Chapter Fifty-Nine SEBASTIAN TINATAPIK-TAPIK ko ang pisngi ni Sam ngunit nanatili siyang walang malay. Nagsimula na rin akong kabahan nang makita ko ang dugo sa kanyang hita dahil nakasuot lang siya ng maikling shorts. “Maaaaa!” sigaw ko habang nanatili sa bisig ko ang mahal ko. “Bakit anak?” ani Mama at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang masaksihan niya ang pagdudugo ni Sam. “Diyos ko! Bakit may dugo si Sam?” “Ma, dinatnan ng buwanang dalaw si Sam. Palagay ko sumakit ang puson niya kaya nawalan siya ng malay,” “Nak, dalhin na natin siya sa hospital. Namumutla na siya. Pakiramdam ko ay hindi buwanang dalaw iyan,” wika ni Mama na ipinagtaka ko. “Si..sige po Ma,” sagot ko kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ni Mama. Kinuha ko ang kumot namin saka ko itinakip sa ibabang parte

