Chapter Nine

2928 Words
Chapter Nine SEBASTIAN HINDI KO maipaliwanag ang aking nararamdaman nang biglang lumitaw sa news feed ng aking f******k ang litrato ni Samantha na nasa dagat tapos may caption na 'Missing my vitamin sea'. Profile picture niya iyon at ito rin yung nakita ko noong binisita ko ang account niya. Ibig sabihin ba nito ay tinanggap na niya ang pakikipagkaibigan ko sa kanya sa f******k kaya ko nakikita ang kanyang picture? In-accept na ba niya yung aking friend request? Putcha! Bakit ang ganda niya sa kanyang litrato? Magco-comment sana ako nang maalala kong galit pa siya sa akin. “Huwag na lang. Baka mas lalo pang magdilim ang paningin niya sa akin,” saad ko sa sarili ko. Pinindot ko ang notification button sa f******k at nangunguna ang pangalan ni Sam sa aking notifications. SAMANATHA SANTILLAN REACTED TO YOUR PHOTO Nakuuuww! Galawang hokage ang isang yun. Napangiti na lang ako dahil binibisita niya pala ang profile ko sa f******k. Huli ka ngayon teacher. Huli ka teacher pero hindi sa rehas kita ikukulong. Nagpunta ako sa messenger at hinanap ang kanyang pangalan. Sebastian: Hi Ma'am. Hindi ako na-inform na stalker ka rin pala. Sent. Samantha: (Seen) Typing… Ilang segundo na ang nakalipas ngunit wala pa siyang reply. Nananatiling typing. Tumayo muna ako saka lumabas ng kwarto at nagtungo sa banyo dahil na-iihi ako. Pagkabalik ko ay may reply na siya sa chat ko. Samantha: KUNG INAAKALA MONG INI-STALK KITA, NAGKAKAMALI KA. HINDI AKO YUNG NAG-REACT SA PROFILE MO. BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN? ANG KAPAL NG MUKHA MO. PALIBHASA ASSUMING KA KAYA GANYAN. LAHAT NA LANG NG MGA BAGAY AY BINIBIGYAN MO NG MEANING Kaya pala typing. Pambihira naman oh. Hindi raw siya yun pero defensive siya sa kanyang chat. Naku talaga. Sebastian: Napakasungit mo naman. Hindi ko naman sasabihin sa iba kung aminin mong may pagtingin ka sa akin. Dinadaan-daan mo pa sa pag-react sa litrato ko eh nahahalata ko naman. Sus. Hindi bale, magpapaligaw naman ako sa 'yo kung sakaling liligawan mo ako. Sent. Nilagyan ko pa ng puso-puso para mas lalo siyang maasar. Samantha: typing… Samantha: NAPAKAYABANG MO TALAGA NO? BAKIT NAMAN AKO MAGKAKAGUSTO SA KAGAYA MONG ANTIPATIKO AT NAPAKAYABANG. HALLEER! I WOULD RATHER GROW OLD ALONE KAYSA NAMAN IKAW ANG MAPANGASAWA KO. Sebastian: TALAGA BA? HUWAG MONG SABIHIN YAN AT BAKA ITADHANA TAYO NG DIYOS. BAKA MAGKAGUSTO NA AKO SA 'YO NITO. CAPSLOCK YAN PARA DAMA MO. Samantha: Eww! Hindi ko pa nakalilimutan lahat ng ginawa mo sa akin. Kung ako lang, hindi ako magkakagusto sa 'yo dahil napaka-immature mo. Magpakamature ka muna bago ako magkaroon ng feelings sa 'yo. Ayoko sa isip-bata. Ano raw? Immature? Ako? Grabe naman. Kaya ko na ngang gumawa ng bata tapos immature pa ako? Eh kung anakan ko kaya siya. Masakit yung sinabi niya ah. Sebastian: Immature ba kamo? Baka magbago ang isip mo kapag binigyan kita ng anak. Umayos ka diyan Ma'am. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero nag-seen na lang siya. Putcha nasaktan ako sa immature na sinabi niya. Immature pala ha. Makikita niya na mali siya ng salitang paglalarawan na ginamit. KINAUMAGAHAN ay nagising ako ng mga alas singko dahil kailangang maaga ako idadaan ko pa kasi sa school si Steven. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay saka naman lumabas yung pamangkin ko mula sa kanyang kwarto. “Good morning Tito,” aniya. “Good morning anak. Ang aga mo naman yata? Excited ka bang pumasok?” “Medyo po,” sagot niya saka pa ngumiti. Sabay na kaming nagtungo sa kusina para mag-almusal. ALAS SAIS Y MEDYA na nang matapos kaming magbihis ni Steven. Pina-andar ko muna yung motor para eksaktong mainit kapag nasa labas na na yung pamangkin ko. Inaayos pa kasi ni Mama yung kanyang meryenda. “Tara na po Tito,” aniya pagkalabas. Isinuot ko na sa kanya ang kanyang helmet saka ko siya pinasakay sa harap ko. “Ba-bye po Mama La. Ba-bye po Papa Lo,” paalam niya saka pa siya kumaway. “Bye apo. Mag-iingat kayo,” sagot naman ni Mama. Bumusina muna ako bago ko pinaandar ang motor palabas ng gate. “SUSUNDUIN kita mamayang pananghalian anak ha? Hihintayin kita dito sa labas,” wika ko habang tinatanggal ang helmet ni Steven dahil nakarating na kami sa school. “Opo Tito. Mag-iingat ka po,” sagot naman niya. Hinintay ko muna siyang makapasok sa paaralan bago ako umalis. Pinaandar ko na ang motor ko at naghahanda na akong umalis nang makita ko si Sam na naglalakad. Huminto siya sa paglalakad at may hinahanap siya sa kanyang bag. Nakita kong cellphone ang kinuha niya mula sa kanyang bag na nakalagay sa kanyang braso. Nakatingin siya doon sa cellphone niya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Dahil busy siya ay hindi niya ako napansin. Naalala ko yung sinabi niya sa akin kagabi kaya naka-isip din ako ng paraan para maasar siya. Dahil nakatalikod siya ay hindi niya ako napansin. Nanatili siyang nakatingin at nagpipindot sa kanyang cellphone. Bumusina ako sa tapat niya na dahilan nang labis niyang pagkagulat. Sa hindi ko inaasahan ay nalaglag niya ang kanyang cellphone. Paktay ka Toriego! Magbabayad ka ngayon. “ANO BA! NAPAKAGAGO MO TALAGA KAHIT KAILAN!” sigaw niya sabay pulot sa nalaglag niyang cellphone. Bumaba din ako sa motor ko para makapag-sorry. Pinagtitinginan na kami ng mga bata pati na rin ang ibang mga guro. “NANGTI-TRIP KA NA NAMAN BA? ILANG ULIT KO BANG SASABIHIN SA 'YO NA HINDI KA NAKAKATUWA! BWISIT!” “Uy sorry. Gugulatin lang naman kita. Papalitan ko na lang yung cellphone mo,” sabi ko saka akmang hahawakan siya sa kamay ngunit tinabig niya lang iyon. “SORRY MO MUKHA MO! UMALIS KA NA NGA! BAGO PA KITA IREKLAMO! NAKAKABWISIT KA ALAM MO BA YUN!” “Teacher Sam, anong nangyayari dito? Sir ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?” tanong ng isang lalaking guro. Hindi ko naman kilala 'to. “Wala po sir. Nagkatampuhan lang kami,” saad ko saka pa pinipilit na hawakan si Sam. “Nagkatampuhan? Kaano-ano ka po ba niya para magkaroon kayo ng tampuhan? Kapatid ka ba niya sir o pinsan?” Mausisa rin ang isang 'to eh. “Nililigawan ko siya,” diretsong sagot ko na dahilan para lingunin ako ni Sam at bigyan ng isang matalim na tingin. “Totoo ba yun Sam? Akala ko ba walang nanliligaw sa 'yo? Hindi mo pa nga ako pinapayagan diba?” Delikado! Mukhang may masisirang pagliligawan dahil sa kagagawan ko. “Huwag kang maniwala sa antipatikong yan. Hindi ko yan manliligaw. Hoy Toriego, lumayas ka na nga wala ka nang ibang ginawa kundi ang pakuluin ang dugo ko!” “Naiintindihan ko naman Sam kung ayaw mo pa akong sagutin pero huwag mo naman sanang ilihim,” saad ko. Putcha! Kung anu-ano na ang nasasabi ko. “ANO BANG PINAGSASASABI MO! NABABALIW KA NA YATA! Halika na nga Migs, huwag mong pansinin yang sira-ulong yan,” nanggagalaiting aniya. Dahil sa mga sinabi kong iyon ay alam kong umaapoy na siya sa galit. Ngumisi na lang ako nang maka-alis sila. Dagdag kaso na naman ito. Sumakay na ako sa motor ko saka ko inilagay ang aking helmet. Akmang papaandarin ko na nang makita ko ang 2 by 2 ID picture ni Sam na nasa semento. Magandang dilag. Pinulot ko iyon saka ko inilagay sa aking wallet. Nagkasala man ako ngayong umaga ngunit masaya ako dahil mukhang masisira ang plano ng teacher na kasama ni Sam. Paniguradong hindi na magtatangkang manligaw iyon. NANG MAKARATING ako sa police station ay nakangiting sumalubong sa akin si Matinik. “Naks, ang aga mo ngayon ah. Sampung minuto,” pang-aasar niya. “Oo naman. Ako pa ba,” sagot ko skaa ako dumiretso sa loob para magtime-in. “Tarantado! Saan ka ba galing at bakit mas nauna ako kaysa sa 'yo?” “Hinatid ko si Steven sa school. Sa wakas ay bumalik na yung dati niyang sigla,” “Aisos! Baka naman yung teacher niya talaga ang pinuntahan mo doon? Makisig ka talaga tol,” “Gago hindi, pero sige. Baka madalas ko na rin siyang bisitahin doon,” “Aba! Akala ko ba ayaw mo munang magkaroon ng nobya? Kailan lang noong sinabi mo 'yon tapos ngayon nagbabalak ka na? Iba ka din,” saad niya saka pa ako pinalo sa balikat. “Naghahanap na kasi si Steven ng Tita kaya pagbibigyan ko na. Pero parang mahihirapan ako sa teacher niya. Amazona tol,” “Kung ayaw mong ligawan, ako na lang ang manliligaw sa kanya,” wika niya saka pa niya itinaas baba ang kanyang mga kilay kaya ko siya binatukan. “Sige at isusumbong kita sa nobya mo,” “Ako ang manliligaw para sa 'yo. Napakakupad mo kasing kumilos. Mamaya niyan maagawan ka pa ng iba tapos iiyak-iyak ka,” “Bakit ka ba kasi nagmamadali? Nadadaan sa tamang proseso yan. Palibhasa kasi pinilit mo lang yung nobya mo para sagutin ka,” “Eh di ikaw na ang magaling sa ligawan. Pero bakit hanggang ngayon, wala ka pang nobya? Ang sarap kayang matulog sa gabi tapos may kayakap ka. Paggising mo sa umaga, may kinakapa ka,” sabi niya saka pa niya ako niyakap. Kung hindi ko lang 'to kaibigan ay sinuntok ko na. “Sir, dumating po si Police Captain Afaro,” saad ni Patrolman Aguirre. Umayos naman kami ng tayo saka naghahandang sumaludo kay Police Captain Afaro. Pagkapasok niya ay sabay-sabay kaming sumaludo. Wala naman siyang sinabi dahil dumiretso siya sa kanyang opisina. Kapag nandito si Sir Afaro ay para kaming mga s**o na namartilyo. Minsan kasi iba ang ugali niya, bigla-bigla na lamang magagalit sa amin na hindi naman namin alam ang dahilan kaya minsan mas gusto namin na wala siya rito. Mabait naman siya ngunit yun nga, hindi namin maintindihan minsan ang kanyang mga pinakikita. “Sir Makisig tawag ka po ni Police Captain,” ani Patrolman Aguirre. “Baka may ipagagawa na naman sa 'yo tol. Naku, huwag mo akong yayayain,” bulong ni Matinik. Siniko ko siya at baka marinig siya ng iba naming mga kasama tapos magsumbong kay Sir Afaro. KUMATOK muna ako nang tatlong beses bago ako pumasok. Sumaludo muna ako sa kanya. “Umupo ka. Kamusta na yung pamangkin mo?” tanong niya. “Ayos naman po Sir. Pumasok na po siya sa school,” “Hindi na ba siya natatakot?” “Hindi na po Sir. Tinuruan ko naman po ng self-defense kaya alam kong kaya na niya ang sarili niya kapag na-bully na naman siya,” “Mana talaga sa ama niya ang batang iyon. Mabilis matuto. Anyway, ibigay mo ito sa kanya. Hindi kasi ako nakapagbigay ng regalo sa kanya noong nakaraang kaarawan niya,” sabi niya saka iniabot sa akin ang isang maliit na kulay pulang envelope. Ampao yata ang tawag doon. Taon-taon kasi siyang nagbibigay ng regalo kay Steven simula noong mamatay si Kuya. Mabait siya sa amin at lagi niyang sinasabi na mahuhuli rin ang pumatay sa kapatid ko kaya malapit ang loob ko sa kanya at dumating pa sa puntong itinuring ko na siyang pangalawang ama. “Naku Sir, hayaan niyo na po sana,” “Ano ka ba. Mabait ang kuya mo kaya hayaan mong suklian ko ang kabaitan niya sa pamamagitan ni Steven. Kay kunin mo na,” “Salamat po Sir,” saad ko. “Sige na. May aayusin lang ako. Kayo na muna ang bahala diyan sa labas,” Pagkasabi niya iyon ay tumayo na ako saka ako sumaludo sa kanya. “Anong sinabi niya?” tanong kaagad ni Matinik. “Ibinigay niya sa akin yung maagang pamasko ni Steven,” “Aba! Galante si Sir,” “Nahihiya na nga ako eh. Madami na siyang naibibigay kay Steven,” “Eh di akin na lang kung nahihiya ka,” “Eh kung batukan kaya kita?” “Biro lang. Ito naman,” Tinawanan ko na lang yung kanyang reaksiyon. ALAS ONSE Y medya na nang magtime-out ako oara sunduin si Steven dahil kakain kami sa bahay. Nasa labas na ako ng school nang natanaw ko si Sam kasama si Steven na palabas na sa gate ng kanilang paaralan. Aba nagpapaka-tita na siya. Napangiti ako sa naisip kong iyon. Bagay niya pala ang maging Tita. “Titoooooo,” sigaw ni Steven habang papalapit sila sa akin. “Iwan na kita Steven ha?” paalam ni Sam. “Sumama ka na sa amin. Sa bahay na tayo kakain,” suhestiyon ko ngunit hindi niya ako pinansin at nagpatuloy na siya sa paglalakad pabalik sa loob ng school. “Napakasungit ng teacher mo anak,” sambit ko habang nilalagay ang helmet sa kanyang ulo. “Eh hindi ko po alam tito. Mabait naman po siya sa amin. Baka sa 'yo lang po?” aniya saka tumawa nang bahagya. “Gusto mo ba siyang maging Tita?” “Opo, gustong-gusto po. Napakabait po kasi niya,” Ayoowwwn! Desidido na talaga ang aking pamangkinna magkaroon ng tita. Pinaandar ko na ang motor saka namin binaybay ang daan pauwi sa bahay. SAMANTHA NAGISING AKO dahil tumunog na ang aking alarm clock. Alas singko pasado na ng umaga kaya kaagad na akong bumangon. Nainis ako kagabi dahil sa kamanyakan ni Sebastian. Hindi ko naman sinadya na magreact sa picture niya. Nakita ko kasi yung pangalan niya sa friend requests ko. Accidentally ko lang din napindot yung confirm instead of delete. Inaamin ko na binisita ko ang profile niya pero I accidentally reacted to his photo. “Deny pa nga Sam,” singit ng aking brain. Totoo naman kasi. Hindi ko naman inaasahan na online siya tapos icha-chat niya ako. Nakaka-inis talaga. QUARTER TO SEVEN na nang makarating ako sa school. Pagkababa ko sa jeep ay pumagilid muna ako at kinapa ko ang aking cellphone dahil tumunog iyon. Nagtext yung pinsan ko na taga Tagaytay at niyaya niya ako sa birthday niya. Habang nagtatype ako sa cellphone ko ay biglang may bumisina nang pagkalakas-lakas sa tapat ko at nalaglag ko ang aking cellphone. My gossh! Yung iniingatang kong cellphone. “ANO BA! NAPAKAGAGO MO TALAGA KAHIT KAILAN!” sigaw ko sabay pulot sa aking cellphone. Nabasag ang screen nito pero ayos pa naman dahil na-oopen pa yun nga lang may Black na screen niya. Buwisit talaga ang Toriego na to. Nakakabanas yung pagiging mapang-asar niya. Dahil sa inis ko ay madami na naman akong nasabi sa kanya. Buti nga hindi ko pa siya nasabihan ng P.I. Bigla namang dumating si Migs at tinanong kung anong nangyayari. Ito namang si Toriego, pasmado ang bibig dahil kung anu-ano na naman yung sinasabi niya. Hindi ko naman siya manliligaw. Hindi ko pa nga pinapayagan si Migs tapos siya, sasabihin niyang nililigawan ko siya? Ang kapal talaga ng mukha niya. “Huwag kang maniwala sa antipatikong yan. Hindi ko yan manliligaw. Hoy Toriego, lumayas ka na nga wala ka nang ibang ginawa kundi ang pakuluin ang dugo ko!” “Naiintindihan ko naman Sam kung ayaw mo pa akong sagutin pero huwag mo naman sanang ilihim,” sambit niya. Baliw na nga siya talaga. Nakaka-asaaaaaaaaaaar! “ANO BANG PINAGSASASABI MO! NABABALIW KA NA YATA! Halika na nga Migs, huwag mong pansinin yang sira-ulong yan,” nanggagalaiting wika ko. Paano ko namna siya irereklamo? Siguradong matatalo lang ako dahil baliw siya. Niyaya ko na si Migs na pumasok sa loob. “Umagang-umaga nakabusangot ka diyan,” ani Cristel, ang teacher ng Grade 2. “May na-meet kasi akong super antipatiko. Nakaka-inis,” “Nag-away sila ng kanyang manliligaw,” singit ni Migs. Halata sa mukha niya na sarcastic ang pagkakasabi niya. Hindi ko naman manliligaw yun eh. “Hindi ko yun manliligaw. Change topic na nga,” Hindi pa man ako nakakabawi sa kasalanan ko kay Migs ay nadagdagan na naman. Juice colored! Kasalanan lahat ni Toriego iyon. Ang tagal kong pinakalma ang aking sarili dahil sa inis ko sa nangyari. Nadamay pa tuloy yung cellphone kong iniingatan ko. ALAS ONSE Beinte dos na nang matapos ang aming klase. Isa-isa nang nagsilabasan ang aking mga pupil. “Hindi ka ba kakain Steven?” tanong ko sa bata dahil nak-upo pa rin siya sa kanyang upuan at dadalawa na lang kaming nasa loob. “Hihintayin ko raw po si Tito teacher,” “Uuwi ka pa ba?” “Opo, doon po ako kakain sa bahay. Yun po ang sabi ni Tito eh,” “Okay sige. Sumama ka na muna sa akin sa faculty room. Ihahatid kita mamaya sa labas,” Tumango naman siya at kaagad na tumayo mula sa kanyang pagkaka-upo. Nagpunta nga kami sa faculty room at pinaupo ko muna siya sa upuan ko. Wala pang alas onse y medya kaya alam kong wala pa sa labas ang kanyang tito. “Iihi lang muna si teacher ha? Tapos ihahatid na kita mamaya,” bilin ko sa kanya. PAGKABALIK KO mula sa CR ay niyaya ko na siya patungo sa gate. “Bukas, magbaon ka na tapos sabay tayong kakain sa office para hindi ka na uuwi, okay?” “Sige po teacher. Sasabihin ko po mamaya kay Mama La para po bigyan po ako ng baon bukas,” Pagkarating namin sa labas ay naroon na rin yung tito niyang antipatiko. Nagpaalam na ako kaagad kay Steven. May sinasabi pa si Toriego pero hindi ko na pinansin. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Bumalik na ko sa faculty para kumain then ala una ay start na naman ng first subject. FOUR-TWENTY na ng hapon nang matapos ang last subject ko. “Teacher, pahatid po sa labas,” ani Steven kaya um-oo naman ako. “Sabay na lang tayo mamaya anak. Kukunin lang ni teacher yung gamit tapos didiretso na tayo sa labas,” PAGKARATING namin sa faculty room ay nagsimula na akong mag-ayos ng aking mga gamit. “Teacher Saaaaam,” impit na sigaw ni Krizel pagkapasok sa faculty room. Hingal na hingal siya aymt pawis na pawis. “Nakakagulat ka naman Krizel. Ano ba yun?” tanong ni Teacher Cristel. “Ano po kasi basta, labas na lang po kayo,” Kinakabahan ako sa sinasabi ni Krizel kaya nagmadali akong nag-ayos ng gamit. Pagkarating namin sa gate ay ang daming tao. Juice colored! Anong nangyayari? End of Chapter Nine
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD