Chapter Eight

3059 Words
Chapter Eight SAMANTHA MABUTI na lamang at iniwan na kami ni Toriego doon sa may kubo. Dahil kung hindi, puro pang-aasar na naman ang inabot ko sa kanya at baka hindi na naman kami nakapag-aral nang mabuti ni Steven. “Teacher Sam, iwan muna namin kayo ha. Bibili lang kami ng ulam. Ginawan ko na kayo ng meryenda dahil maliligo si Sebastian. Baka makalimutan niya mamaya,” ani Mama ni Toriego. “Sige po Tita. Salamat po,” NAKAKA-Twenty minutes pa lang kami ni Steven ay madami na siyang natutunan. Hindi kasi mahirap turuan ang batang ito. “Steven, answeran mo muna ito ha, iihi lang ako,” saad ko saka ko ibinigay sa kanya yung work sheet. “Opo Teacher,” masiglang sagot niya. Dumire-diretso na akong pumasok sa loob ng bahay nila at narinig kong may kausap si Toriego sa kanyang cellphone. Hindi niya ako napansin kaya kaagad ko nang hinanap ang banyo. Dahil nai-ihi na talaga ako ay pumasok na ako sa banyo. Sa floor na ako umihi. May tabing naman sa division ng bowl at liguan. Nakaupo na ako nang maalala kong hindi ko pala na-i-lock ang pinto. Paano kung pumasok si Toriego? Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi nang maramdaman kong may pumasok. “Manyaaaaaaak!” sigaw ko para malaman niyang may tao sa loob. Hindi nagsalita ang pumasok sa banyo. Dahil naka-upo pa lang ako ay hindi ko makita kung si Steven yun o si Toriego. Nagmadali akong nagpunas at kaagad kong itinaas ang aking pang-ibaba. Hinawi ko ang tabing at nakita kong nakasandal si Toriego sa may lababo habang nakalukipkip. Gossh! Bakit wala na siyang pang-itaas? May balak kaya siya? “A..Anong ginagawa mo dito? Balak mo ba akong gahasain?” tanong ko. Naiilang kasi ako sa hitsura niya. Gosh! Ang macho niyaaaaaa. “Sira! Bakit ko naman gagawin yun? Bakit kasi hindi ka nag-lock ng pinto? Pasalamat ka may tabing diyan, eh kung wala, nakita ko na sana yan,” sabay nguso sa ibabang parte ng katawan ko. “Manyak! Ang sabihin mo nananamantala ka!” “Shh! Ang ingay-ingay mo. Baka kung anong isipin ng mga kapit-bahay namin. Pagkamalan pa akong r****t,” “Eh bakit kasi bigla kang pumasok? Hindi ka man lang kumatok?” “Aba! Kasalanan ko pa ngayon? Eh ikaw 'tong hindi nag-lock ng pinto. At saka lumabas ka na dahil maliligo na ako o baka gusto mong maligo tayong dalawa?” aniya saka siya lumapit nang kaunti sa aking pwesto. Jusko! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. “Ti..Tigilan mo nga ako,” Imbes na lumayo siya ay mas lalo niya akong nilapitan. Dahil ayaw kong mangyari ang binabalak niya ay umatras ako hanggang sa tumama nga nang kaunti ang likod ng hita ko sa faucet. “Lumayo ka nga sa akin!” Hindi siya umiimik at nakatitig lang siya sa akin. Gosh! Help me! Hindi ko na kinakaya. Baka bumigay na ako kapag hindi pa siya tumigil. Hinawakan niya ang aking kamay saka mas inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ang kanang kamay niya ay dahan-dahan niyang idinikit sa pader. Ako naman ay pumikit na lang at hinihintay ang susunod na mangyari. Hanggang sa… “Waaahhhh! Ang lamiiiiiig!” sigaw ko saka ko siya itinulak at ako ay humakbang palayo sa kanya. Akala ko labi yung dadampi dahil handa naman na ako pero my guuuuus! Nakakagigil! Ikaw ba naman ang mabasa nang hindi handa? May saltik na yata ang Toriego na ito. “Basa na ako! Ginagawa mo kasing biro ang lahat!” galit na wika ko sabay punas sa ulo ko dahil nabasa ng tubig. Inopen niya kasi yung shower at nakatapat iyon sa akin pati sa kanya. Para tuloy kaming sabay na naligo. Hindi naman matigil ang pagtawa niya dahil sa kanyang kalokohan. “Masaya ka na sa pinaggagagawa mo ha! Ang akala mo kasi hindi nakakapikon yang ginagawa mo! Hindi ako bata!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko dahil sa inis ko sa kanya. Masama yung loob ko dahil sa mga pinaggagagawa niya. “Sorry na. Biro lang naman yun,” aniya nang makita niyang umiiyak na ako. Kinuha niya ang towel na nakasabit sa gilid saka akmang ipupunas sa akin pero tinabig ko ang kanyang kamay. “Pasensiya ka na. Promise hindi na mauulit yun,” Halata sa kanyang boses na nagsisisi siya dahil sa pambubully niya sa akin. “Tinatrato mo kasi ako na parang bata. Pagod ako sa school kaya please lang, hindi ako nakikipaglaro sa 'yo. Nagtitimpi lang ako sa mga pang-aasar mo. Hindi ko alam kung pulis ka ba talaga o ano!” “Ti..Tito bakit po umiiyak si Teacher Sam? Inaway mo po ba?” biglang singit ni Steven. Tumingala ako para patigilin ang aking luha saka ko iyon pinahid. Ako na rin ang sumagot kay Steven. “Hindi Steven. Napuwing lang ako kaya naghugas ako dito sa banyo. Tapos mo na ba yung pinagaga ko sa 'yo? Halika na dun at ichecheck ko,” wika ko saka ko niyaya si Steven sa labas. Hindi ko na pinansin si Toriego dahil kumukulo ang dugo ko sa kanya. Grabe na siyang mang-asar. “Teacher okay ka lang po ba?” nag-aalalang tanong ng bata. “Oo naman anak. Okay lang ako. Iligpit na natin itong mga gamit mo. I-review mo itong na-check ko ha?” “Opo Teacher,” Tinulungan ko na siyang magligpit ng kanyang gamit at inayos ko na rin yung mga gamit ko nang makauwi na ako. Mag-aabang na lang ako ng masasakyan ko. Paglabas namin sa kubo ay dumating na ang lolo at lola ni Steven kaya nagpa-alam na rin ako sa kanila. “Dito ka na kumain Ma'am. Magluluto naman na si Misis,” “Huwag na po Tito. Hinahanap na rin po kasi ako ni Mama. Mauuna na po ako. Hapon na naman po ako pupunta dito bukas,” “Magpahatid ka na kay Sebastian Ma'am. Baka wala ka nang masakyan diyan sa kanto,” “Naku, huwag na po Tito. Susunduin naman po ako ng kasama kong guro. Tatawagan ko na lang po siya mamaya pagdating ko sa kanto,” pagsisinungaling ko. Kahit pa mag-insist ang antipatikong Seb na iyon, hindi rin ako papayag dahil galit ako sa kanya. I would rather walk kaysa naman makasama siya. “Ikaw po ang bahala Ma'am,” “Okay lang po Tito. Sige po, mauuna na po ako,” paalam ko saka ako lumabas ng kanilang gate. Pasado alas sais na kaya medyo madilim na. Naglakad muna ako habang naghihintay kung may dadaang tricycle. NAKALAYO na ako ng lakad mula sa bahay ng mga Toriego ngunit wala pang dumadaang tricycle. Doon na ako nakaramdam ng takot dahil naalala ko ang mga sinabi noon ni Sebastian. “Lord, kayo na po ang bahala,” mahinang dasal ko. NANG makarating ako sa kanto ay wala ng mga nakaparadang tricycle. Patay! Ayaw ko namang magpasundo kay Papa dahil pagod iyon galing sa talyer. Gossh! What to do? Kinakaban na talaga ko dahil ilang minuto na akong nakatayo sa kanto. Natatakot na rin ako sa mga dumadaang mga tao. Baka may masamang loob na bigla na langa kong saksakin o kaya halayin. “Please po. Tulungan niyo po ako,” paulit-ulit kong dasal. “Ma'am, saan po kayo pupunta?” tanong ng driver. “Sa San Agustin, Ipil-ipil street po manong,” sagot ko. Madami kasing kanto ang papasok sa amin pwro iyon na lang angs inabi ko dahil maraming tao doon kapag ganitong oras. “Sakay na po kayo Ma'am. Pupunta rin po ako doon,” wika ni manong driver. My gosh! Thank you Lord dahil pinakinggan niyo po ang aking panalangin. “MANONG dito na po ako,” saad ko nang makarating kami sa tapat ng maliit na grocery store. “Heto po ang bayad,” saka ko iniabot sa kanya ang 200 pesos. Medyo malayo kasi at saka nag-iisa pa akong pasahero niya. “Huwag na po Ma'am. May susunduin din po kasi ako dito kaya okay lang po at saka sobra-sobra na rin po ang kita ko ngayong araw,” aniya. “Naku! Hindi pwede manong. Namamasada po kayo kaya kunin niyo na po itong pera,” pagpupumilit ko pero ayaw niya talagang tanggapin. “Sige manong, kapag nagkita tayo ulit at sumakay ako sa tricycle mo, huwag mo nang tanggihan ang ibabayad ko sa 'yo kapag nagkataon,” wika ko. “Opo Ma'am,” sagot niya saka pa ngumiti. “Salamat nang marami manong. Ingat ka po palagi. God bless you,” “Salamat din po Ma'am. Ingat din po kayo,” May mga tao pa rin pa lang may mabubuting kalooban. Salute kay manong driver. NAGLAKAD na ako papunta sa bahay na bitbit ang aking mga gamit. “Ma, Pa, nakauwi na po ako,” sabi ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para makapagmano sa mga magulang ko dahil mukhang nagluluto sila. “Nasaan si Sir Sebastian anak?” tanong agad ni Papa. How true na siya ang unang hahanapin imbes na kamustahin ako? “Nandoon po sa bahay nila Pa,” “Hindi ka niya hinatid?” “Hindi po dahil may importante po siyang ginagawa,” pagsisinungaling ko. “Siguro ay ayaw ka na niyang ihatid dahil napakasungit mo,” sabad ni Mama saka pa tumawa nang bahagya. Huwaw! Ako pa ang may kasalanan. Naku! Ang mga magulang ko talaga. Parang si Sebastian na ang anak nila. “Pasok po muna ako sa kwarto,” paalam ko. Naka-uwi naman ako nang safe kahit wala ang Toriego na yun. Hindi ko siya kailangan. Napakayabang niya. Tinanggal ko kaagad ang uniform ko saka ako humiga saglit sa kama ko. Gusto ko munang magpahinga ng ilang minuto. “ANAK, kakain na tayo,” napamulat ako bigla dahil sa tawag ni Mama. Wait lang, nakatulog ba ako? Tiningnan ko ang oras at pasado alas otso na pala. This means, nakatulog talaga ako. Pero grabe naman yun, parang humiga lang ako tapos pumikit then nakatulog na pala ako. “O..opo Ma. Lalabas na po ako,” sagot ko habang kinukusot ko ang aking mga mata. Grabeng tulog iyon pero okay na dahil medyo nabawasan na ang nararamdaman kong pagod kanina. Pagkatapos naming kumain ay nagshower na ako kaagad saka ginawa ang aking night routine. Habang nagkukus-kos ako ng aking mukha gamit ang bulak na may facial cleanser, tumunog nang dalawang beses ang aking phone. Tunog iyon ng texts. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko sa screen ang pangalan ni Toriego. Binuksan ko ang message para basahin ito. From: Mr. Antipatiko Magandang gabi po Ma'am. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na papasok na po sa school si Steven bukas. Hindi niyo na po kailangang pumunta dito sa bahay para po turuan siya. Salamat po. Ito ang unang message. From: Mr. Toriego Pasensiya na rin po pala kanina Ma'am. Hehe. Good night. Ito ang laman ng pangalawang text. Sa wakas ay hindi ko na kailangang pumunta pa doon para sa tutorial class. Salamat naman dahil papasok na si Steven at salamat din dahil hindi ko na makikita pa si Toriego.Magiging tahimik na ang buhay ko dahil wala nang mang-aasar pa sa akin. To: Mr. Antipatiko Okay. Sent. Simple lang ang reply ko para malaman niyang naiinis pa rin ako sa kanya. Pagkatapos ng aking night routine ay nahiga na ako sa kama. Hindi pa ako inaantok kaya nag-scroll- scroll na muna ako sa social media accounts ko. Natapos ko naman na ang lesson plans ko kaya medyo relax-relax na lang ako plus makakauwi na ako nang maaga bukas. Thanks kay Steven. SEBASTIAN NANG SUMIGAW yung taong nasa banyo ay alam kong si Sam na iyon dahil siya lang naman ang babae dito. Wala naman si Mama dahil namalengke sila ni Papa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya ni-lock ang pinto. Mabuti na lang at may tabing sa shower area dahil kung wala, malamang nakita ko na ang kanyang tinatago at mabuti na lang hindi siya umihi doon sa bowl dahil mas delikado. Tssskk. Ako pa tuloy ang sinisi niya. Dahil gusto ko siyang asarin ay nilapitan ko siya. “Lumayo ka nga sa akin,” aniya pero hindi ako nagpatinag sa matalim niyang tingin. Mas lalo pa akong lumapit sa kanya hanggang sa sumagad na siya sa pader. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka dahan-dahan kong inopen ang shower na nakatapat sa aming dalawa. “Waaahhh ang lamiiig!” sigaw niya dahil nabasa ang kanyang ulo. Humakbang siya palayo sa akin saka lumapit sa may pinto. Maski ako ay basa na rin pero tinawanan ko na langa ng reaksyon niya. Ewan ko pero ang saya ko kapag napipikon na siya. “Basa na ako! Ginagawa mo kasing biro ang lahat!” sigaw niya sabay punas sa kanyang ulo na nabasa ng tubig. Ako naman ay nanatiling nakangiti dahil sa kanyang reaksiyon. Ang cute niya kasi kapag naiinis. “Masaya ka na sa pinaggagagawa mo ha! Ang akala mo kasi hindi nakakapikon yang ginagawa mo! Hindi ako bata!” Kasabay nang kanyang pagsigaw ay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Putcha! Umiiyak na siya. Binibiro ko lang naman siya. Kinuha ko ang towel na naksabit sa dingding ng banyo. Pupunasan ko sana siya nang tabigin niya ang aking kamay at patuloy pa rin siyang lumuluha. Na-guilty naman ako dahil sa kalokohan ko kaya humingi ako ng pasensiya sa kanya pero galit na siya. “Tinatrato mo kasi ako na parang bata. Pagod ako sa school kaya please lang, hindi ako nakikipaglaro sa 'yo. Nagtitimpi lang ako sa mga pang-aasar mo. Hindi ko alam kung pulis ka ba talaga o ano!” “Ti..Tito bakit po umiiyak si Teacher Sam? Inaway mo po ba?” biglang singit ng aking pamangkin. Tumingala si Sam at pinipilit patigilin ang kanyang mga luha. “Hindi Steven. Napuwing lang ako kaya naghugas ako dito sa banyo. Tapos mo na ba yung pinagaga ko sa 'yo? Halika na dun at ichecheck ko,” aniya saka niyaya si Steven. Patay ka Toriego. Ano na lang ang sasabihin niya sa akin. Nagmadali na akong naligo para ako na ang maghatid sa kanya mamaya ng sa ganun ay makapagsorry na rin ako dahil sa kalokohan ko kanina. PAGKATAPOS kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang susi ng sasakyan ngunit narinig ko ang pag-uusap nila ni Papa. Ayaw niya talagang magpahatid dahil may susundo raw sa kanya pero pakiramdam ko ay ayaw niya lang talagang magpahatid sa akin. Sumilip ako sa bintana upang tingnan kung mapipilit siya ni Papa pero wala talaga dahil lumabas na siya ng gate. “Sebastian, ihatid mo na kaya si Teacher Sam?” ani Mama. “Ayaw niya po Ma. Hindi mo yan mapipilit. Titingnan ko na lang sa labas kung talagang may masasakyan siya,” sagot ko. Nagtungo ako sa labas upang siya tingnan siya. Naglalakad lang siyang mag-isa na bitbit ang kanyang mga gamit. Nakonsensiya ako dahil doon. Nanatili akong nakatanaw sa kanya hanggang sa tuluyan na nga siyang makalayo. Palihim akong naglakad upang samahan siya. Sa ganung paraan ay alam kong ligtas pa rin siya dahil hindi ko alam ang isip ng ibang tao. Nang makarating na siya sa kanto ay tumigil ako sa tindahan na malapit doon. Ilang minuto na siyang nakatayo at wala pa siyang masasakyan. Sabi ko na nga ba eh, walang susundo sa kanya kaya ang ginawa ko, tinawagan ko ang kapit-bahay naming tricycle driver na kaibigan ko rin. Tatlong minuto lang ang lumipas ay dumating na siya. “Tol, ihatid mo naman yung Teacher na yun,” saad ko sabay turo kay Sam na nakatingin sa kanyang cellphone. “Bakit hindi ikaw ang maghatid? At sino ba yun?” “Guro ni Steven. Ayaw niyang magpahatid sa akin kaya kung maaari ay ikaw na lang,” “Saan ba siya uuwi?” “Sa San Agustin pa,” “Nakowww! Napakalayo,” “Babayaran na lang kita basta ligtas siyang makauwi,” “Oo na. Sige na,” aniya. “Salamat tol. Huwag mong sabihin na inutusan kita. Bahala ka nang magpalusot. Salamat,” “Oo na. Bakit hindi mo na lang kasi gawing nobya?” natatawa niyang wika. “Saka na lang. Masungit yan eh. Basta ikaw na ang bahala. Gumawa ka na lang ng palusot. Hetong limang daan,” sabi ko saka ko ibinigay sa kanya ang pera. “Yayamanin tol. Salamat. Matumal kasi ang pasada kanina kaya bawing-bawi na ako. Salamat kay teacher,” aniya saka pinaandar ang kanyang tricycle. Nang makita kong sumakay si Sam ay naglakad na rin ako pabalik sa bahay. “Nakasakay na ba siya?” tanong ni Mama. “Opo Ma. Kay Edwin po siya sumakay,” “Mabuti naman kung ganun,” ani Mama. Sinamahan ko munang manood si Steven sa sala hanggang sa tawagin na nga kami ni Mama para kumain. “Tito, papasok na po ako bukas sa school,” biglang sambit ni Steven habang kami ay kumakain. “Talaga apo? Mabuti naman para hindi na masyadong mapagod si teacher Sam,” sagot naman ni Mama. “Opo. Namimis ko na rin po yung ibang mga kaklase ko po,” Masaya ako sa biglang desisyon ng aking pamangkin dahil nagbalik na ang dati niyang sigla. Hindi na siya takot na humarap sa maraming tao dahil alam niyang hindi lahat ng bata sa school ay bubullyhin siya. “Salamat naman anak. Sige ihahatid kita bukas. Kapag may nang-away sa 'yo, ikaw na ang umiwas,” saad ko skaa naman siya tumango-tango. Pagkatapos naming kumain ay inutusan ko nang magshower si Steven. Sinamahan ko na rin siya sa kanyang kwarto nang matapos siyang magshower at magbihis. “Tito nag-away po ba kayo ni teacher Sam kanina?” “Inasar lang siya ni Tito tapos napikon,” wika ko saka ako ngumiti. “Hala ka. Bakit mo po kasi siya inasar?” “Hayaan mo na yun anak. Okay naman na kami. Matulog ka na dahil maaga pa tayo bukas. Good night. I love you,” “I lab you po Tito,” malambing na aniya saka ako hinalikan sa pisngi. Kinuha ko ang cellphone ko nang maalala ko ang sinabi ni Steven. Nagtext agad ako kay Sam na papasok na si Steven bukas tapos humingi na rin ako ng pasensiya dahil sa nangyari. Kaagad naman akong nakatanggap ng reply niya pero pambihira 'OKAY' lang ang natanggap ko. Galit nga siya sa akin. Mas lalong ayaw na niya akong makita. Paano ko siya gagawing Tita ni Steven? Mukhang hindi na nga talaga ako makakahanap ng mapapangasawa. Nang mapansin kong tulog na si Steven ay lumabas na ako saka nagtungo sa aking kwarto. Wala naman akong ibang gagawin kaya humiga muna ako sa kama saka ako nanood ng mga pwedeng panoorin sa youtube. Nang magsawa ako sa youtube ay sa f******k naman. Pagka-open ko sa f******k ko ay hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Bakit ganito? Parang unang beses lang ito. Tskk! Iba na yata 'to. End of Chapter Eight
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD