Chapter Sixty SEBASTIAN “KAYA mo na bang maglakad Mahal ko? Bubuhatin na lang kita,” litanya ko dahil naayos na namin ang release paper ni Sam at uuwi na kami ng bahay. “Buhatin mo na lang ako Mahal. Masakit pa kasi,” nanghihinang aniya kaya naman kinuha ni Mama ang kahon na hawak ko saka ko binuhat si Sam palabas ng hospital. “Susunod ako mahal ha? Sa motor na ako sasakay,” wika ko nang maisakay ko siya sa loob ng sasakyan. Tumango naman siya bilang sagot. “Mag-iingat po kayo Pa. Susunod po ako. Dadaan lang po ako sa Police Station para makapagpaalam,” “Sige anak. Mag-iingat ka rin,” Hinintay ko muna silang makaalis saka ako sumakay sa aking motorsiklo at binaybay ang daan patungo sa presinto. NADATNAN ko naman si Matinik na busy na naman sa kanyang report. “Nasa loob na ba si P

