EPISODE-3 ( The Rules )

1748 Words
"MOTHER Rufina, Sister Cecilia, magpapaalam na po ako! Sorry po kung matatagalan po bago niyo ulit ako makita!" naluluhang sabi nito sa mga Madreng nag-alaga at nagpalaki sa kanya sa loob ng labing siyam na taon. "Anak, umamin ka nga sa amin! Saan nanggaling ang dalawampung milyong piso?" tanong naman ni Mother Rufina. "Mother, may nagmagandang loob po na tumulong sa atin, bilang kapalit po maninirahan po ako sa kanila at magsisilbi sa kanila habang akoy nag-aaral po." pagsisinungaling niya. Hindi niya pwedeng sabihin sa kanila ang totoo. Dahil sigurado siyang hindi papayag ang mga ito. "Ganoon ba anak? Malaki ang utang na loob natin sa kanila, lalo na sayo Lara. Mag-iingat ka doon anak ah! Kung mahihirapan ka doon, tawagan mo lang kami, ako ang bahalang makipag- usap sa mga magiging amo mo!" masuyong wika ni Mother Rufina kay Lara. "Opo! Mag-iingat po kayong lahat dito. Mamimiss ko po kayong lahat!" malungkot na wika nito. Isa-isang lumapit sa kanya ang mga bata niyakap siya ng mahigpit sa huling pagkakataon. Mababanaag sa mukha ng mga bata ang matinding lungkot dahil mawawalan na sila ng ate. Lalong lalo na si Charity na sobrang malapit sa kanya. Umiiyak ito habang karga-karga ito ni Lara. "M-magpakabait kayo dito hah? Sana kapag may gustong umampon sayo, huwag mo akong kalimutan ah Charity. Isipin niyo palagi na mahal na mahal kayo ni Ate, aalis ako dito pero mananatili kayo sa puso ko!" ay sabay na nag-iiyakan ang mga bata habang siya ay nagpapaalam. Mabigat man sa loob niya na iwan ang mga ito, pero hindi pwedeng hindi siya tumupad sa napagkasunduan nila ni Don Julio. "Magiging maayos din ang lahat, palagi niyong tatandaan na ginagawa ko ito para sa inyo." Yun lang at tuluyan na siyang lumabas ng bahay ampunan, rinig na rinig pa niya ang iyakan ng mga ito. "Ate! Ate Lara, huwag mo kaming iwan!" napatda siya sa kanyang kinatatayuan, pero hindi na niya nilingon ang mga bata. Mabigat ang loob na nilisan ang tahanang kumupkop sa kanya sa loob ng maraming taon, ang tahanan na nagbigay sa kanya ng buhay. Mula sa labas ng gate ay may naghihintay sa kanyang isang sasakyan. Kilala niya kung sino ang may-ari ng sasakyan, hindi siya pwedeng magkamali sa mga Cervantes ito. Nang biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan. "Senyorita! Pinapasundo na po kayo ni Don Julio. Halina na po kayo." sabay kuha nila sa bag na dala dala niya. Pagkatapos nilang ipasok ang kanyang mga gamit, ay kaagad na din silang umalis at tuluyang nilisan ang bahay ampunan. "Babalik po ako! Pangako po Mother, sister, mga kapatid ko. Magkikita kita pa tayo, at kapag dumating ang panahon na iyon, sisiguraduhin kong may ipagmamalaki na ako sa inyo. Magtatapos ako ng aking pag-aaral!" tanging usal niya sa kanyang sarili. Pagkarating nila ng mansion, ay kaagad siyang pinagbuksan ng dalawang bodyguard's ng mga Cervantes. Isang may katandaan na babae ang sumalubong sa kanila na sa tantiya niya ay nasa late sixties na ito. "Senyorita, pasok na po kayo! Naku, ang gandang bata. Naalala ko tuloy si señorita Emerald sayo! Tara na po hinihintay na po kayo ni Don Julio sa loob." sabi nito kay Lara. "Manang ako po si Lara, ano po pangalan niyo?" magiliw niyang tanong dito. "Ako si Rosita iha, matagal na akong naninilbihan dito sa mansion, bata pa lang si señorito Dylan nandito na ako. Bale ako na ang nag-alaga sa batang iyon." napapatango naman si Lara. "Manang Rosita, baka pwede po Lara na lang ang itawag niyo po sa akin! Nakakahiya naman po ang señorita, hindi naman po ako ang amo ninyo!" nahihiyang sabi nito sa matanda. "Naku, masanay kana iha. Dahil kabilin- bilinan ni Don Julio na simula ngayon ay señorita na ang itawag namin sayo!" "Manang naman po, sige na po kapag tayong dalawa lang po, Lara nalang po ang itawag niyo sa akin, please!" malambing na wika nito sa matanda. "Alam mo ang gaan gaan ng loob ko sayong bata ka! Ngayon pa lang kita nakita pero pakiramdam ko matagal na tayong magkakilala. Sige na nga Lara, paano ako tatanggi sayo eh lambing lambing mo!" natatawang sabi ni Manang Rosita. Pagkapasok sa loob ng living room ay naabutan niya si Don Julio kasama ng apo nitong Dylan na hindi maipinta ang pagmumukha. Tumayo si Don Julio para salubungin siya, at prenteng nakaupo lamang sa sofa ang kanyang apo. "Lara iha! You're here!" tumikhim naman ito bago nagsalita pero ang paningin niya ay nakatuon sa nakabusangot na pagmumukha ni Dylan. "Ahm..Don Julio mano po!" nagbigay galang siya sa matanda at hinagkan ito sa pisngi. "Ang lambing lambing mo talaga iha. From now on, you can call me Lolo ok?" "Ah-eh, si-sige po Lolo!" napapangiting tugon niya sa Don. "Ehem..Hindi mo man lang ba babatiin ang magiging asawa mo iho?" tanong nito kay Dylan. Tumayo naman ito na tila napipilitan. "Welcome to hell Lara!" bulong nito sa sarili. "Mabuti naman at marunong kang tumupad sa usapan!" tanging sabi nito kay Lara. "Ok, so ngayon at nandito kana kailangan na nating asikasuhin ang kasal ninyong dalawa! Bukas na bukas din, papahanda ko na ang lahat.Magpapatawag ako ng media para sa gagawin kong pagpapakilala sa mapapangasawa ng apo ko!" biglang nanlaki ang kanyang mga mata matapos marinig ang sinabi ng Don. "Lo, you don't have to do that! Let's make it simple. Sigurado naman akong hindi sanay si Lara na lumabas sa National Television, diba Lara?" napatango naman ito. "Ah, opo Don Julio, ay este Lolo. Hindi po ako sanay sa maraming tao. Kung ikakasal man po kami ni Dylan gusto ko sa huwes na lang po. Ayos na po ako sa ganoon!" wika naman niya sa matanda, habang nakayuko ang ulo. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig sa kanya ni Dylan. Mag titig na tila nag-aapoy, na kung kandila lang siya ay kanina pa siya natunaw. "Oh, well if that's what you want. Pero mas gusto ko sana na ipakilala kita sa mundong aming ginagalawan, gusto kong malaman ng lahat na ikaw ang magiging asawa ng aking apo!" Dylan tooked a deep breath. "Lo, si Lara na mismo ang nagsabi, ayaw niya sa maraming tao. Kung gusto niyo po kaming ikasal kahit ngayon din mismo, pwede na. Tawagan niyo na po si Judge Reyes." napalunok naman si Lara at nabulunan sa sariling laway. "Agad-agad talaga?" "Lara iha, are you ok?" kaagad na tanong ng Don. Pilit siyang ngumiti dito. Tila seryoso ang Dylan na ito, para maikasal sila kaagad. "Not now Dylan, bukas na lang. Tutal nandito ka na lang din, samahan mo na si Lara sa inyong silid. Lara iha, sumama kana kay Dylan at nang makapagpahinga ka muna. Papatawag ko nalang kayo kapag naka ready na dinner natin. Feel at home Lara!" nakangiting wika ng Don, kaagad namang napasunod si Lara patungong itaas, ang lalaki ng hakbang ni Dylan kaya hindi na niya namalayang napasubsob siya sa may hagdanan. "Aray!" daing nito. "Get up! Tatanga -tanga!" sambit naman ni Dylan sa kanya. "Grabe naman ito! Hindi man lang ako tinulungan. Hmmpp!" Kaagad na inilibot ni Lara ang kanyang paningin pagkarating nila sa itaas, maraming kwarto ang mansion, may mahabang pasilyo silang dinaanan bago tumigil sa isang pintuan. Napapaisip si Lara na baka ito na ang magiging kwarto niya. "Mabuti at nagkikita kita pa sila dito, dahil sa lawak at laki ng mansion na ito!" "What are you doing? Tatayo ka na lang ba diyan?" salubong ang kilay nitong sabi kay Lara. "Umupo ka muna, mag-uusap tayo masinsinan!" tumalikod ito at may kinuha na papel sa isang drawer. "Anong kasunduan niyo ni Lolo?" prenteng tanong nito kay Lara. "Ahm, kapalit ng dalawampung milyong piso ang pagpapakasal ko sayo. Matagal nang sinasabi sa akin ni Don Julio ito, pero hindi ako pumayag noong una, nagkataon lang na gipit na gipit kami, pinapaalis kami nung may-ari ng lupang kinatatayuan ng bahay ampunan kaya napilitan akong gawin ito!" nakayukong wika nito kay Dylan. "So, nang dahil sa pera! Kung dodoblehin ko ang ibinayad ni Lolo sayo, papayag ka kayang iwan ako? I can't promise you anything Lara, I can't promise to love you and I can't promise you heaven Lara. Magiging impyerno ang buhay mo sa akin! Hinding hindi ka magiging masaya sa akin!" "May isang salita ako Dylan! Hindi na ako pwedeng umatras sa kasunduan namin ni Lolo, siya naman ang magagalit sa akin kapag umatras pa ako!" "Diba pera lang naman ang kailangan mo? Oh pwes I'll make it double or triple, just disappear Lara. Wala nang magagawa si Lolo kapag nawala kana ng tuluyan, magpakalayu layo ka! Gamitin mo ang pera para makapagsimula ka ng bagong buhay!" Umiling naman ito, "Hindi ko kailangan ng pera mo Dylan, ang sa akin lang ay tumupad ako sa usapan. Wala na akong pakialam sa pera niyo, hindi ko na yan kailangan!" seryosong sabi nito kay Dylan. "Mukhang matigas ang babaeng ito! Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo! Welcome to hell Lara! I will make your life miserable! " sabi niya sa kanyang isip. "Is that your decision? Pirmahan mo ito, kung may kasunduan kayo ni Lolo dapat may kasunduan din tayo, bigyan mo ako ng isang anak Lara. At kapag nakapanganak kana, kukunin ko ang bata sayo, at ipapawalang bisa ko ang ating kasal. Remember Lara in just one year lang ang bisa ng kasal natin!" sabay abot nito sa isang papel at ballpen, binasa naman ito Lara. Rule -1 Wala kang karapatan na pakialaman ako! Rule-2 Wala kang karapatang magreklamo! Rule-3 Pagsisilbihan mo ako! Rule-4 Do your duty as my wife! Rule-5 Lahat ng gusto ko susundin mo! Rule -6 Bawal kang lumabas! Rule-7 Hindi ka pwedeng makipag-usap sa kahit na sino lalo na sa mga lalake! Rule-8 Ikaw ang gagawa sa lahat ng gawaing bahay! Rule-9 Bawal kang mag-inarte kapag kailangan kita! Rule number-10 Bawal kang ma-inlove sa akin! "T-teka, bakit bawal akong lumabas? Paano ang pag-aaral ko?" kunot noong tanong niya. "Huwag ka nang mag-aral tutal bibigyan naman kita ng malaking halaga pag-alis mo!" "Hindi pwede yun! Yun lang ang meron ako, na pwede kong ipagmalaki sa lahat. Pati ba naman yun ipagkakait mo pa sa akin?" nanginginig na sabi nito, buong tapang niya itong hinarap. "Pipirmahan ko ito, pero mag-aaral parin ako! Hindi mo pwedeng tanggalin sa akin iyun!" "Sige, mag-aaral ka! Pero bahay at school ka lang!" Wala na siyang nagawa kundi ang pirmahan ang kanilang kasunduan. Basta ang importante sa kanya ay makatapos siya ng kanyang pag-aaral para may maipagmalaki naman siya balang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD