EPISODE -5 ( The Argument )

1454 Words
BUMALIK si Dylan kung saan nadapa si Lara, nakita niya itong nakaupo at tila may iniindang sakit. Kaagad niya itong nilapitan at pilit na hinila patayo, nang mapansin niyang napangiwi ang dalaga. "Tumayo ka nga ng maayos! Kung hindi ka lang lalampa lampa hindi ka sana masusugatan!" Galit na naman siya, at palagi na lang nakasigaw. "Aray! Dylan masakit, napilayan yata ako! Sige na iwan mo na ako! Mauna kana dun, baka naghihintay na si Lolo nakakahiya naman." "Tsk.tsk. Seriously lampa ang mapapangasawa ko huh!" naiiling iling si Dylan habang nakatingin kay Lara. "Paano mo ako bibigyan ng anak kung ngayon pa lang napakahina mo?" Singhal pa niya sa dalaga, binuhat niya si Lara at isinampa ito sa balikat niya na parang isang sako ng bigas. Nagulat naman si Lara sa ginawang pagbuhat sa kanya ni Dylan. "Ibaba mo na lang ako, kaya ko namang maglakad!" reklamo pa nito sa binata. "Bababa na tayo ng hagdan, kapag hindi ka tumigil diyan ihuhulog na kita dito para madali ka ng makababa!" masungit na sabi nito. Bigla siyang nataranta ng tumigil si Dylan sa gitna ng mahabang hagdanan. "T-teka anong gagawin mo?" naguguluhang tanong nito. "Diba ito ang gusto mo, bibitawan na kita ng magpagulong-gulong ka na lang hanggang baba!" "Huwag naman! Imbes na mabalian lang ako baka matuluyan pa ako!" "Tsk tsk.tsk!" Pagkababa ng hagdan ay nakita pa sila ni Manang Rosita at dalawa pang kasambahay na tila kinikilig ito sa kanilang dalawa. Nakangiti itong sumalubong sa kanila noong ibinababa siya ni Dylan. "Señorita anong nangyari sa inyo? Teka may sugat ka iha, naku! Halika ka nga muna at nang malinisan natin yan!" wika naman ng matanda. "Mabuti ka pa Manang, yung iba kasi diyan walang pakialam! Hmmpp!" sabi nito habang nakataas ang kilay at sinamaan niya ng tingin si Dylan. "Don't blamed me! Kasalanan ko bang mahina ka! Tsk tsk." Pagkatapos malinisan ang sugat nito sa tuhod ay nagtungo na sila sa hapag. "Oh Lara, bakit ganyan ka maglakad?" nagtatakang tanong ng Don sa kanya. "Naku Lolo wala po ito! Pasensya na po kayo, natisod lang po ako kanina!" pilit siyang ngumiti sa harapan ng Don. Hindi na niya pinansin pa si Dylan bagkus ay pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. "Be ready for tomorrow iha! Dylan nakausap ko na si Judge Reyes, ayos na ang lahat." tumango naman ito. "Lolo, I have my plans after we got married. Dadalhin ko na si Lara sa bahay ko." seryosong sabi nito sa matanda. "Hmm..Is that what you want? Pero sobrang laki nitong bahay apo, dumito na lang kayo!" "Lo, alam niyo naman po na may sarili akong bahay. Mag-aasawa na po ako kaya marapat lang na iuwi ko na siya sa aming bahay!" napapalunok naman si Lara sa pinagsasasabi ng Dylan na ito. "Ang sarap sanang pakinggan ng mga sinasabi niya.. Ayyiee, iuuwi niya ako sa bahay niya?" "Iiwan natin si Lolo dito? No! Dylan gusto kong makasama si Lolo!" Sinamaan siya ng tingin ni Dylan, at galit namang tinitigan siya ng binata. "You don't have a choice Lara!" sumenyas pa ito gamit ang dalawang daliri nito. Naintindihan kaagad ni Lara ang ibig nitong sabihin. Rule number 2, bawal siyang magreklamo. Napapakamot na lang sa ulo si Lara. Pagkatapos nilang kumain ng dinner ay nagpapaalam na si Don Julio na mauuna na dahil may kakausapin pa itong importanteng tao sa telepono. Si Dylan naman ay tumayo na at walang lingong likod na iniwan si Lara sa dinning area. Ilang sandali pa at lumapit sa kanya ang mga kasambahay. Tanging si Manang Rosita lang ang kilala niya and the rest ay hindi pa niya kilala. "Lara, ito si Sabel kasing edad mo rin siya. At ito naman sina Vicky at si Remy!" pagpapakilala ni Manang Rosita sa kanyang mga kasamahan. "Hello señorita, ang ganda niyo naman po!" puri sa kanya ni Sabel. Ayon dito ay nagtatrabaho siya dito sa mansion para matulungan ang kanyang mga magulang na pag-aralin ang kanyang mga kapatid na nasa elementarya at highschool pa lamang. "Naku, kayo naman! Kapag tayu tayo lang ang nandito, pwedeng Lara or LJ na lang masyado kasing pormal ang señorita. Hindi naman ako ang amo niyo!" nakangiting wika ni Lara sa mga ito. "Manang, saan po ang kwarto niyo? Gusto ko po sanang makita!" wika pa nito kay Manang Rosita. Ngumiti naman ang matanda at saka iginiya siya nito papunta sa maid's quarter. "Wow! Ang ganda naman po dito Manang. Pwede po ba akong makitulog dito? Tabi na po tayo, please!" namumungay ang mga mata na pakiusap nito sa matanda. "Naku, iha bawal ka dito! Tiyak hindi papayag si señorito sa gusto niyo!" "Wala namang pakialaman sa akin yun, sige na po!" kakamut-kamot sa ulo ang matanda. Habang aliw na aliw naman sa kanya ang iba pang kasambahay ng mansion. Tumabi nga siya ng higa kay Manang Rosita, habang nagkukwentuhan ay biglang may kumatok sa pintuan. "Naku, iha si señorito Dylan na yan!" "Kapag tinanong niya ako, sabihin niyo po natutulog na ako Manang. Sige na po buksan niyo na!" halos pabulong na sabi nito sa matanda. "Manang Rosita! Nandiyan ba si Lara?" "Ay, señorito kayo po pala! Opo nandito po siya, kaso tulog na ho!" kumunot naman ang noo ni Dylan pagkakita kay Lara na nakapikit na. "Hey! Lara wake up! What do you think you're doing?" niyugyog pa nito ang balikat ng dalaga ngunit ayaw nito magising. Natampal ni Dylan ang noo dahil sa ayaw magising ng dalaga. "Kanina pa ba tulog ito Manang?" tanong niyang muli sa matanda. "Ay, opo! Masakit daw po ang paa niya saka balakang niya. At saka dahil narin po siguro sa pagod kaya nakatulog kaagad!" pagsisinungaling naman ng matanda. Kunwari tumalikod pa ito at saka nag signed of the cross dahil sa pagsisinungaling niya. Nang walang anu-anoy lumapit ulit si Dylan kay Lara at walang kahirap hirap niya itong binuhat para dalhin sa silid nila. Paglabas nila ng maid's quarter ay nagtawanan naman lahat ang mga kasambahay. Tuloy-tuloy lang si Dylan sa pagbuhat kay Lara hanggang sa kanilang kwarto. Inilapag niya ang dalaga sa malambot na kama. "I know you're still awake! Huwag ka nang mag tulog-tulugan diyan! Pinahirapan mo pa ako sa pagbubuhat sayo, sobrang bigat mo pa naman! Tsk.tsk." Pero nanatiling nakapikit ang dalaga, panaka naka niyang binubuksan ang kalahati ng kanyang mga mata para makita ang hitsura ni Dylan. Natatawa siya ng bahagya habang nakikita niyang naiinis ang binata. "s**t! Bakit ang gwapo parin niya kahit nagsusungit?" sigaw ng isip ni Lara. Nagkunwari parin siyang natutulog, nang maramdaman niyang humiga ang binata sa tabi niya. "s**t! Magtatabi talaga kami? No! Hindi pa ako handa!" Nang marinig niyang nagsalita ang binata. "Don't worry, wala akong gagawin sayo! You're not my type, yet you're not beautiful anyway!" nakangising sambit sa kanya ni Dylan. Pigil sa sarili si Lara, naiinis narin siya sa kayabangan ng Dylan na ito! "Naku! Kung pwede lang kitang kutusan na higante ka kanina ko pa ginawa!" Ngunit wala siyang choice, ito naman ang gusto niya kaya paninindigan niya ito. "Ang yabang mo! Bwisit ka!" sigaw pa ng isip niya. "Magkumot ka kung gusto mo! Huwag mong sabihin na ako pa ang magkukumot sayo? Pinahirapan mo na nga ako sa pagbubuhat sayo kanina tapos ako pa magkukumot sayo, ano ka prinsesa na kailangan kong pagsilbihan!" kahit nakatalikod ito sa kanya ang binata ay hindi parin ito tumitigil sa pagsasalita. "Hmmpp..Parang babae naman ito dahil sa kadaldalan! Konting tiis Lara!" Biglang bumangon si Dylan, binuksan niya ang cabinet at kumuha ng ilang unan. Kitang kita iyon ni Lara, bumalik ito sa kama at saka inilagay ang mga unan sa pagitan nilang dalawa ni Lara. Inayos niya ito ng mabuti. Natatawa siya sa mga pinaggagagawa ni Dylan. "These are our boundaries, don't you ever dare cross on them! Kilala ko ang mga katulad mo, I know you have a hidden desire for me, you may take advantage of me or better to say you might rape me! Who knows?" seryosong sabi nito kay Lara. Biglang bumangon ang dalaga at buong tapang niyang hinarap si Dylan. "Huh! Ang kapal mo! Ako pagnanasahan ka? Never! Ako pa talaga ang pagsasabihan mo, ang yabang mo!" sabi nito habang nakapameywang sa harapan ni Dylan. Kinuha niya ang unan at saka pumunta ng sofa. "Sabi ko na nga ba eh, gising ka!" nakangising sabi nito kay Lara. Naiinis man ay pinilit ni Lara na pumikit, pero kahit nakapikit na dinig na dinig parin niya si Dylan na nagdadaldal. "Bahala ka sa buhay mo! Basta ako matutulog na, bastos na lalakeng ito!" Itinakip niya ang unan sa kanyang tainga para hindi na niya marinig si Dylan. Pinilit niyang pumikit, at dahil sa pagod ay hindi na namalayan ni Lara kung anong oras siya nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD