EPISODE-7 ( Flashback )

1554 Words
DYLAN POV: IT WAS already seven in the morning, pagkatapos kong magkape kanina sa may garden ay umakyat ako ng library dahil may kailangan akong kausapin about our businesses. Nagbilin din ako sa secretary ko na hindi muna ako makakapasok ngayon at si Ice na muna ang bahala sa mga appointments ko ngayong araw. Ice was my second degree cousin, he's the son of Tito Justin my father's first degree cousin. Maasahan sa lahat ng bagay si Ice, kung tutuusin mas favorite pa ito ni Lolo dahil isa itong matinong lalake at hindi daw kagaya ko na matigas ang ulo, at walang pinapakinggan. Bata pa lang ay magkasangga na kami ni Ice sa lahat ng bagay, siya ang aking tagapagligtas kapag napapasok ako sa anumang gulo. Siya ang gumagawa ng paraan para hindi ako mapagalitan ni Lolo. Mula pagkabata ay siya lang ang aking kakampi, bukod kina Leo, Sean, at Lucas na aking mga kaibigan. I was ten years old when Daddy died, he died by a car accident, when he tried to search for Tita Emerald his younger sister. Naglayas si Tita dahil hindi matanggap ni Lolo na nabuntis siya ng isang hardinero. Nagalit si Lolo at itinakwil niya ito, ngunit hindi tumigil si Daddy mahanap lang si Tita, sa kasamaang palad siya ay naaksidente at namatay. Si Mommy ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Daddy, simula noong umalis siya ng mansion ay naging miserable ang buhay ni Daddy, halos gabi-gabi ito kung maglasing. Napabayaan niya ang negosyo ng pamilya at pati ang kanyang sarili ay napabayaan narin niya. Lalong nadagdagan ang pasanin ni Daddy noong umalis si Tita Emerald. Buntis ito at hindi iyon matanggap ni Lolo. Hinanap niya ito kung saan-saan. Naghire din sila ng private investigator, pero huli na noong makita ni Lolo si Tita Emerald. Isang buwan na noong nawala si Daddy ay natagpuan naman ni Lolo si Tita Emerald na patay na, namatay daw ito sa panganganak. Ngunit hindi nila nakita ang anak nito, ang sabi nila ay namatay din ang bata ngunit hindi naman nila nakita ang katawan nito. Dobleng pasakit ang nangyari sa pamilya namin, dahil dalawang tao na mahalaga sa akin ang nawala sa amin. Sobrang pagsisisi ni Lolo noong mga panahong iyon pero huli na ang lahat. Hindi na niya maibabalik ang buhay ng dalawa niyang anak. Sobrang sakit ng nangyari sa buhay ko, feeling ko napag-iwanan na ako ng mundo. Naging madilim ang buhay ko habang lumalaki ay hindi ko magawang maging masaya, bago ako iniwan ni Daddy ay nauna na si Mommy, nahuli ito ito ni Daddy na may kasamang ibang lalake. Sa sobrang galit ni Daddy pinalayas niya si Mommy, tandang tanda ko pa ang kanilang naging away noong gabing iyon. "Please Mateo, alang-alang sa anak natin, patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya ang lahat. Babae lang ako at may mga pangangailangan din ako. Nawawalan ka na ng time sa amin ng anak mo, kailangan din kita!" umiiyak na sabi ni Mommy. "Hindi yun rason para magloko ka! Minahal kita Miranda, binigay ko ang lahat sayo, but look what you did! Bakit mo nagawa ito sa akin? Bakit Miranda dahil ba mas magaling ang lalake mo kaysa sa akin?" galit na galit na wika ni Daddy kay Mommy. Nasa isang sulok ako ng kwarto nakaupo at umiiyak habang nakikinig sa kanilang pagtatalo. Malaki na ako, kaya naiintindihan ko ang lahat ng aking naririnig, si Mommy ay nagloko. May iba siyang lalake bukod kay Daddy. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat. Nilisan ni Mommy ang mansion, pilit niya akong kinukuha kay Daddy pero hindi pumayag sina Daddy at Lolo. "Mateo, parang awa mo na ibigay mo sa akin ang anak ko! Dylan anak sama kay Mommy!" ngunit walang nagawa si Mommy, nagalit ako sa kanya dahil ipinagpalit niya kami ni Daddy para sa ibang lalake. Kaya mula noon isinumpa ko sa aking sarili na hinding hindi mangyayari sa akin ang nangyari kay Daddy. Hindi ako papayag na lokohin lang din ako ng kahit sinong babae. Pero nagbago ang aking pananaw noong nakilala ko si Ashley, I know in my heart na siya na ang babaeng para sa akin. Siya na ang pakakasalan ko at magiging ina ng mga anak ko. Habang lumalaki ako, walang palya si Mommy para bisitahin ako, pinupuntahan ako nito sa school. Kahit saan ako magpunta ay palagi siyang nakasunod. Noong namatay si Daddy ay hindi siya pinayagan ni Lolo na makadalaw man lang kay Daddy. Palagi akong pinupuntahan ni Mommy para humingi ng tawad, pero naging bato ang puso ko. Wala na akong maramdaman na kahit anong pagmamahal sa kanya kundi puro galit at sama ng loob. Hindi siya nagkulang sa akin, kapag birthday ko ay palagi siyang may dalang regalo sa akin. Pero imbes na tanggapin ko ay kaagad itong itinatapon. Dumating yung point na gusto ko na ring mawala sa mundo, gusto ko ng sumama kay Daddy, I was seventeen years old at that time. Pagkatapos kong makipag-away sa school at napagalitan kay Lolo ay pumunta ako sa isang tulay malapit sa ilog pasig. Gusto ko ng tumalon at that time gusto ko ng mamatay but then suddenly there was this little girl who helped me. Tandang tanda ko pa ang hitsura ng batang babae na iyon, na itinuring ko na aking Guardian Angel. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa nine or ten years old ang batang iyon. I was about to jump, when she pulled me down. Pareho kaming bumagsak sa semento, nadaganan ko ito ngunit hindi man lang ito dumaing ng sakit. Hindi man lang siya nagreklamo. Bagkus ay tumayo ito at tinulungan pa akong bamangon. Ang sabi niya sa akin, isang malaking kasalanan sa Diyos ang aking gagawin. Ang sabi ko pa gusto ko ng makasama si Daddy sa kabilang buhay, ngunit ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. Hindi daw ako pupunta ng heaven kapag namatay ako, wala daw silbi ang pagpapakamatay ko dahil hindi ko rin makakasama si Daddy dahil impyerno daw ang bagsak ko. Nakakatuwa lang isipin na may isang batang katulad niya ang nagpabago sa akin. Pagkatapos niya akong kausapin ay kaagad din siyang nagpaalam dahil baka hinahanap na daw siya sa kanila. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. The next day, bumalik ako sa lugar na iyon at nagbabaka sakali na makita kong muli ang batang iyon. Ngunit wala, halos araw-araw akong dumadaan sa lugar na iyon, nagtanung-tanong na rin ako, ngunit walang nakakakilala sa kanya. Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang batang iyon, it's been ten years pero sariwa parin sa alaala ko ang mukha ng batang iyon. Ano na kaya ang hitsura niya ngayon? Sigurado maganda ito, kasi noon kahit bata pa lang nakitaan ko na ng ganda ang batang iyon. Nasa ganoong pag-iisip ako noong may narinig akong kumakatok sa pintuan. "Pasok, nakabukas yan!" "Señorito kain na po kayo. Nakahanda na po ang almusal." sabi sa akin ng isa sa aming mga kasambahay na si Sabel. "Sige, bababa na ako." sagot ko naman Tumayo na ako at tuloy tuloy akong lumabas ng library, bumababa na ako at nagtungo sa kusina. Saktong pagdating ko ng kusina ay siyang pagdating naman ni Lolo. Nakangiting mukha ni Lara ang sumalubong sa amin ni Lolo. "Good morning Lolo, breakfast is ready po!" nakangiting wika ni Lara kay Lolo, hindi man lang siya tumingin sa akin. Siguro galit parin ito sa akin. "Ang daming pagkain ah? Mukhang ang sarap naman ng mga ito!" masayang wika ni Lolo. Tiningnan ko ang mga nakahain, mukhang masasarap nga. Teka mga favorite ko ang ilan sa mga ito. Cheese and bacon omelette, steak's and soft boiled eggs with matching toast avocados and yogurts. And a pancakes with cream cheese on top. "Hmmm..Ang sarap naman nito, mukhang mapapadami ako ng kain nito ah! Tamang tama lang kanina pa ako nagugutom." sambit ko naman, unang subo ko palang talagang nasarapan na ako. "Iha, kain kana rin! Ang sarap naman ng mga ito. Mukhang fresh pa at healthy. Hmm..Ang sarap talaga!" "Thank you po Lolo, nagustuhan niyo po ang luto ko! Niluto ko po ang mga iyan para po sa inyo." masayang sambit ni Lara kay Lolo. Siya pala ang nagluto, nabibilaukan pa ako at napaubo noong narinig kong siya ang nagluto. But how could she cooked all that? Infairness she got my taste. "Bravo iha, intelihente! Ang galing palang magluto nitong mapapangasawa mo Dylan, hindi lang maganda at mabait, masarap ding magluto!" masayang sabi ni Lolo. Ito namang si Lolo kung makapuri, eh mas magaling paring magluto yung Chef namin. Uminom ako ng tubig, pagkatapos ay nagpunas din ako ng aking bibig. "Ang bilis mo namang kumain apo, hindi mo ba nagustuhan ang luto ni Lara?" tanong sa akin ni Lolo "A-ahm! Hindi po masarap Lo, pasensya na po iyong steak po matabang at saka yung bacon omelette niya masyado namang maalat!" tanging sambit ko at nakita ko ang pag-ismid sa akin ni Lara. Mukhang disappointed ang babaeng ito dahil sa aking mga sinabi. "Hindi naman ah! Ang sarap nga eh." muling sambit ni Lolo sa akin. "Excuse me Lo, tatawagan ko pa pala di Ice, may nakalimutan akong sabihin sa kanya!" kunwaring sabi ko, dahil sigurado ako na hindi na naman ako papayagan ni Lolo na umalis sa hapag kainan. At ipipilit na naman niya gusto niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD