EPISODE -8 ( Arrogant )

1485 Words
LARA POV : NAG EFFORT pa ako para ipagluto sila ng pagkain, pero ang Dylan na ito hindi man lang magawang i- appreciate ang luto ko. Mabuti pa si Lolo, nagustuhan niya. Pero ang magaling na lalake nagawa pang laitin ang luto ko! Nakakainis, kunwari hindi niya nagustuhan pero kitang kita ko naman kung paano siya natakam kanina sa luto ko! Sarap na sarap nga siya eh! "Urrgggg!" "Gracias iha, ang sarap ng luto mo. Pero nextime huwag mo nang abalahin ang sarili mo. Hindi mo kailangang magluto dahil may tagaluto naman tayo dito." "Ok lang po yun Lo, para may pagkaabalahan naman po ako!" "Ikaw talaga. Sige na iha, magpahinga kana muna at mamayang alas tres ng hapon pupunta na tayo kay Judge Reyes para sa kasal niyo ni Dylan." shocks! nawala na sa isip ko ang tungkol sa kasal, paano ba naman kasi dahil sa inis ko sa Dylan na iyon, nakalimutan ko na. Tsk.tsk.tsk. Pagkatapos ni Lolo na kumain ay nagpaalam na ito sa akin, eksaktong alas nuwebe ng umaga nang maisipan kong pumunta ng pool area. Ang ganda ng panahon, ang sarap sigurong magtampisaw sa pool, dire- diretso ako ng lakad nang maisipan kong magpalit muna ng damit, naka dress ako at hindi naman ito pwedeng pang swimming. Umakyat ako ng kwarto para magpalit, swerte at wala ang asungot na iyon. Naghanap ako ng pwede kong suotin, nang maalala ko ang binigay sa akin ni Daisy nung one time na nag-aya itong mag swimming kasama ang iba pa naming mga kaklase. A high waisted two piece blue floral swimsuit, pinatungan ko naman ng see through dress. Patakbo akong bumaba ng hagdan ng makasalubong ko na naman ang nakabusangot na Dylan na ito. Taas noo akong naglakad sa harapan niya, nakakunot pa ang noo nito habang nakatitig sa akin. Tatalikod na ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. "Where do you think you're going?" tanong pa nito sa akin pero hindi ako sumagot. Inilihis ko ang kamay nito sa aking braso. At akmang aalis na ako ng bigla na naman niya akong hilahin. "Hey, hey, hey! I'm talking to you!" sigaw na naman niya sa akin. Umayos ako ng tayo sa harapan niya at nakapameywang. "Can't you see? Hindi ka naman siguro bulag para hindi makita ang suot ko!" mataray ko pang sabi. Hindi ako magpapatalo sa higante na ito. Bahala siya sa buhay niya, basta ako gusto kong mag swimming. "No! Bawal kang mag- swimming ng ganyan ang suot, bibigyan mo pa ng motibo ang mga lalake dito para bosohan ka! Magpalit ka nga, hindi mo bagay!" biglang naningkit ang mga mata ko, hindi ba talaga ako titigilan ng lalake na'to? Gusto ko lang naman magrelax, bawal ba iyon? "Motibo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Dylan? At sino namang mangangahas na bosohan ako aber, yung mga driver niyo ba? Yung mga guwardiya sa labas o yung mga bodyguard's mo? O baka naman may iba pa diyan?" sinadya ko pang ilakas ang boses ko sa huli kong sinabi habang nakatingin sa kanya. "Huh! Are talking to me? Mangarap ka ng gising Lara, your not my type anyway! What do you think, you're sexy? Oh come on Lara, magpalit kana dahil hindi mo bagay, ako na ang nagsasabi sayo, ipaparada mo yang pimpong ball mo? Tsk. tsk. tsk!" "Kahit kailan talaga panira ka!" magsasalita pa sana ako ng biglang may dumating na dalawang lalake, ang gugwapo nila! Jeez.. Sino kaya ang mga ito? Nang mapansin nila si Dylan ay kaagad silang lumapit sa amin. "Hey man? What's up? Oh, may magandang dilag pala dito sa bahay niyo?" narinig kong sabi nung isa. "Wow?" sumipol pa yung isa habang nakatingin sa akin. Ngumiti ito sa akin at nakipagkamay. Naiilang akong tanggapin ang kamay niya pero baka isipin naman nilang bastos ako. "I'm Lucas! May I know your name miss?" kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Lara Jeanne Forteza." alanganing sabi ko. Napansin ko si Dylan na hindi umiimik pero salubong ang kilay nito habang nakatitig sa akin. Para siyang isang mabangis na leon sa hitsura nito. "Oh, what a nice name, can I call you LJ for short? By the way I'm Ice, Dylan's cousin!" pagpapakilala naman nung isa. "Hey that's enough! Bakit ba kayo naparito? Diba tinawagan na kita kanina Ice?" sabi pa nito sa isa. "Yeah! Pero I'm worried baka kako may sakit ka kaya hindi ka pumasok ng opisina. Hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa magandang binibini na ito?" sabay kindat nung Ice sa akin. Naiilang na ako sa kanila, hindi ako sanay makihalubilo sa mga lalake. Pero ayaw ko rin namang maging bastos sa paningin nila. "Ah, si Lara lang yan.Tinanong mo na nga eh!" "Bakit ba ang sungit mo bro? Gusto lang naman namin siyang makilala!" nakatawang sabi naman nung Lucas. "Uhmm.. Excused me for a while Lucas and Ice. Nice meeting you!" nakangiting wika ko at nagpaalam na ako sa kanila. Narinig ko pang nagsalita ang Lucas na iyon. "Can I join you?" tanong niya sa akin, pero hindi ko na sila nilingon pa at diretso na ako sa pool area. Ilang minuto pa akong nagtagal sa kalalangoy ng makita ko si Sabel na parating na may hawak ng tray ng juice. "Señorita, miryenda niyo po!" nakangiting tawag niya sa akin. "Sige Sabel thank you! Nag-abala ka pa?" umahon ako ng pool at umupo sa may gilid. "Si Señorito po ang nagsabi na dalhan kita ng miryenda dito!" nasamid pa ako dahil sa gulat, seryoso si Dylan magpapadala ng pagkain sa akin? Huh, ano kayang nakain ng higante na iyon? "Sabel, gusto mong mag swimming? Halika sabayan mo ako!" alok ko pa sa kanya. "Ah-eh hindi po pwede señorita. Bawal po kami diyan!" sabi naman nito sa akin. Nang biglang may nagsalita mula sa likuran ni Sabel, si Lucas at Ice nakangiti silang lumapit sa amin. "Kami hindi mo ba yayayain? Gusto rin naming mag swimming!" sabi ni Lucas sa akin. Siniko naman siya ni Ice, naku paano ito. Wala na akong lusot, anong gagawin ko? Paano ako tatanggi sa mga Adonis na ito? Nang bigla namang dumating si Dylan, thank you Lord, at dumating siya! "Get up Lara! Gusto ka daw makausap ni Lolo, faster! He's waiting for you at the library!" hay salamat, makakahinga na ako ng maluwag, hindi ko na kailangang i-entertain ang mga gwapong nilalang na ito. Kahit paano may nagawang maganda ang Dylan na ito sa akin. Kaagad na akong tumayo para kunin ang see through dress ko, nang biglang kinuha iyon ni Lucas. "Let me!" sabi nito sa akin, wala na akong nagawa noong itinaas niya ang dress ko para isuot sa akin. Tahimik namang nakamasid sa amin si Dylan, pero ramdam ko ang masakit na mga titig nito sa akin. Bakit parang wala lang sa kanya ang lahat? Bakit hindi man lang niya ako magawang ipakilala bilang mapapangasawa niya? Bakit hinahayaan niya ang mga kaibigan niyang dumikit dikit sa akin? Hayssttt.. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Wala pala siyang pakialam sa akin! Parang kinukurot ang puso ko sa isiping wala siyang pakialam sa akin. Aalis na ako nung bigla niya akong habulin, pasimple niyang hinawakan ang braso ko. "May usapan tayo na bawal kang makipag-usap lalo na sa mga lalake, pero anong ginagawa mo? You're flirting with them!" pasimpleng bulong nito sa akin, pero ramdam ko ang gigil sa kanyang mga sinasabi. "A-ang sakit mo namang magsalita, nakikipaglandian talaga? B-bakit hindi mo sabihin sa kanila kung sino ako sa buhay mo, para tumigil sila? Excuse me!" naglakad na ako palayo sa kanila, pigil ang sarili ko na huwag maluha sa harapan niya, gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako katapang. Pero hanggang saan ko kakayanin? Mali ba ang desisyon ko na magpakasal sa kanya? Anong gagawin ko? Ngayon pa lang ganyan na siya, paano pa kaya kung mag-asawa na kami? Matapang akong babae, hindi sumusuko sa kahit na anong laban, pero may hangganan din ang lahat. Pumasok na ako ng kwarto, diretso ako ng banyo para maligo. Pagkatapos kong patuyuin ang aking buhok ay kaagad akong nahiga sa sofa. Nakatalikod ako, punas punas ang aking mga pisngi dahil sa mga luhang kusang lumandas mula sa aking mga mata. Nang biglang maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan, pigil ang aking sarili na huwag gumalaw. Nagpanggap akong natutulog, nang maramdaman kong tumigil ito sa aking tabi. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, nang biglang naramdaman ko ang aking pag-angat.Binuhat niya ako dinala sa malambot na kama. Ewan ko ba, pero iba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat. Ramdam ko ang init ng katawan nito, pagkatapos niya akong ayusin sa higaan ay kumuha ito ng comforter at ikinumot sa akin. Parang nagdiwang ang puso ko ng dahil sa kanyang ginawa, may kabutihan din pala sa puso ang Dylan na ito na akala ko talaga puro pagsusungit na lang ang alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD