APAT na buwan na ang nakakalipas simula noong piniling iwan ni Lara ang Maynila. Kahit masakit ay pinilit niyang maka-moved on, laking pasasalamat niya na nakatagpo siya ng mga taong mababait tulad ng kanyang Mama Miranda. Himas himas niya ang kanyang tiyan habang nakatanaw sa malawak na lupain ng kanyang Mama Miranda. "Baby malapit na kitang makita, malapit na kitang makasama at sobrang excited ko dahil mahahawakan na kita sa aking mga bisig." nang biglang tumulo ang kanyang mga luha, kahit kailan hindi niya maiwasan ang maging emosyonal lalo pa at naiisip niya kung gaano kasakit ang kanyang sinapit. "Lara anak, umiiyak kana naman! Naaalala mo parin ba ang ama ng anak mo? Bakit hindi mo subukan ang magpakita sa kanya, malay mo magkaayos pa kayo?" "Hindi na po Mama, sigurado naman po

