Chapter Sixty-One SEBASTIAN HALOS pagpawisan na ako dahil hindi ko mahanap si Sam. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala siya sa loob ng aming tahanan. “Ma, sigurado ba kayong nandito lang siya kanina?” tanong ko kay Mama. “Oo anak. Sigurado ako. Pero teka, baka nandoon siya sa likod ng bahay,” ani Mama kaya naman halos patakbo akong nagtungo sa labas ng bahay. Habang papalapit ako sa likod-bahay ay may naririnig akong humihikbi. Kilala ko abg hikbing iyon. Tumakbo ako hanggang sa makalapit ako sa kanya. Dahil madilim ay ginamit ko ang ilaw ng aking cellphone upang makita ko siya. Halos maiyak ako nang makita ko kung gaano kalungkot ang mahal ko. Nakayakap siya sa kanyang tuhod habang pinagmamasdan ang kandilang nakatirik at mga bulaklak na nasa lupa. “Mahal, pumasok na tay

