kasi iyon dahil para siyang maliit na bahay. Pasadya talagang rest area nila. “Good afternoon po Teacher Sam,” masiglang bati ni Steven nang makalapit siya sa amin. “Good afternoon din Steven. Kumusta ang araw mo?” “Okay lang po Teacher. May ipapakita po ako sa inyo,” nakangiting aniya saka inilabas ang isang touch screen na phone mula sa kanyang likod. “Apo, cellphone ni Tito yan ah,” saad ng kanyang lola ngunit hindi niya ito pinansin at busy sa cellphone na hawak niya. “Yes po Mama La. Ibabalik ko po mamaya,” “Okay sige. Samahan mo muna si Teacher Sam dito ha. Maghahanda lang ako ng meryenda niyo mamaya,” saad ng Mama La ni Steven saka siya umalis mula sa kubo. “Look po Teacher Sam oh,” saad niya saka pinaharap sa akin ang phone. Dahil doon ay biglang tumibok na naman nang mabilis ang aking puso. Juice ko po! Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ito pwede. End of Chapter Five
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD