LARA POV:
HINDI ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Bumangon ako sa sofa kung saan ako nakatulog. Nag inat-inat pa ako, noong mapadako ako paningin sa orasan na nasa wall ng kwarto ni Dylan. Ang aga pa pala, alas kwatro palang ng umaga. Pumasok ako ng banyo para sana umihi, sinipat ko ang kabuuan ng banyo at ang ganda, nasa ayos lahat ang gamit ni Dylan. Lumabas ako para kumuha ng damit at ng towel ko. Pumasok na akong muli para maligo, as usual maliligo ako kaya naghubad ako damit wala akong tinira kahit undies ko ay tinanggal ko din.
Ang sarap sa pakiramdam ng tubig, ang sarap maligo. Nagsasabon ako ng aking katawan ng biglang bumukas ang pinto ng banyo, hindi ko pala iyon nai-lock! Nang bigla na lang akong napasigaw ng makita ko si Dylan na nakatitig sa akin!
Shocks!
"Ay! Bastos! Hindi kaba marunong kumatok!" sigaw ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking dibdib, hindi ko alam kung anong uunahin kong takpan kung ang dibdib ko o ang aking kayamanan.
"Arrggg!! Walang modo!" nakangisi naman ito sa akin at talagang lalapit pa siya sa akin.
"Huwag mo nang takpan yan! Akala mo naman may tatakpan ka pa sa liit niyan! Tsk..Nagpapatawa kaba eh parang pimpong ball lang naman yan, your breasts are not that big Lara, parang dibdib lang ng bata!" sabi pa nito sa akin, nakakapang-init talaga ng ulo ang Dylan na ito. Naku kung hindi lang ako nakahubad, kanino ko pa ito sinugod para sabunutan. Aba tinawag ba namang pimpong ball itong dibdib ko!
"Nasaan ang manner's mo lalake ka? Hindi porke't sayo itong bahay ay magagawa mo nang lahat ng gusto mo! Aba, matuto ka namang igalang ang mga babaeng katulad ko!" inis na inis na sabi ko, nagbanlaw na ako ng katawan, hindi na talaga ako nakapagtimpi nang bigla akong naglakad sa harapan niya, taas noo akong naglakad para kunin ang towel ko. Bahala na, tutal nakita narin naman niya, manigas siya! Nakita ko pa sunod sunod na paglunok niya habang naglalakad ako sa harapan niya.
"Hahaha..Ano ka ngayon! Pimpong ball pala ah!"
Natatawa ako dahil hindi man lang kumurap ang loko! Tsk Maglaway ka!
"Tumabi ka nga diyan magpapalit na ako!" wala man lang siyang imik at nakatitig parin siya sa akin! Na starstruck yata ang loko sa katawan ko. Hindi man ako ganoon katangkaran pero may ibubuga din naman ako kung ganda rin lang ng katawan ang pag-usapan. Tulad nga ng sabi ng ilan, maganda naman ako, maputi at maganda rin ang hubog ng katawan ko, yun nga lang maliit akong babae sa height ko na 5"2, at hindi ba niya alam na nakukuha rin akong muse sa school?
Nagpatuloy pa ako sa pagpupunas ng aking mahabang buhok, dahan-dahan rin ang pagpunas ko ng aking buong katawan sabay lingon ko pa sa kanya.
Binabagalan ko pa ang pagsuot ng aking bra at panty, ngumisi pa ako sa kanya at kita ko sabay sabay na paglunok nito ng kanyang laway.
"Señorito laway niyo po tumutulo!" natatawang sabi ko, sabay labas na ako ng banyo.
Hindi ko na siya hinintay na lumabas pa ng banyo nakasuot lang ako ng simpleng sleeveless floral dress na hanggang tuhod ang haba at dumeretso na ako sa baba. Tuloy-tuloy ako sa kusina ng makita ko sina Manang Rosita na tila naghahanda para umalis.
"Good morning po Manang! Ano pong meron?"
"Naku iha! Ang aga mo naman nagising! Gusto mo nabang magkape, ipagtitimpla kita?" wika nito sa akin, umiling naman ako. Dahil kaya ko namang magtimpla, at saka ayaw ko na silang abalahin pa.
"Naku Manang huwag na, ako na lang po! Saan po pala ang punta niyo, ang aga pa po?"
"Ganito talaga kami kaaga iha, pupunta kami ng palengke, mabuti na yung maaga para sariwa ang lahat ng aming mabibili."
"Pwede pong sumama?" nagpapacute kong sabi.
"Naku, mangangamoy isda ka lang doon! Dito ka nalang at mukhang bagong ligo ka pa naman!"
"Sige na po, please!" habang inakbayan ko pa si Manang. Hindi talaga siya makatanggi sa akin, kahit bago pa lang ako dito sa mansion feeling ko talaga matagal na kaming magkakilala.
DYLAN POV:
Nagising akong wala na si Lara sa sofa kung saan ito natulog kagabi, tiningnan ko pa ang orasan at alas kwatro pa lang ng umaga! Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon? Siguro nasa baba na siya, pumasok ako ng banyo at dumeretso ako sa loob dahil hindi naman ito naka lock, nang marinig ko ang lagaslas ng tubig. Huli na nang mapagtanto kong nandito pala si Lara at naliligo. Walang kahit na anong saplot sa katawan. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nito ng mapansin niya akong nakatitig sa kanya.
Sumigaw pa ito, nakakatawa lang dahil hindi niya malaman kung anong gagawin. Tinakpan pa niya ang kanyang dibdib gamit ang dalawa nitong kamay.
Napaawang ako ng bibig ng makita ko ang kabuuan niya. Sa totoo lang maganda naman si Lara, maputi at maganda rin ang hubog ng katawan kaya lang may kaliitan siyang babae. Napapailing pa ako sa naging reaksiyon niya pagkakita sa akin, huli na nakita ko na ang lahat sa kanya. Pagkatapos niya akong singhalan ay prenteng naglakad ito sa harapan ko para kunin ang towel na nakasabit. Tila nananadya pa ang babaeng ito, lingon siya ng lingon sa akin habang sinusuot ang kanyang bra at panty.
"Seriously, she's trying to seduce me?"
Napapalunok pa ako habang nakatingin sa kanya. Nang maramdaman kong nagrereact na ang aking alaga, ewan ko kung pansin niya ako pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Kung magtatagal pa siya dito sa banyo sigurado aangkinin ko na ito! Bago siya lumabas ng banyo ay sinabihan pa niya akong tumutulo ang laway ko. Tsk.tsk. ngumiti pa ng pilya ang munting nilalang na ito.
Mabuti na lang at nakalabas na ito ng banyo.
Arrggg.. Ang sakit sa puson ng babaeng iyon! Napapasigaw pa ako sa loob ng banyo. Wala eh, buhay na buhay ang alaga ko, wala na akong magagawa pa kundi ang magsariling sikap na muna. Kailangan ko itong mailabas dahil init na init na ako.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad na din akong bumababa, diretso ako ng kusina ngunit tanging ang dalawang kasambahay lang ang naabutan ko.
"Good morning po señorito! Magkakape po ba kayo?" tanong ng Isa sa akin.
"Nasaan pala si Lara? Pakisabi sa kanya siya ang gusto kong magtimpla ng kape ko!"
"Naku señorito, wala po si señorita dito. Sumama po siya sa pamamalengke!"
Biglang nagtiim ang aking mga bagang, may kasunduan kami na bawal siyang lumabas, pero sinuway niya ako. Humanda sa akin ang babaeng iyon.
"Bakit niyo siya hinayaang sumama? Diba trabaho niyo yan?" galit na wika ko sa mga ito.
"Sorry po señorito, nagpumilit po si señorita Lara, kaya wala na pong nagawa si Manang Rosita!" hinging paumanhin ng mga ito.
"Sige di bale na nga lang! Mamaya nalang ako magkakape pag-uwi niya!" talagang sinasagad ako ng babaeng iyon.
"You'll have my punishment when you'll get home Lara, I swear!"
Tutal maaga pa naman ng maisipan kong lumabas para mag jogging. Sumakay na ako ng aking kotse ng may humintong sasakyan sa harapan ng gate, nakita kong bumaba ang isang driver namin para magbukas ng gate. Pumasok na sila ng garahe nang mapansin kong lumabas si Lara na todo ang ngiti. May bitbit itong plastic bag, at tila nag-enjoy pa ito sa kanyang paglabas. Naka floral dress pa ito at kitang kita ang mapuputi nitong mga balikat. Bigla akong lumabas ng aking kotse at nilapitan siya, bahagya pa siyang nagulat ng hilahin ko ang braso niya.
"Aray! Nasasaktan ako ano ba?"
"Hindi ka talaga nakikinig sa akin babae ka! May usapan tayo na bawal kang lumabas diba, pero sinuway mo ako! naiyukom ko ang aking mga kamao dahil sa inis sa babaeng pasaway na ito.
"Diba gusto mong ituloy ang pag-aaral mo? B-bakit mo ako sinuway?"
"Sorry naman, namalengke lang naman kami, wala naman akong ginawang masama!"
"Sa susunod huwag na huwag niyo siyang papayagang makalabas ng mansion! Naiintindihan niyo ba? Dahil kung hindi kayo ang mananagot sa akin!" galit na wika sa mga ito.
"Ako ang sundin niyo, dahil ako ang nagpapasahod sa inyo! Maliwanag ba?"
"Opo señorito! Hindi na po mauulit!" nakayukong sabi nila sa akin.
Nakanguso naman si Lara, dahil sa aking ginawa. Nakahalukipkip lang ito habang nakatingin sa akin.
"Ipagtimpla mo ako ng kape! Hindi na ako magja-jogging, nawalan na ako ng gana!" kaagad naman itong tumalima sa akin para magtimpla ng kape.
"Pakidala ang kape ko sa garden, bilisan mo!" pahabol ko pang sabi.
"Whoahh! Ang aga-aga sakit sa ulo ang babaeng iyon!"
Ilang saglit pa ay dumating na ito, walang imik niyang inilapag sa garden set ang aking kape.
"Sit down!" galit na sabi ko, pero tila wala siyang naririnig. Nakatingin ito sa malayo.
"I said sit down!" pasigaw ko pang sabi, medyo napatalon pa siya sa gulat. She sat silently in front of me, and I saw his lips twitched as she frowned at me.
"Are you mad at me? You don't know how to fulfill the agreement Lara. Maybe you forget that you've signed our agreement?"
She just sighed and look straight into my eye's.
Shocks! Bakit ganito siya kung makatingin sa akin? There is something strange to this girl! No Dylan, she's just a woman!
"Sumama lang po ako para mamalengke, gusto ko sanang ipagluto si Lolo. Pero kung magalit ka naman diyan wagas! Sorry po señorito Dale, hindi na po mauulit!" iyon lang at tumayo na ito paalis ng harapan ko. Kakaiba talaga ang babaeng ito, tsk.tsk. Ang tigas ng ulo!
"Anong sabi mo, señorito?" pahabol ko pang tanong, akmang lalapitan ko siya ng bigla nalang siyang tumakbo papuntang kusina.
"Hayssttt... Seriously, is this the kind of woman I'm going to marry? Damn it! I want a child, not a childish wife!"