Chapter Sixty-Two SEBASTIAN UMUWI ako ng bahay na nasa isip ko pa rin ang may-ari ng kwintas na iyon. Paano ko kaya hahanapin ang babaeng makakasagot sa lahat ng aking mga katanungan? Paano ko hahanapin ang babaeng magreresolba sa kasong matagal nang naisara? Paano ko bibigyang linaw ang lahat kung ang tanging mayroon lang ako ay ang kwintas? Paano? Ang daming tanong sa isip ko at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang lahat ng iyon. “Nandito na ako,” litanya ko nang makarating ako sa bahay. Walang katao-tao sa sala. Marahil lahat sila ay nagpapahinga dahil tanghali na. Pumasok ako sa aming silid upang silipin si Sam. Naroon nga siya at mahimbing na natutulog. Tinanggal ko ang aking damit saka ako humiga sa kanyang tabi. “Mahal na mahal kita. Pasensiya ka na kung palagi akong

