ISANG lalakeng nakahandusay sa sahig, duguan at walang malay, iyan ang mga larawan na biglang rumehistro sa imahinasyon ni Miranda pagkatanggap niya ng masamang balita tungkol sa anak niya. Nanghihina habang hawak-hawak nito ang kanyang dibdib. "Tita what's happening?" naguguluhang tanong ni Sean kay Miranda. "Sean a-ang kaibigan mo, ang kaibigan mo," hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin. Walang ng nagawa si Sean kundi daluhan ang walang malay na ginang. Mula sa kwarto buhat ni Lara ang anak para sana lumabas ng bahay, nang mapansin niyang tila nagkakagulo sa may sala ng bahay. "Doc ano pong nangyayari dito? Diyos ko Mama!" sambit niya ng makitang nakahiga sa may sofa ang ginang at pinapaypayan nila ito. "Nothing to worry Lara

