Chapter Six

3548 Words
Chapter Six SAMANTHA NANG IPAKITA ni Steven sa akin iyon ay nakaramdam ako ng kung ano. “Hindi po ba kayo ito Teacher?” tanong niya. Pinakita kasi niya sa akin ang aking picture na nasa phone na kanyang hawak. Kinuha ko iyon para tingnan kung totoong ako ang nasa litrato. Ako nga dahil iyon ang profile picture ko sa aking f******k at naka open ang f******k app ng cellphone na nakay Steven. Tiningnan ko ang rescently searched names sa kanyang f******k at nasa una ang aking pangalan. Stalker ba siya? “Ikaw ba ang nagsearch diyan sa f******k account ko, Steven?” tanong ko sa bata. “No po teacher. Si Tito po siguro dahil nakita ko lang po ito. Pagkaopen ko po eh nakaganito na po,” paliwanag ng bata. Tama nga naman. Anong alam nitong bata sa mundo ng f******k? Grade Three lang siya. Uhhmm! I smell something. “Steven, nakita mo ba yung phone ko anak?” tanong ni Toriego habang papalapit siya sa amin. “Here po Tito,” saka ngumiti ang bata. “May ginawa ka na naman yatang kalokohan sa telepono ko. Bakit ngiting-ngiti ka na naman diyan?” sabi ni Toriego sa kanyang pamangkin saka niya kinuha ang kanyang cellphone. Ako naman ay tahimik lang ngunit ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil nag-iinit ang mga ito. Nang iopen niya iyon ay ibinaling niya ang kanyang paningin sa akin at agad ding iniwas. Ano yun? Guilty? “Stalker,” bulong ko. “Ako? Hindi ah. Napadaan lang sa news feed ko. Friend na siguro tayo dati sa f******k. Parang na-accept ko na dati yung friend request mo,” aniya habang nakangiti. “Wow! Ang kapal. Bakit naman ako magfifriend request sa 'yo? Hindi ka naman artista. Palibhasa stalker,” “Oyy huli pero hindi kulong,” sabi niya saka pa kumindat. So umamin din. May pahindi-hindi pa siyang nalalaman. “Tito, alis ka na po. Mag-aaral na po kami ni Teacher Sam. Magpeysbuk (f******k) ka na lang po doon,” natatawang ani Steven. Ayan, mabuti naman at pinagtabuyan na siya ng kanyang pamangkin. “Oo na po. Teacher Sam, maiwan ko na kayo,” paalam niya. Irap ang isinagot ko sa kanya. Hindi pa man siya nakalalabas mula sa kubo ay nagsalita na naman ito. “By the way Cher Sam, ang ganda mo dito,” aniya saka kumindat. Dahil sa sinabi niyang iyon ay mas lalong nag-init ang aking mukha. Feeling ko nangangamatis na sa sobrang pula. “Tito sige na po, mamaya na po pakiligin si Teacher Sam,” singit ng bulinggit na kasama namin. Juice colored! Pati ang pamangkin niya ay nagagaya na rin sa kanya. Sa buong session namin ni Steven ay hindi ko alam kung tama ba yung ibang naituro ko sa kanya. Hindi ako makapagfocus lalo na kapag nagpupunta sa kubo si Toriego. My gossssh! “Teacher, ihahatid ka raw po ni Tito,” ani Steven pagkabalik niya sa kubo dahil katatapos lang ng aming tutorial class. “Sabihin mo anak hindi na. Susunduin ako ni Teacher Migs,” Tinawagan ko kasi si Migs na sunduin ako dahil may dinaanan din siya dito sa San Joaquin. “Ganun po ba? Sige po, sasabihin ko na lang po kay Tito,” malungkot na aniya. Ayaw ko namang yung antipatikong yun na naman ang maghatid sa akin. Mamaya puro pang-aasar na naman ang inabot ko sa lalaking yun. Mas lalo lang tumataas ang Blood pressure ko kapag ganun. Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay bigla siyang nagsalita. Hindi ko man lang namalayan ang pagpunta niya sa kubo noong oras na iyon. “Sigurado ka bang may magsusundo sa 'yo?” tanong niya saka umupo sa tapat ko. “Yes, actually parating na siya. Hihintayin ko na lang siya sa labas,” “Sigurado ka? Baka naman kung sino yan. Delikado,” “Wala ka nang pakialam. Kilala ko yun at kilala din yun ni Steven. Si Teacher Migs yun,” “Ah okay. Sa labas na lang kita ihahatid,” pag-iinsist niya. Tumango na lang ako sa sinabi niya kaysa naman maglakad ako hanggang sa kanto pero hindi ko alam kung bakit ganun yung expression ng kanyang mukha. “Tita, Tito uuwi na po ako. Hapon na lang po ako pupunta dito. Didiretso na lang po ako dito bukas,” paalam ko. “Sige po Teacher Sam. Dadaanan ka na lang po ni Sebastian bukas,” ani Tita. “Naku! Hindi na po. Magpapahatid na lang po ako dito. Baka busy din po kasi si Sir Seb,” “Hindi yan. Basta ako na ang magsasabi,” Ngumiti na lang ako dahil sa sinabing iyon ng kanyang Mama. “Malapit lang naman Teacher Sam kaya daanan ka na lang niya,” singit naman ng kanyang Papa. Tumango na lang ako para matapos na ang usapan. Sakto namang lumabas si Sebastian mula sa kanilang bahay at may dala siyang helmet. OA siya ha. Hanggang sa kanto lang naman tapos bakit may helmet pa. Iniabot niya sa akin iyon pero hindi ko kinuha. “Hanggang sa labas lang naman. Hindi ko na kailangang magsuot ng ganyan Sir,” “Kahit na. Hindi mo alam kung nasaan at kailan ang disgrasya,” seryosong aniya. May point naman siya kaya hindi na ako umimik at isinuot ko na ang helmet saka nagpaalam ulit sa mga magulang niya. Dahil naka skirt ako ay kailangan kong kumapit sa balikat niya para makasakay. Next time nga hindi na ako magpapalda. “Magpants ka na lang kasi kapag may pupuntahan ka Ma'am para hindi ka nahihirapan. At para hindi ka rin pagtinginan ng mga kalalakihan na nadadaanan natin,” saad niya. “Ano bang paki mo? Komportable naman ako sa suot ko,” “Komportable ba yan? Eh todo takip ka na nga kanina. Kung ako ang boyfriend mo, hindi ko hahayaang na-eexpose yang legs mo. Dapat ako lang ang nakakakita,” Bigla naman akong hindi nakaimik dahil sa sinabi niyang iyon. “Ano? Tulala ka na diyan,” “Wala kang paki at hindi kita boyfriend kaya huwag mo akong pakialaman. Ihatid mo na nga ako doon sa kanto. Dada ka nang dada diyan,” Hindi na siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Kaagad na niyang in-start ang motor saka kami umalis. Tiningnan ko ang phone ko saka ko binasa ang text ni Migs. Nasa San Gabriel pa lang daw siya. Kanina pa yon baka nasa San Joaquin na rin siya ngayon. “Dito na ako. Malapit na raw yung susundo sa akin,” sabi ko sabay tapik sa balikat niya ngunit hindi niya ako pinakinggan at mas lalo niyang binilisan ang takbo ng kanyang pagmamaneho kaya mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanyang balikat. “Hoy! Nalampasan na natin yung kanto,” sigaw ko. Ang sabi ko ay sa kanto na lang ako pero hindi pa rin siya tumigil hanggang sa makalabas na nga kami nang tuluyan. Juice colored! Ito ba yung balak niya kaya niya ako pinasuot ng helmet? Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik na lang dahil wala naman siyang balak na ihinto ang kanyang motor. MAKALIPAS ang ilang minuto ay narinig kong tumutunog ang aking cellphone. Dahan dahan kong kinuha iyon mula sa aking handbag at nakita kong si Migs ang tumatawag. Gosh! Baka magalit ito. Nagpasundo ako pero wala naman pala siyang masusundo. “Hello Cher Migs. Itetext na lang kita. Nakasakay na kasi ako,” halos pasigaw kong saad saka ko pinatay ang call dahil hindi ko rin naman maririnig ang kanyang sasabihin. NANG MAKARATING kami sa bahay ay tinext ko siya kaagad. Sinabi kong inihatid ako ng guardian ni Steven. Hindi ko naman ugaling magsinungaling kaya sinabi ko na lang yung totoo. Mabuti na lang at hindi nainis sa akin si Migs. Ito kasing Toriego na ito. Kasalanan niya 'to kung mainis man sa akin ang Co-teacher ko. “Akala ko ba may susundo sa 'yo kanina?” natatawang aniya. “Tigilan mo nga ako. Patay malisya ka din eh no. Kaya pala pinasuot mo sa akin yung helmet dahil may balak ka pala. Sinabi ko na ngang may susundo sa akin pero dinire-diretso mo pa rin,” inis na wika ko saka padabog na inilapag ang helmet sa upuan ng kanyang motor. “Kung may sumundo sa 'yo, eh di sana siya yung nandito,” “Sira-ulo. Alam mo ang hilig mong mangtrip. Masaya ka ba sa ginagawa mo?” “Joke lang Teacher Sam. Gusto lang naman kitang ihatid para makapagsorry na rin ako dahil sa pang-aasar ko,” parang batang wika niya dahil nagpout pa siya. Juice colored! Bakit ganito ang taong 'to? Lalaki ba talaga siya o ano? “Bahala ka sa buhay mo! Hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo. Kung mantitrip ka rin lang, huwag ako dahil wala akong panahon sa mga bagay na 'yan. Wala akong panahon sa mga antipatikong katulad mo. Nakakasira ka ng araw. Feeling close ka kasi eh hindi mo naman ako kilala,” “Ah okay. Hindi na mauulit Ma'am. Last na 'to. Promise! Hayaan mo Ma'am, kukumbinsihin ko na lang yung pamangkin ko na pumasok na bukas para hindi ka na magpunta sa bahay. Alam ko kasing mapapagod ka sa buong araw. Pasensiya ka na ulit Ma'am,” Wala akong pakialam kung nangongonsensiya siya o ano. Wala akong pakialam kung sabihan niya akong bastos. Basta ayaw ko na siyang makita dahil puro init ng ulo ang binibigay niya. Nakakapagod na ngang magturo tapos gaganunin niya pa ako. Sana lang ay pumasok na si Steven para hindi ko na siya pinupuntahan pa sa bahay nila. My gosh! Tatanda akong mabilis kapag patuloy akong makikipagbangayan sa Toriego na iyon. Iniwan ko siya sa labas dahil sobra akong nanggigigil sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya napansin ng mga magulang ko. Natunugan ko ang kanyang motorsiklo na umalis na dahil nakabukas ang bintana ng aking kwarto kaya ko narinig iyon. Nakakabuwisit. Wala nang ibang ginawa kundi ang mang-asar nang mang-asar. “Samantha, parang si Sir Sebastian iyon?” ani Papa nang makalabas ako sa kwarto. Shocks! Nakita yata nila. “Ewan ko po Pa,” patay-malisyang sagot ko. “Kung hindi siya yun? Sino ang naghatid sa 'yo?” Huli ka Sam. “Ah Ma, ano pong ulam?” pag-iiba ko ng topic. Iho-hotseat na naman kasi ako ni Papa kapag nagkwento pa ako. “Adobong Manok at saka sinigang na isda anak,” sagot naman ni Mama. “Wow! Sarap naman,” “Siyempre naman. Maghain ka na at kakain na tayo bago ka maligo saka maaga pa ang Papa mo bukas dahil bibisitahin niya ang talyer,” May talyer kasi si Papa at nandoon sa bayan dito sa San Agustin. Nag-aral kasi siya noon ng TESDA at Automotive ang kanyang course ngunit hindi niya natapos kaya ginusto niyang magpatayo ng talyer para kahit papano ay may pagkakitaan siya hanggang sa mabuntis nga niya si Mama kaya merong 'ako' sa buhay nila. PAGKATAPOS naming kumain ay kaagad na rin akong naligo at ginawa ang aking night routine saka ako humiga sa aking kama. Nagbrowse lang ako sa phone ko ng aking mga lesson. Pagkatapos ng iyon ay napagpasyahan ko na ring magpahinga dahil na-stress ako ngayong araw. SEBASTIAN AYAW NIYANG sumakay sa akin kaya gumawa ako ng paraan para wala siyang masakyang kahit isang tricycle. Ako na nga itong nagmamagandang loob tapos ayaw pa niya. “Manong, magkano pamasahe sa tricycle?” tanong ko sa tatlong mga tricycle driver na nasa kanto papasok sa eskinitang papunta sa bahay ni Teacher Sam. Mga nasa dalawang kilometro ang layo nito. “Sampung piso lang po Sir hanggang dito sa kanto,” “Dito lang ba kayo pumapasada boss?” “Opo Sir,” “Nakakailang kita naman kayo sa isang araw?” “Nasa 300 to 400 din po Sir lalo na po kapag Market day dahil may umaarkila din po sa amin,” “Sige po mga boss. Magpahinga na kayo ngayong araw. Ibibigay ko na lang po sa inyo yung kita niyo. Huwag na kayong mamamasada. Bukas na lang,” “Naku boss, maraming salamat po,” sagot nila. “Sige po. Kapag may makita kayong mga nag-aabang diyan, huwag na kayong mamasada. Ako na lang ang bahala sa kanila. Sabihin niyo na lang na ako na lang ang maghahatid sa kanila kung saan man sila pupunta,” nakangiti kong wika. “Salamat talaga boss. Malaking tulong na rin po ito sa amin,” ulit nila. Bago pa sila makaalis ay iniabot ko na sa kanila ang tig-aapat na raang piso. Bukod sa gusto kong walang masakyan si Sam ay gusto ko rin talagang tulungan ang mga naghahanap buhay na katulad ng ating mga tricycle driver. Umuulan man o umaaraw ay kumakayod pa rin sila para sa kanilang pamilya. Sa simpleng tulong na iyon ay nakapagbigay ako ng ngiti sa kanilang mga labi. ILANG minuto lang nang sila ay makaalis, bumalik ang isang tricycle driver sa pwestong kinaroroonan ko. “Sir, may nag-aabang po ng masasakyan doon. Si Ma'am Samantha po iyon, isang guro po sa San Joaquin Central School. Wala po yata yung Papa niya kaya nag-aabang po siya nang maghahatid sa kanya,” sabi niya. Ang galing ko talaga. “Salamat boss. Ako na ang bahala sa kanya,” sagot ko at isinuot ko kaagad ang aking helmet saka ako sumakay sa aking motorsiklo at pinaandar iyon patungo sa kinaroroonan ni Sam. PAGKARATING ko roon ay halata ang kanyang pagkagulat. Ang buong akala niya ay umuwi na ako. Noong una ay ayaw pa niya ngunit mabuti na lang at sumakay din siya. Magsusungit-sungit pa, sasakay rin lang naman pala. Naku! Nararamdaman kong labis na siyang naiinis sa akin. Hindi ko rin alam sa sarili ko. Sa dinami-rami ng pwede kong asarin ay itong guro pa ng aking pamangkin. HANGGANG sa makarating kami sa bahay ay halata ko ang inis sa kanyang mukha. Dumiretso na siya sa kubo at ako naman ay tinawag na si Steven. Pagkapasok ko sa loob ng aming bahay ay umupo ako sa sofa nang nakangiti dahil siguro sa pang-iinis ko sa guro ni Steven. At dahil nacucurious ako sa pagkatao niya ay hinanap ko na rin ang social media account niya. Nang lumabas ang pangalan niya ay pinindot ko kaagad yung profile picture niya. Kuha iyon sa beach dahil sa puting buhangin na nasa kanyang larawan. Nakadamit siya ng kulay itim na blouse na hapit sa kanya na medyo kita ang tiyan nito at kulay itim din na shorts ang kanyang pang-ibaba. Ang kanyang buhok na lagpas hanggang balikat ay nakalugay. Napapose siya na gaya ng mga babaeng sumasali sa mga contest-contest ng pagandahan at patalinuhan, in short, Beauty Pageant. Napakasimple niyang tingnan. Ang ganda ng kanyang mga ngiti. Napakasimple ng kanyang ganda kahit hindi siya maglagay ng kolorete sa mukha. Teka lang! Bakit nga ba ako humahanga sa kanya? Putcha! Diba nga sinabi kong wala akong panahon sa mga ganitong bagay? Pero bakit ako bumibisita sa f******k account ng guro ni Steven? Bumalik lang ako sa katinuan nang tawagin ako ni Mama para maghanda ng meryenda. Nabigla ako kaya hindi pinatay ko na lang ang ilaw ng aking cellphone saka ako nagtungo sa kusina. Nagtungo ulit ako sa sala para manood dahil si Mama na raw ang maghahanda. “Ma, nakita mo ba yung cellphone ko? Ipinatong ko lang kanina dito sa mesa,” “Kinuha ni Steven anak. Kinuha niya kaninang nasa banyo ka,” Patay na. Alam pa naman niya kung paano buksan iyon dahil doon siya nanonood. Connected na rin kasi iyon sa wifi. Kaagad akong nagtungo sa may kubo at nadatnan ko siyang may pinapakita kay Teacher Sam. “May ginawa ka na naman siguro sa cellphone kaya ka ngiting-ngiti diyan,” tanong ko saka ko kinuha sa kanya iyon. Binuksan ko iyon at nakita ko ang profile picture ni Sam sa f******k. Hindi ko nga kasi naibalik sa dati iyon. Ibinaling ko ang tingin ko sa guro ni Steven at nakita kong namumula na ang kanyang pisngi. Mas lalo pang namula iyon nang sabihin kong ang ganda niya sa kanyang litrato. Paniguradong, umiinit na naman ang ulo niya sa akin. Ang sarap niyang asarin dahil ang dali niyang mapikon. HANGGANG sa matapos na nga ang klase nila. Nagboluntaryo pa akong ihatid siya ngunit tinanggihan niya lang kaya gumawa na naman ako nang paraan para maisahan siya. Kahit sa kanto ko lang siya ihahatid ay nagdala pa rin ako ng helmet. Mahirap ng magpasundo siya lalo na sa hindi niya kilala o maski sa kilala niya. Paano kung may hindi magandang mangyari sa kanila? Kargo namin siya dahil galing siya dito sa bahay namin. Ayaw niya sanang isuot ang helmet pero mabuti na lang at hindi na siya umangal dahil sa sinabi ko. Tama naman ako sa punto ko. Ang buong akala niya ay sa kanto lang kaya nang makalagpas kami doon ay mas lalo ko pang binilisan para maihatid ko na siya sa kanilang bahay. Hinahampas-hampas niya ako sa balikat ko ngunit hindi ko siya pinakinggan kaya nang tumunog ang kanyang cellphone ay binagalan ko nang kaunti ang patakbo ko para marinig niya. “Hello Cher Migs. Itetext na lang kita. Nakasakay na kasi ako,” halos pasigaw niyang saad doon sa nasa kabilang linya. Yun yata yung sinasabi niyang susundo sa kanya. Pagkatapos niyang patayin ang kanyang cellphone ay hindi na siya umimik pa. Hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay. Gaya nang inaasahan ay galit nga siya. “Akala ko ba may susundo sa 'yo kanina?” natatawang tanong ko. “Tigilan mo nga ako. Patay malisya ka din eh no. Kaya pala pinasuot mo sa akin yang helmet dahil may balak ka pala. Sinabi ko na ngang may susundo sa akin pero dinire-diretso mo pa rin,” inis na wika niya saka padabog na inilapag ang helmet sa upuan ng aking motor. “Kung may sumundo sa 'yo, eh di sana siya yung nandito,” “Sira-ulo. Alam mo ang hilig mong mangtrip. Masaya ka ba sa ginagawa mo?” “Joke lang Teacher Sam. Gusto lang naman kitang ihatid para makapag-sorry na rin ako dahil sa pang-aasar ko,” Tang-*na! Para na akong bata. Bakit ko ba kasi inaasar ang isang 'to? Hindi naman ako naghihiganti dahil alam ko namang hindi niya sinasadya noon yung nangyari kay Steven. Sumusobra na ba ako? Base sa pananalita niya ay halatang galit na galit siya na para bang gusto na niya akong sakalin kaya humingi na lang ulit ako ng pasensiya sa kanya. Magpapaka-propesyonal na lang ako para naman maging maayos ang pagtuturo niya sa pamangkin ko. Ewan ko ba sa batang iyon kung bakit ayaw pa kasi niyang pumasok. Ayan tuloy, lagi na si Sam sa bahay. Nagpaalam na ako sa kanya at siya naman ay nakasimangot at nakakunot- noong pumasok sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung naroon na ba ang kanyang mga magulang. Nakakahiya lang kasi kapag nakita nila ako kaya bago pa man nila ako makita ay sumakay na ako sa aking motor saka pinaharurot iyon. PAGKA-UWI ko ay gabi na. Nagpark muna ako ng aking motor saka ako nagtungo sa banyo para makapaghugas dahil galing ako sa labas. “Tito, babalik po ba ulit bukas dito si Teacher Sam?” tanong ni Steven habang nakahiga sa sofa at kasalukuyang nanonood ng TV. “Ayaw mo pa bang pumasok sa school?” tanong ko sabay upo sa kabilang sofa. “Ayaw pa po. Gusto ko pong dito na lang po muna. Ayaw ko po sa school,” Base sa tono ng kanyang boses ay halatang may takot pa siya dahil sa nangyari noon sa kanya. Naiintindihan ko ang pamangkin ko dahil wala ako noong mga panahong nakaranas siya ng pambubully mula sa ibang mga bata. “Anak nakakahiya naman kay Teacher Sam. Mapapagod pa siya sa school tapos pupuntahan ka pa niya dito sa bahay,” “Eh sunduin mo na lang po siya palagi tito tapos po ihatid,” Mana nga yata sa akin ang pamangkin kong ito. “Takot ka lang ba sa mga bata sa school o may iba ka pang rason?” Natawa ako dahil ang cute ng pagtawa niya na para bang kinikilig. “Gusto mo na bang magkaroon ng Tita?” saad ko saka ako lumapit sa kanya. “Opo. Gusto ko po si Teacher Sam na lang,” “Alam mo namang walang panahon si Tito sa mga ganyan diba dahil kailangan pa kitang alagaan at protektahan. Paano kapag nag-asawa na ako? Hindi na buo yung oras ko para sa 'yo. Gusto mo ba yun?” “Hindi naman po mangyayari yun Tito eh kasi po nandiyan naman po si Mama Lola at Papa Lolo. Okay lang po sa akin kahit po mag-asawa ka na. Kasi po pagtanda mo po, aalagaan po kita pati po yung mga baby brothers and baby sisters ko po,” Parang natunaw yung puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napaka-matured niyang mag-isip at alam kong tama ang pagpapalaki namin sa kanya. “Naku po! Mukhang madami ang gusto mong kapatid anak ha. Hayaan mo at maghahanap ako ng Tita,” nakangiting sabi ko sabay hawi sa kanyang buhok na nasa kanyang noo. PAGKATAPOS naming kumain ay inutusan ko nang magshower si Steven saka ako sumunod. Pinatulog ko muna siya sa kanyang kwarto bago ako lumipat sa kwarto ko. Naalala ko si Teacher Sam kaya kinuha ko ang aking keypad na cellphone para itext siya. Sakto namang nagtext si Matinik. Tinatanong niya kung anong oras daw ako papasok bukas kaya nireplyan ko siya. “Salamat Makisig. See you. I miss you. I lab yow,” reply niya sa text ko. Sira -ulo din ang isang 'to ah. Sinabayan ko ang kanyang trip kaya nireplyan ko siya. "I miss you and I love you. Ganyan dapat," text ko saka ko nilagyan ng heart heart na emoji. Sent. Nagpunta ako sa sentbox ng aking cellphone para burahin iyon dahil ang laswa. Pero te..teka! End of Chapter Six
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD