Chapter Seven

2937 Words
Chapter Seven SAMANTHA NAGISING AKO ng eksaktong alas singko dahil Monday at kailangan ko nang mag-ayos para sa pagpasok. Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga habang kinukusot ko ang aking mga mata. Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table upang tingnan ang oras. May natanggap akong text sa phone ko. Siguro ay tulog na ako nang mareceive ko iyon. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa laman nito. Galing iyon sa antipatikong pulis. "I miss you and I love you. Ganyan dapat," Ito ang laman ng text. My guss! Bakit niya ako sasabihan ng ganito? Pinagtitripan niya ba ako? Dahil umagang-umaga ay nainis na ako, nanggigil din akong nag-reply sa kanya. To: Mr. Antipatiko Hoy! Huwag kang nag-a-I love you sa akin dahil hindi kita boyfriend! Sent. Tumayo na ako at nagtungo na sa kusina. “Good morning Ma,” bati ko kay Mama na kasalukuyang nagluluto ng aming umagahan. “Good morning din anak. Magkape ka na diyan,” “Bakit ang aga niyo po Ma?” “Pupunta kami ng Papa mo sa talyer anak. May aasikasuhin daw siya,” Tumango-tango na lang ako saka ako umupo sa harap ng mesa saka nagtimpla ng kape. Habang humihigop ako ng kape ay napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng mesa dahil tumunog iyon. Hudyat na may natanggap akong text. Kinuha ko iyon saka ko tiningnan ang message. >HOY KA RIN MA'AM. Pasensiya na po, wrong sent. Hehe. Good morning pala.< Ito ang laman ng text na galing kay Toriego. So ibig sabihin? Namali lang siya ng pinagsendan? Ang bobo ko sa part na yun. Hindi ko naisip na pwede lang pala yun. Nakakahiya ka Sam. Nag-aassume ka na naman. Dahil sa hiya ko sa sarili ko ay napapikit na lang ako. Shocks! Ano na lang ang sasabihin niya sa akin kapag nagpunta ako sa bahay nila? Nakakainis kasi siya. Malay ko ba kung pinag-ti-tripan niya na naman ako. Hindi ko na siya nireplyan at ipinagpatuloy ko na lamang ang paghigop ko sa aking kape. NANG maubos ko iyon ay nagpasya na akong maligo. Six-forty three na nang makapaghanda na ako sa pagpasok. Kinuha ko na ang aking hand bag na nasa kama ko at saka lumabas na ng bahay. Nauna na ring umalis sina Mama kaya walang maghahatid sa akin sa school. Nagtungo na ako sa labas saka ko ni-locked ang pinto ng aming bahay. Paglabas ko ng gate ay kaagad namabg may paparating na tricycle at huminto iyon sa harap ko. “Kuya sa kanto po,” saad ko saka ako sumakay sa loob ng tricy. Nang makarating ako sa kanto ay kaagad na akong nagbayad saka bumaba para mag-abang ng jeep. ALAS syete pasado na nang makarating ako sa school. Mabuti na lamang at hindi pa nagsisimula ang Flag Ceremony. “Good morning Teachers,” bati ko sa mga guro pagkapasok ko sa faculty room at binati rin nila ako. Nag-ayos muna ako ng aking sarili dahil galing ako sa byahe. Kinuha ko rin ang aking phone para i-text si Teacher Migs at tanungin kung nasaan na siya. Habang nagta-type ako ay biglang may tumawag at nakita ko sa screen nito na si Toriego ang tumatawag. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi hanggang sa kusa na ngang tumigil ang tunog nito. Akmang magta-type ulit ako ng i-tetext ko kay Teacher Migs nang tumunog ulit ang cellphone ko at si Toriego pa rin ang tumatawag. Pinalipas ko lang ang limang ring at sinagot ko na rin iyon. “Good morning Ma'am. I-inform ko lang po kayo na ayaw pa rin pumasok ni Steven. I-tutor niyo pa rin po siya Ma'am?” Napaka-formal niyang magsalita. Si Toriego ba ito? Dahil naalala ko yung text niya sa akin kanina ay biglang kumulo ang dugo ko. “Sige. Pagkagaling ko sa school, tuturuan ko siya,” masungit na sagot ko saka ko pinatay ang tawag. Sakto namang pagkababa ko ng phone ko ay dumating na si Teacher Migs. Nginitian ko siya ngunit parang pilit na ngiti ang iginanti niya sa akin. Galit kaya siya? Sana naman hindi. Kasalanan to ni Toriego. Tumunog na ang bell kaya isa-isa na kaming nagsilabasan para sa Flag Ceremony. Pagkatapos ng Flag Raising ay pumasok na rin ako sa room ko para sa first subject namin. ALAS KWATRO Y MEDYA na ng hapon nang matapos ako sa lahat ng subjects ng aking Grade Three. Pinaghanda ko na sila para sa kanilang pag-uwi. Nasa faculty ako at nag-aayos na rin ako ng aking sarili dahil didiretso na ako sa bahay ng mga Toriego para sa Tutorial Class namin ni Steven. Habang naglalakad ako patungo sa gate ay sinabayan ako ni Krizel, ang Grade Six Pupil na Presidente ng SPGO sa San Joaquin Central School. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko. “Cher Sam, may naghihintay po sa inyo doon sa labas. Ayieeeh, may hindi kayo nakukwento sa akin,” aniya na animo'y kinikilig. Malapit kasi sa akin ang bata dahil sobrang bait niya. “Hah? Sino raw?” “Basta hinahanap ka po niya. Ang gwapo nga eh. Naka-Police Uniform po,” Mukhang alam ko na kung sino. “Bakit niya raw ako hinahanap?” “Ewan ko po. Ayun nga po siya Cher oh,” sabi niya saka pa itinuro ang kinaroroonan nang sinasabi niyang naghahanap sa akin. Sabi ko na nga ba eh. Habang nakatingin ako sa kanya ay sakto namang lumingon siya sa akin na dahilan nabg pagtama ng aming mga paningin. Ngumiti siya sa akin kaya bahagya akong nakaramdam ng init sa aking mukha. “Nak, sasabay ka ba sa akin sa pag-uwi?” tanong ko kay Krizel dahil parehas lang kami ng way pauwi. “Hindi na po Cher. Sasabay ka naman po kay Sir Pulis diba po?” wika niya saka pa nagtaas-baba ang kanyang mga kilay. Pinagtaasan ko siya ng kilay ngunit tumawa lang siya nang bahagya. “Sir, kayo na po ang magbitbit ng mga gamit ni Teacher Sam. Ma-uuna na po ako,” biglang singit niya kaya napalingon ako sa likod ko. Naroon na pala si Mr. Antipatiko at ngiting-ngiti pa siya. Saka siya tumango kay Krizel. Close na sila kaagad? “Good afternoon Teacher Sam,” saad niya saka pa ngumiti ulit. “Mauuna na po ako Teacher Sam,” paalam ulit ni Krizel saka iniabot kay Toriego ang aking gamit. Nilakihan ko siya ng mata ngunit huli na. Nasa kamay na ng Mr. Antipatiko ang aking mga gamit at si Krizel ay mabilis na naglakad palayo sa kinaroroonan namin. “Tara na Cher Sam,” aya sa akin ni Toriego. “Huwag na. Sasakay na lang ako ng Jeep,” sagot ko saka ako humakbang palayo sa kanya ngunit humakbang din ako pabalik. “Ay yung gamit ko pala,” wika ko saka ko kinuha sa kanyang kamay ang bag. Pero imbes na ibigay niya iyon sa akin ay hinawakan niya ang aking kamay saka hinila palapit sa kanyang motor. Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ko namalayan na nagpahila na rin pala ako sa kanya. “Gustong-gusto mo naman gurl!” talak ng aking isipan. Nagbalik lang ako sa katinuan nang isuot niya sa akin ang helmet. Nilingon ko siya pagkatapos niyang isuot sa akin iyon. Naramdaman kong namula ang aking pisngi dahil kinindatan niya ako. Nakakainis! Nagsisimula na naman ba siyang mang-asar? “Sinabi ko na nga na sa jeep na lang ako sasakay diba?” pagsusungit ko. “Kung ayaw ko nga may magagawa ka kaya?” Aba! Ang kapal naman ng mukha niya. Pinapa-init niya lalo ang dugo ko. Inirapan ko siya. Akmang tatanggalin ko na yung helmet na nakasuot sa akin nang hilain niya ang aking dalawang kamay. “Mamili ka, sasakay ka o bubuhatin pa kita?” ma-awtoridad na aniya. Shocks! Ngayon ko lang narinig ang boses niyang iyon. “Oo na. Sasakay na,” masungit kong sagot. “Very good,” “Eh nasaan ang helmet mo?” tanong kp sa kanya dahil wala akong nakikitang helmet. “Helmet ko? Matagal ng wala ang helmet ko. Bata pa ako nun,” Nagtaka naman ako sa sinabi niyang iyon ngunit nang mapansin ko ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Manyakis talaga ang isang to. Kung anu-ano ang kanyang mga sinaaabi. “Kadiri ka. Tara na nga,” Dahil sa sinabi kong iyon ay tumawa lang siya nang bahagya. “TEACHER SAM, good afternoon po,” masiglang bati ni Steven sa akin nang makarating kami sa kanilang bahay. Nagmano muna ako sa lolo at lola niya na naka-upo sa sala bago ko siya binati. “Kumusta ka?” “Okay lang po Teacher,” sagot naman niya saka siya ngumiti. “Nak kunin mo na yung mga gamit mo at nang makapagsimula na kayong magklase ni Teacher Sam,” sabad ng kanyang Tito. “Tara sa may kubo Teacher Sam. Tayo na lang muna ang magka-klase,” baling sa akin ni Toriego. Juice colored! Ganito ba talaga ang mga pulis. Dahil sa sinabi niyang iyon ay napa-irap na naman ako. Hindi kasi siya matigil-tigil sa panti-trip sa akin. “Anong gusto mong meryenda? Tinapay o ako?” malanding tanong niya na may kasama pang pagkagat sa kanyang ibabang labi. My gosssssh! Ayaw ko ng mga ganito. Juice colored. Parang may biglang dumagundong sa dibdib ko pagkarinig ko sa mga salitang iyon. May part sa akin na medyo kinilig pero mas nangingibabaw pa rin ang inis. Sa ginagawa niyang ito, pinatutunayan niya lang na ang tinik niya sa mga babae. Jusko! Hindi niya ako madadaan sa mga pa-ganun-ganun niya no. “Doon ka na nga. Hindi ka namin kailangan dito,” talak ko sa kanya. Mabuti na lamang at wala ang kanyang mga magulang pati na si Steven. “Ang sungit mo. Tinatanong lang naman kita kung anong gusto mong meryenda,” natatawang aniya. Nang-gigigil na ako sa kanya. Kung ako siguro ang jowa nito, lagi kaming nag-aaway. Pala-asar siya eh, pikunin pa man din ako. SEBASTIAN IMBES na mahiya ako dahil na-send ko sa kanya ang dapat ay kay Matinik, natawa na lang ako dahil ang buong akala niya ay sa kanya ko sinabi iyon. Umaga na nang magreply siya kaya nireplyan ko din ang kanyang mensahe. “Hoy Makisig! Ngiting-ngiti ka na naman diyan. Bakit hindi mo nireplyan yung i lab yu ko sa 'yo kagabi?” ani Matinik pagkarating niya sa Police Station dahil nauna ako kaysa sa kanya. “Gago! Dahil sa text mo, na-send ko sa iba yung dapat ay sa 'yo,” “Talaga? Kanino naman?” “Sa guro ni Steven. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon,” “Aisows! Patay tayo diyan Police Staff Sergeant Sebastian Toriego,” “Sira-ulo! Hindi ko naman sinadya yun,” “Kahit na. Pero wala namang masama dun. Eh kung ligawan mo na kaya siya? Mukhang wala namang nanliligaw sa kanya,” “Eh kung batukan kaya kita? Mag-time in ka na nga. Late ka na,” Kung anu-ano na naman ang tinatalak ng kaibigan ko. Pero sabagay, pwede lang naman yung kanyang suhestiyon. Gusto na kasi ni Steven na magkaroon ng Tita. Baka pwedeng yung guro na niya para hindi na siya mahirapang mag-adjust kung sakali. Naks! Tinukso-tukso lang ako ni Matinik hanggang matapos kami sa trabaho. Nan-ti-trip lang ang isang to. Palibhasa masaya siya sa bago niyang nobya. “Magpa-pogi ka naman kung susunduin mo si Ma'am,” aniya habang nag-aayos na kami ng aming mga gamit. “Hindi ko na kailangan iyon dahil dati na akong pogi,” “Apaka! Apakayabang mo tol eh wala ka namang nobya,” “Oo na! Ikaw na ang may masayang relasyon. Alam kong lolokohin mo na naman yang bago mong nobya,” “Anong ako? Mga babae na nga ang nagloloko. Good boy to 'tol. O siya, mauuna na ako. Ingat si Ma'am sa 'yo,” “Tarantado! Hindi ko ugali ang manloko. Sige na, hiwalayan ka sana ng nobya mo,” pang-aasar ko. “Hindi mangyayari yun. Bye tol. I lab you,” aniya saka pa nag-flying-kiss ang gago. Ang lakas ng trip niya pero kahit ganun yun, kapatid na rin ang turing ko sa kanya. PAGKARATING ko sa San Joaquin Central School ay nakita kong nasa labas ng paaralan ang ibang mga mag-aaral dahil sila ay naglilinis. “Nak,” tawag ko sa babaeng mag-aaral na malapit sa pinaglagyan ko ng aking motorsiklo. Lumingon naman siya sa akin saka lumapit. “Ano po yun Sir?” nakangiting tanong niya. “Nasa loob pa ba si Teacher Samantha Santillan?” “Ay opo Sir. Bakit niyo po siya hinahanap?” “Boyfriend niya kasi ako. Sinusundo ko lang siya,” nakangiti kong sagot. Patay. Baka sabihin niya kay Sam. “Totoo po? Palabas na rin po iyon. Nag-aayos lang po siguro. Gusto niyo pong puntahan ko na po?” “Sige nak, pakisabi hinahanap ko siya pero huwag kong sabihin na sinabi ko sa 'yo ang tungkol sa relasyon namin. Gusto kasi niyang ilihim muna,” Tumango-tango naman ang bata dahil sa sinabi kong iyon. Lagot ka ngayon Toriego. Iniwan na ako ng bata at pumasok na siya sa loob ng paaralan. Ako naman ay naupo muna sa king motorsiklo habang nag-iisang nakangiti dahil sa kagagawan ko. Makalipas lang ang ilang minuto ay lumabas na sila at nakita ko na si Sam. Lumingon siya sa gawi ko kaya nginitian ko siya. Hindi maipinta ang histura ni Sam dahil halatang naiinis siya. Mas lumala pa nang i-abot sa akin ng bata ang mga gamit ni Sam. Walang alinlangang kinuha ko ang kulay Asul na bag na hindi ko alam kung ano ang laman. Nagpa-alam na rin ang bata kaya wala nang nagawa si Sam ngunit tinalikuran niya rin ako. Ako naman ay nanatiling nakatayo. Nakakatatlong hakbang pa lang siya ay humakbang ulit siya palapit sa akin. Pinipilit niyang kunin sa akin ang gamit niya ngunit hindi ko ibinigay iyon sa halip ay hinawakan ko ang kanyang kamay papalapit sa motor. Hindi siya umimik hanggang sa maisuot ko na nga sa kanya ang helmet. Gusto rin naman pala kunwaring ayaw pa kanina. Tsk. Nang mapagtanto niya ang ginawa ko ay akmang tatanggalin niya iyon ngunit hinawakan ko lang ang kanyang mga kamay. Hindi naman siya masyadong maputi ngunit nahalata ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Kinikilig yata ang isang 'to. “Mamili ka, sasakay ka o bubuhatin kita?” ma-awtoridad na tanong ko. Wala na rin siyang nagawa kundi ang u-moo dahil hapon na at kailangan pa niyang turuan si Steven. Nakangiti akong sumakay sa motor at sumunod din siya. Wala siyang imik habang nag-bibyahe kami at nakatingin lang siya sa gilid pero tinitingnan ko siya gamit ang side mirror. Maganda naman siya kahit medyo malaki ang kanyang mga mata. NANG MAKARATING kami sa bahay ay nagmano siya sa mga magulang ko na nakaupo sa labas ng bahay. Binati rin siya ni Steven pagkatapos nun ay inutusan ko ang pamangkin ko na kunin ang kanyang mga gamit dahil magsisimula na silang magklase oras na makapagpahinga si Sam. “Tara sa may kubo Teacher Sam. Tayo na lang muna ang magka-klase,” pagyayaya ko sa kanya. Irap lang ang nakuha ko sa kanya. Kahit kailan talaga ay ang talim ng kanyang mga mata. “Anong gusto mong meryenda? Tinapay o ako?” tanong ko kaagad sa kanya pagkarating namin sa kubo. Hindi ko alam kung bakit nakakapagbiro ako ng mga ganito kay Sam. Hindi naman ako ganito noon sa mga babaeng nagdaan sa buhay ko. “Doon ka na nga. Hindi ka namin kailangan dito,” “Ang sungit mo. Tinatanong lang naman kita kung anong gusto mong meryenda,” Ang ganda niya pa rin kahit na napipikon na siya. Nang dumating sina Steven at si Mama na may dalang meryenda ay pumasok na rin ako sa bahay para makapagbihis na. “Anong ulam pa?” tanong ko kay Papa na nagbukas ng ref. “Hindi ko alam sa Mama mo kung anobg lulutuin niya. Dito na rin kakain si Teacher Sam. Baka magabihan sila ni Steven,” “Naku! Pahirapan po bago mapapayag ang isang yun. Kanina nga ay kailangan ko pang takutin para sumakay sa motor,” “Aba! Anong sinabi mo sa kanya? Baka mamaya ayaw nang turuan si Steven,” ani Papa habang nagsasalin ng tubig sa baso. “Biro lang po,” natatawang bawi ko sa sinabi ko. “Bakit hindi mo na lang siya ligawan anak? Mukhang wala pa naman siyang asawa,” “Titingnan ko muna Pa kung wala talaga,” “Ikaw ang bahala. Baka maunahan ka pa,” Nakuuuu! Napaka-supportive ng Ama ko. Gusto na talaga nilang magkaroon na ulit ng apo. Mabuti sana kung madali lang ang maghanap ng mapapangasawa. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Papa ay pumasok na ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya dahil maliligo ako. Tinanggal ko muna ang uniporme ko pati na ang kulay puting T-shirt na suot ko saka ko inilagay sa balikat ko ang tuwalya. “Anak nasaan yung susi ng motor? Bibili lang kami ng uulamin natin. Pritong manok daw ang gusto ng pamangkin mo eh wala na tayong stock na manok,” ani Mama pagkalabas ko mula sa kwarto. Itinuro ko naman sa kanila kung nasaan ang susi saka ako nagtungo sa banyo para maligo. Eksaktong pagkapasok ko sa CR ay tumunog ang aking cellphone na nasa may sala. Malakas kasi ang ringtone ng iyon kaya rinig hanggang banyo lalo na at hindi ko pa naisasara ang pinto ng CR. May tumatawag kaya nagmadali akong lumabas mula sa banyo upang tingnan kung sino iyon. Si Police Captain Alfaro ang tumatawag kaya nagmadali akong sagutin iyon. Kinumusta niya lang ako dahil wala siya sa Police Station kanina. Malapit kasi siya sa akin at anak na rin ang turing niya sa akin. Kulang na limang minuto ang aming pag-uusap kaya nang matapos ay naglakad na ako patungo sa banyo. Pinihit ko ang door knob upang buksan iyon. Pagkapasok ko sa loob ay may biglang sumigaw. Naku po! End of Chapter Seven
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD