Chapter Sixty-Six SAMANTHA “OYY Teacher Sam, malungkot ka yata? Anong problema?” tanong ni Migs nang makalapit ito sa akin sa iniabot ang isang sterelized milk na nasa karton na kinuha ko naman kaagad. “Inumin mo na muna iyan. Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Naaalala mo na naman ba yung nawala mong anak?” dugtong niya saka umupo sa aking tabi. Nasa lilim kami ng punong Acacia at dahil break time, napagpasyahan kong dumito muna. “Salamat Migs. Wala naman akong problema. Napagod lang siguro ako kanina,” sagot ko sabay tusok ng straw sa karton. So far, in good terms na kami ni Migs. Hindi kaya noong mga nakaraang buwan na halos hindi kami mag-usap. “Ganoon ba? Kumusta naman kayo ni Sir Sebastian? Malapit na pala akyong ikasal,” biglang litanya niya. “Okay lang naman kami. Oo nga eh,

