Chapter 4: See Him Again

1862 Words
“SINO ka nga ba?” May kahawig talaga ito… pero imposible namang ito iyon. Ang natatandaan niyang may kapareho ng mukha nito ay allergic sa kahit na ano’ng gamit na pambabae. “That’s Charlize,” sagot ni Donna. Lalong napakunot ang noo niya. “Charlize?” “Yeah. Younger brother ni Kuya Clyde. Natatandaan mo na? Sister na nga pala siya ngayon.” Nanlaki ang mga mata niya. “Charle?” Hindi makapaniwalang pinasadahan niya ang kabuuan ng dalaga. Mula sa pagkakalugay ng kulot at mahabang buhok nito hanggang sa stiletto nito, at pabalik sa magandang mukha nito na may plakadong make-up. Hindi pa rin siya makapaniwala. “Ano’ng nangyari sa iyo? Nagpa-s*x change ka na?” Binatukan siya ni Donna. Si Charlize naman ay natawa lang. “Love,” nakangiting sagot nito. “That is what happened to me. May I?” paalam nito at minwestra ang bakanteng silya. Napatango siya. Pati sa pagkilos ay punung-puno ito ng poise. Naupo ito sa tabi ni Donna. Kung gayon ay tinamaan pala ito ng pag-ibig. Iba talaga ang nagagawa ng palaso ni Kupido. Yeah. It can change, piece back together and destroy. Napangiti siya ng mapait. “Sino ang maswerteng lalaki?” tanong niya rito. “Malas `ka mo,” sabad ng kapatid niya. Nginitian lamang ni Charlize ang kaibigan. “Someone I met at Hyacinth Island years ago,” sagot nito sa kanya. “Bagay sa iyo ang maging babae. You’re so beautiful. Para kang manika,” hindi mapigilang saad niya. Hindi pa rin pa siya makapaniwala sa pagbabago nito. “Thanks, Ate Donita. Nagpa-party nga ng isang buwan sina Dad nang magsimula akong magsuot ng bestida.” “Mas bagay pa rin sa iyo na maging lalaki, Charle,” ani Donna. “Mas marami pa ring babae ang nanghihinayang nang magpaka-straight ka. Tulad ko.” “Donna, huwag mo nga akong idamay sa kapraningan mo. Si Jace dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin.” “Jace?” She knew that boy. “Iyong kapatid na lalaki ni Nhica? Girlfriend ng Kuya Clyde mo?” “Yep. Siya nga. Matagal nang nanliligaw iyon kay Donna. Pero hindi niya pinapansin.” Nanunudyong binalingan niya ang kapatid. Pansamantalang nalimutan niya ang kalbaryo niya. “So, it’s Jace, huh?” “Tigilan nga ninyo akong dalawa, Ate at Charle! Manloloko ang kumag na iyon, ano!” “Ah, oo nga pala. Naloko ka na nga pala niya noon.” “Charlize Mae Cortez!” Nginisihan lamang ito ng kaibigan. Kahit medyo madilim ang pwesto nila ay halata pa rin ang pamumula nito. Ngayon niya lang ito nakitang ganoon. Pagkatapos niyon ay tumahimik na ito. Napangisi rin siya. Ngayon alam na niya kung ano ang maiipambara rito kapag inungkat na naman nito si Grendle. “Oh, and by the way,” agaw ni Charlize sa pansin niya. “Break na nga pala sina Kuya at Ate Nhica.” Nagkibit-balikat ito at nanghihinayang na bumuntong-hininga. “Just so you don’t know.” Nabigla siya sa sinabi nito. “Really?” The lights went off and a drumbeat got their attention. Hindi na niya naituloy ang iba pang sasabihin. Napatingin silang tatlo sa stage kung saan nagmula ang ingay. Madilim sa parteng iyon pero naaaninagan niyang may mga tao doon. Hindi nila namalayang dumating na doon ang banda. Malamang na sa backdoor dumaan ang mga ito… which was not usual. Mula pa noon, lalo na kung may event na ganito, ay sa backdoor dumadaan ang mga ito. Malamang kasi na pagkaguluhan ang mga ito kung kaswal lang na lalakad ang mga ito sa gitna ng mga die hard fans ng mga ito. Sumikdo ang puso niya nang maaninag ang matangkad na bulto ng lalaking lumapit sa mic. Hindi pa binubuksan ang mga ilaw pero sigurado siya kung sino iyon. Her heart told her who. Nagsisimula na ang pagkakaingay sa buong bar. Lalo na nang tumikhim sa mikropono ang lalaking iyon at unti-unting binuksan ang iba’t ibang kulay ng ilaw. Kasabay ng pagsisimula ng tugtog ng mga ito ang pag-focus ng spotlight sa mga ito—partikular sa lalaking nasa harap ng mic. Tumambad sa mga mata niya ang bokalista ng banda—si Grendle. In the flesh. Donita forgot how to breathe. “Everyone!” sigaw nito sa mic. Umani iyon ng tilian. Kumaway rin ang ibang myembro ng banda na nasa kani-kanila nang pwesto, na lalong nakapagpakilig sa mga kababaihan. “Thank you all for coming. We just came back from a gig in Singapore. And now, we’re back and here in front of you. Thanks for inviting us here, Von.” Sumaludo ito sa may-ari ng lugar. Pagkatapos ay ibinaling muli nito ang paningin sa crowd. “We’re just here to please you, people. Let’s rock `n roll!” They started to sing an original lively rock song. She didn’t know what’s gotten into her but she found herself staring at him like a starstruck idiot. He smiled and talked to everyone with ease. Hindi katulad noon na medyo awkward pa dahil hindi naman talaga ito sanay makipag-usap sa ibang tao. Pero ngayon… Ang layo na nga talaga ng narating mo, Grendle. Hindi ko pa nakikita pero siguradong malaki na rin ang pinagbago mo. Parang napakaimposible na rin tuloy na maabot pa kita. Damn. Her heart ached as she watched him. “Wuu!!! Ang galing niyo talaga, mga kuya!” Sa sigaw na iyon ni Charlize ay nakuha nito ang atensyon ni Grendle. Kinawayan ito at nginitian ng bokalista. Sumikdo ang kaba sa dibdib niya. Sumiksik siya sa likod ng isang haligi bago pa siya makita nito. Biglang dinaga ang dibdib niya at ayaw niyang makita siya nito roon. Mas maganda nang siya lang ang nakakakita rito. Natatakot ka sa kanya? The answer is yes. Takot siyang harapin ang galit nito—kung galit pa ito sa kanya. Takot siyang tratuhin siya nito na parang isa lang sa mga tagahanga nito. Na para bang hindi siya nito kilala at walang nangyari sa pagitan nila noon. At takot siyang kapag naglapat ang mga mata nila ay hindi na niya maalis pa ang paningin dito at lalo siyang mahulog dito. Baka sa pagkakataong ito ay hindi na siya makaahon pa sa tila kumunoy na pagsinta niya rito. “Ano’ng ginagawa mo r’yan, Ate?” Pinahid niya ang pawis sa noo. She tried her best to face her sister with a casual expression. “Nag-iinat ako. Nangangalay na ang likod ko, eh.” Tinaasan siya nito ng isang kilay at diskumpyadong tiningnan siya. Hindi na lang niya ito pinansin. Nilinga niya ang paligid. Nasaan na nga ba ang pinto? “May hinahanap ka?” tanong ulit nito. “Wala.” s**t! Hindi na niya maispatan ang pinto sa dami ng tao! “Wala kang lalabasan kaya huwag mo nang sayangin ang energy mo na maghanap. Hindi ka makakatakas dito.” Napatingin siya sa kapatid. Paano nito nalaman ang pinaplano niya? “Hindi naman ako tatakas, ah,” defensive na sagot niya. “Naghahanap lang ako ng waiter. Nagugutom ako at gusto kong kumain.” Kahit wala siyang ganang kumain. Tila kasi may mga kulisap na nagliliparan sa tiyan niya at hindi siya mapakali. “Hindi ba waiter iyang nasa tabi mo?” Turo nito sa nakaunipormeng lalaki sa mesang nasa likuran nila. Anak ng tipaklong! Gagawa ka lang ng dahilan, palpak pa! Napipilitang tinawag niya ito para patunayan sa kapatid na totoo ang sinasabi niya. “Yes, Ma’am?” “Ano’ng makakain dito? Iyong hindi pulutan.” “May roast chicken po kami.” “Sige, iyon na lang at isang kanin. Salamat.” “And cocktails. Thanks!” pahabol ng kapatid niya. Marami siyang nakain sa bahay nila kanina. Napapansin niyang kapag depress o kinakabahan siya ay napapalakas ang kain niya. Ngayon ay kakain na naman siya. Sirang-sira na ang diet niya! Pakiramdam niya kasi ay nadagdagan ng ilang pounds ang bigat niya sa isang linggo pa lamang na pananatili sa Pilipinas. Nasasalat na nga niya ang bilbil sa tiyan niya. Hindi na siya sexy! Anak ng pating talaga. Kasalanan mo ito, Grendle! - * - NATAGPUAN ni Donita si Irene sa maliit na opisina sa dulo ng bar nito. Tapos nang tumugtog ang The Rebel Slam. Pupwede na siguro siyang umuwi. Ang kapatid niya ay kasama si Charlize at sinabi sa kanya na maiiwan ito. “Irene, uuwi na ako,” paalam niya rito. Napataas ang isang kilay nito. “Agad?” “Don’t give me that look. Napatunayan ko na sa iyo na kaya ko siyang makita at naka-move on na ako kaya aalis na ako.” “Eh, hindi mo pa naman nakakausap ulit si Grendle. Wala ka pang napapatunayan, ano?” Nagsalubong ang mga kilay niya. “I don’t think I need to do that.” “Don’t think. You need to do this.” “Pinaglololoko mo ba ako?” Nginisihan lang siya nito. Tumayo ito sa swivel chair, lumigid sa mesa nito at sumandal doon. “Tapos na ba silang tumugtog? Nasaan na sila?” “Busy sa fans nila.” Pinagkakaguluhan ang mga ito ng tagahanga ng mga ito kaya mabilis na tumalilis siya sa dilim at hinanap ang matalik na kaibigan. She didn’t saw Krizhia and Allyza. She wondered what happened to them and their relationship with the Rebels. Shocked pa rin siya nang malaman ang break up nina Clyde at Nhica. Ikinwento sa kanya kanina ni Charlize ang nangyari sa dalawa. Umalis din pala sa bansa si Nhica matapos makipaghiwalay sa drummer ng The Rebel Slam. Nakatira at nagtatrabaho na ito ngayon sa Italy. Hindi siya makapaniwala dahil sobrang in love ng mga ito noon sa isa’t isa, despite their character differences. “Padating na ang mga iyon. Ipapakilala kita sa kanila,” wika ni Irene na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Huminga siya ng malalim para pawiin ang inis niya. “Kilala na nila ako, Irene.” “Ipapakilala kita ulit.” Aba’t— Nananadya ba ito? Pinilit niyang magpakahinahon. “Hindi na. I’m tired and sleepy. Uuwi na ako.” Pumihit siya paharap sa nakabukas na pinto. Hindi na niya pinagkaabalahang isara iyon dahil saglit lang siya rito. Subalit pagharap niya ay bumangga siya sa kung anong mataas at matigas na bagay na nasa likuran niya. Napaatras siya at muntik nang mawalan ng balanse kung hindi lang may mga mapagpalang kamay na sumuporta sa mga braso niya. Kasabay niyon ay ang biglang pagkakaalala niya sa isang tagpo. Iyong unang beses na nakaharap at nakausap niya ang bandang The Rebel Slam. The night when she accidentally bumped into Grendle after her first love broke her heart… Biglang sumikdo ang kaba niya. Lord, please. No. Not again. Waring na-drain ang lahat ng dugo sa ulo niya at hindi na iyon nag-function. Hindi niya magawang ialis ang paningin sa abuhing leather jacket na suot ng lalaking nabangga niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD