EPISODE-4 ( First Kiss )

1452 Words
PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Dylan ay kaagad itong lumabas ng kwarto. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng kwarto, inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Namamangha siya sa laki at gara ng kwarto ni Dylan. Tumayo siya at naglakad lakad sa loob, napunta ang paningin sa may malaking sliding door na natatabingan ng kulay gray at yellow na kurtina. Hinawi niya ang kurtina at namangha siya sa kanyang mga nakita. Mula sa kinaroroonan niya ay kitang kita niya malawak na lungsod ng Santa Mesa. "Ang ganda!" bulalas ng isip niya. Lumapit pa siya ng kaunti at mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang swimming pool ng mansion mula sa ibaba. Napatda pa siya ng makita niyang si Dylan ang nasa poolside. Alas singko pa lang ng hapon pero tirik na tirik parin ang araw. Tanging boxers lang ang suot nito, napadako ang tingin nito sa magandang katawan ng binata. Her eyes widened dahil sa labis na pagkamangha. "Ang ganda naman ng katawan niya! Gwapo sana kung hindi lang masungit." Muli niyang sinilip si Dylan na ngayon ay lumusong na sa pool. Napapalunok siya habang pinagmamasdan ito, kung kanina ang hot niya, ngayon super hot na! Nakadagdag sa kapogihan nito ang basa nitong buhok. At ang patak ng tubig na lumalandas sa kanyang mga matipuno at mabalihibong dibdib. "s**t! Lara, anong nangyayari sayo?" Pag-ahon nito sa pool ay napansin ni Lara ang malaking umbok sa gitnang bahagi ni Dylan. Ilang beses pa siyang napalunok nang masilayan niya kung gaano ito kalaki at kahaba. "s**t! Bakit siya naghubad? Hindi ba niya alam na virgin pa itong mga mata ko? Haissttt !" bigla siyang tumalikod nang mapansin niyang nakatingin si Dylan sa direksyon niya. Nakita niyang ngumiti ang loko. "Nananaginip ba ako? Bakit parang ngumiti siya? Hay naku Lara!" tinampal-tampal pa niya ang kanyang mukha. Feeling niya tuloy namumula na siya sa hiya, dahil nahuli siya ni Dylan na nakatingin sa kanya. Bumalik siya sa loob at naupo sa malambot na kama, naiimagine niya na magkatabi sila ni Dylan na matutulog. Hinihimas himas niya ang malaking kama at humiga dito. Nag biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito si Dylan na tanging towel lang ang tumatabing sa ibabang bahagi nito. "Who gave you the permission to lie in my bed?" nakakunot ang noong sabi nito. "T-teka ka lang naman bawal bang humiga? Eh sa napagod ako eh!" "No! Stand up woman! You're not going to sleep in my bed. Wala ka pang ginagawa pagod kana? O baka naman napagod ka sa pagsilip-silip mo sa akin sa ibaba! Don't tell me may nakita?" "A-ano? Ang yabang mo! Bakit naman kita sisilipan. FYI hindi ka naman kagwapuhan, at hindi karin macho! Feeling mo lang yun!" lalong lumapit ito sa kanya, at sinadya niyang idikit ang basang katawan nito sa kanya. Naiilang si Lara sa pinapakita ni Dylan sa kanya. "Talaga! Hindi ka nagugwapuhan sa akin? No one can resists my charm Lara, not even you!" "H-hah! Ang yabang nito. Wala kang binatbat sa crush ko, mangarap ka ng gising Dylan. Hindi ako magkakagusto sayo, kung hindi lang dahil kay Lolo wala ako dito!" "But you're here, you even have a choice Lara pero pinili mong sundin si Lolo. Isa lang ang ibig nun, gusto mo rin ako!" kusang lumayo si Lara kay Dylan dahil hindi na niya makayanan ang init na dala sa kanya ni Dylan. "And one more thing, remember the rule number 7, bawal kang makipag-usap sa kahit sinong lalake lalo na sa crush mo!" Natawa naman si Lara sa tinuran nito, kung alam lang niya kung sino ang crush niya. "Hahahah..As if naman na makakausap ko ang crush ko, and never in dreams! Tange nito! Michelle Morrone, hahahah!" "What's so funny?" salubong ang kilay nitong lumapit ito sa kanya. "Don't you ever dare to break the rules Lara! Hindi mo ako kilala!" seryosong sabi nito, nakataas ang kilay niyang sinalubong ang mga titig ni Dylan sa kanya.Buong tapang niya itong sinalubong. "Crush lang naman bawal ba? At saka bago pa tayo magkakilala crush ko na yon. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ako yung tipo ng tao na hindi marunong tumupad sa usapan." He just sighed! "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, bear this on your mind, what is mine is mine!" yun lang diretso na ito sa kanyang banyo para maligo. "Ano raw?" Narinig ni Lara ang mahihinang katok mula sa labas. Pinagbuksan niya ito at nakangiting mukha ni Manang Rosita ang kanyang nabungaran. "Señorita, kain na po kayo! Pakisabi po kay Señorito sabay-sabay daw po kayong kakain nina Don Julio." "Manang, Lara po. Si Manang talaga, dalawa lang naman po tayo. Sige na Manang bababa na po kami." kaagad niyang kinatok ang pintuan ng banyo para tawagin si Dylan. "Kakain na daw tayo señorito, mauuna na ako sa baba naghihintay na si Lolo!" akmang tatalikod na siya ng biglang lumabas ng banyo si Dylan. "Anong sabi mo sa akin?" "Kakain na daw tayo." nakayukong sagot nito sa binata. "No! The other one, did you called me Señorito?" Hindi siya nakaimik, bagkus tumango lang ito bilang tugon. "f**k! You're going to be my wife, tapos señorito ang itatawag mo sa akin?" "Eh, sorry po kuya!" "Huhh! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko Lara! Am I that too old para tawagin mong kuya?" naiiling-iling nitong sabi. "Ano ba sa tingin mo? Matanda kana uy!" pabulong lang yun, pero sapat na para marinig ng binata. Nang bigla siyang hapitin ni Dylan sa beywang at hinalikan ito sa mga labi. Her eyes widened, dahil sa pagkabigla. "My first kiss, shocks!" "Tawagin mo akong señorito o kuya hindi lang yan ang matitikman mo!" galit na wika nito kay Lara. Hindi nakaimik si Lara at ilang sandali pa itong nakatulala. Hawak hawak ang kanyang mga labi na hinalikan ni Dylan. Tumalikod si Dylan para kumuha ng kanyang masusuot, nang walang anu ano'y tinanggal ang nakatapis na tuwalya at inihagis ito kay Lara. Sapol sa mukha si Lara, sumigaw pa ito ng tamaan siya ng tuwalya. "Ayyy..Bastos! Walang modo!" Nang mapagtanto niyang walang kahit na anong suot na brief si Dylan. Muli siyang napasigaw at kaagad na tumalikod. "Nasaan ang manner's mo? Ano ba yan, bigla bigla ka nalang naghuhubad sa harapan ko! Excuse me hah, babae ang kaharap mo!" sabi pa nito habang nakatalikod at nakatakip ang mga mata. "I'm just reminding you woman, rule number 1 huwag mo akong pakialaman sa lahat ng gagawin ko, and rule number 2 wala kang karapatang magreklamo, got it?" "Oo na oo na! Panalo kana, magbihis kana diyan dahil naghihintay na sa atin si Lolo!" "Bakit hindi kapa bumaba? Sinabi ko bang hintayin mo ako? This is my house Lara, kakain ako kung gusto ko!" pasigaw pa nitong sabi. "Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo! Ang liit mong babae, ang tapang tapang! Tsk.tsk. susuko karin!" "Hmmpp!" nakataas ang kilay nitong lumabas ng kwarto. Nagpatuloy ito sa paglalakad nang hindi niya namalayan na ibang daan na ang kanyang tinatahak. "Diyos ko nasaan naba ako?" tumingin pa siya sa kanyang pinanggalingan. Nawawala nga siya, sa laki ba naman ng mansion na ito, talagang mawawala siya. Hanggang sa makarating siya sa isang pintuan na kulay asul. Nagtaka pa siya dahil tanging ito lang ang pintuan na kakaiba sa lahat. Lahat ng pintuan na nakita niya ay kulay tsokolate maliban sa isang ito. Na curious siya at ipinihit ang seradura nito. Akmang papasok na siya ng may humawak sa kamay niya. Bigla siyang nagulat nang magsalita ito. "What do you think you're doing? Who told you to enter that room?" kunot-noong tanong nito sa kanya. "A-eh, nawawala kasi ako. Sa laki ba naman ng bahay niyo, hindi ko alam kung saan ako tutungo." "Hahah..You must be kidding little woman!" kunwari siyang natawa. Hinila niya ito sa braso palayo sa pintuang kulay asul. "Nasasaktan ako Dylan, aray!" "Sa susunod matuto kang magtanong para hindi ka maligaw!" kaagad siya nitong binitawan at nagmamadaling umalis, halos patakbo na ang gawin ni Lara masundan lang si Dylan, dahil sa takot niyang baka mawala na naman siya. "Bakit ba kasi ang lalaki ng mga hakbang nito! Diyos ko, higante ba itong sinusundan ko?" "Faster, naiinip sa Lolo kakahintay sa atin!" he tooked a deep breath, when he saw Lara stumbled, sumigaw pa ito. Ngunit hindi man lang niya tinulungang makabangon ang dalaga. "You're so clumsy! Stand up young woman!" asik pa nito sa dalaga. At nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Hindi man lang niya nilingon ang dalaga kung ayos ba ito o hindi. Nasa hagdan na si Dylan ng mapansin niyang wala si Lara sa likuran niya. Bumalik ulit siya pataas ngunit wala ito. Nang maalala niyang nadapa ito kanina. "That woman, urrggg! Sakit sa ulo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD