EPISODE-2 ( Seeking For Help )

1386 Words
"ISANG apo lang ang hinihingi ko sayo Dylan. Matanda na ako, gusto kong makita ang magiging apo ko sayo!" "But Lo, I can't! Wala pa sa plano namin ni Ashley ang pagpapakasal. She's too busy on her modeling career!" "At kailan pa Dylan, kapag mahinang mahina na ako? Damn it Dylan, hindi ka na bumabata!" Galit na wika ni Don Julio sa apo. "I've decided Dylan, you have to marry as soon as possible! Bigyan mo ako ng apo, hindi na kita guguluhin. Pati ang pamamahala sa Mall, ibibigay ko sayo. Sundin mo lang ako!" Naalala niya, matagal na niyang gustong hawakan ang Mall. Mahalaga ito sa kanya dahil ito ang tanging alaala niya sa amang matagal nang yumao. Ilang beses na siyang kinukulit ng kanyang Lolo na mag-asawa. Pero ayaw pa ni Ashley. Masisira daw ang magandang career nito. "I will give you the management of the mall. Only if you'll get married. Kung ayaw ni Ashley, ako ang maghahanap ng mapapangasawa mo! And that is final!" "What? No! Wala akong ibang pakakasalan kundi si Ashley lang Lo!" Napakamot sa ulo ang Don. Naiiling iling itong tinititigan ang apo. "You are going to marry Lara! Siya lang ang gusto ko para sayo! Wala ng iba. Subukan mong tumutol Dylan pupulutin ka sa kangkungan!" "What? Seriously Lo? You want me to marry that orphan? The hell no Lolo!" "Huwag mo ako susubukan Dylan! Gawin mo! Isang matinong babae si Lara, mabait, magalang at higit sa lahat maganda. Wala ka nang hahanapin pa. Hindi katulad niyang ipinagyayabang mong girlfriend mo na puro ganda lang alam!" galit na galit na wika ng Don. Napapahilamos si Dylan sa kanyang mukha. Ngayon mukhang seryoso na ang Lolo niya, isang apo lang naman ang gusto niya bakit kailangang pakasalan pa niya ang babaeng iyon! "I'm serious Dylan, you have to marry Lara or else, mawawala sayo ang lahat!" "Isang apo lang naman ang gusto niyo diba? Pwede naman akong mag-anak ng iba diyan kung gusto niyo. Bakit kailangan ko pang pakasalan ang babaeng iyon?" "Ayaw ko sa iba Dylan, si Lara lang gusto kong maging ina ng anak mo! Pag-isipan mong mabuti kung ayaw mong mawala sayo ang lahat!" Mukhang wala na talaga siyang takas, kailangan niyang pakasalan ang Lara na iyon. Ano ba kasing nakita ng Lolo niya sa babaeng iyon at gustong gusto siya nito para sa kanya. "Order is order Dylan Dale Cervantes, and you can not disobey!" yun lang at naiwan na siyang mag-isa sa may library ng kanilang mansion. "Senior may naghahanap po sa inyo, Lara daw po ang pangalan." sabi ng isang guwardiya. Laking ngiti ng Don nang marinig niyang nasa labas si Lara. "Sige papasukin niyo, dalhin niyo sa may garden. Sabihin niyo maghintay siya doon. Maghanda kayo ng makakain at dalhin sa amin!" kaagad namang napasunod sa kanya ang mga katulong. Isang seryosong mukha ni Lara ang nabungaran ni Don Julio. Mula sa garden ay tanaw niya ito, na tila hindi mapakali at aligaga sa kanyang kinauupuan. Nilapitan niya ang dalaga, tumikhim ang Don bago nagsalita. "Oh, iha Lara what a surprise! Do you need something?" "Ah-eh Don Julio, kailangan ko na po ng tulong niyo! Nasa bahay ampunan na po ang demolition team. Pinapaalis na po nila kami. Please Don Julio kahit anong kapalit gagawin ko po, huwag lang mawalan ng tirahan ang mga batang ulilang kagaya ko!" "Anything? Lahat gagawin mo? Kung ganoon marry my grandson at ngayon mismo mapapasa-inyo ang lupa ng bahay ampunan." "Handa po ako Don Julio! Pumapayag na po ako sa gusto niyo!" Biglang lumaki ang ngiti sa mga labi ng Don. Masaya siya sa wakas dahil ikakasal ang apo niya sa babaeng nagugustuhan niyang maging kabiyak ni Dylan. Hindi rin maintindihan ng Don kung bakit ganoon na lang kagaan ang loob niya para kay Lara. Naiisip niya tuloy, kung nabubuhay lang ang apo niya siguro kasing edad narin ito ni Lara ngayon. "Kung ganoon, tatawagan ko lang si attorney. Papahanda ko sa kanya ang ating kasunduan." mula sa bulsa ay dinukot ng Don ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanilang family lawyer. "Mag meryenda ka muna iha, habang hinihintay natin si attorney. Huwag kang mag-alala ipapahold ko ang demolition sa ampunan." sabi pa ng Don kay Lara "Maraming salamat po Don Julio, utang ko po ang lahat sa inyo. Kaya bilang kabayaran gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo!" garalgal ang boses nitong sabi. "Iha, huwag mong isipin na ginagawa ko lang ito dahil gusto ko. Magaan na ang loob ko sayo noon pa man. Siguro kasi nakikita ko sayo ang aking anak." biglang lumungkot ang mukha ng Don. Tinanggal niya ang kanyang salamin at nagpunas ito sa mata. "Umiiyak po ba kayo? Don Julio kung hindi niyo po mamasamain, nasaan na po yung anak ninyo?" "Naalala ko ang anak ko sayo Lara, may pagkakahawig kayong dalawa kaya siguro magaan din ang loob ko sayo! Pero wala na siya, namatay siya sa panganganak. Kasalanan ko ang lahat kaya siya naglayas, hindi ko matanggap na nabuntis siya ng aming hardinero dati. Itinakwil ko siya, alam ng Diyos kung gaano ako nagsisisi sa nagawa ko sa kanya. Pinahanap ko siya pero huli na ang lahat. Ayun sa babaeng tumulong sa kanya. Namatay daw ito habang nanganganak!" isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan. "Nagsisisi ako Lara, kung buhay sana ang apo ko babawi ako sa kanya." maluha-luhang sambit ng Don. "Sorry po Don Julio, hindi ko po akalain na may mabigat pala kayong pinagdadaanan. Siguro naman po napatawad na po kayo ng anak niyo. Kung gusto niyo po ituring niyo na lang po ako na apo ninyo. Magaan rin po ang loob ko sa inyo Don Julio. Laking pasasalamat ko na nakilala ko po kayo." malumanay na sabi ni Lara, habang inaalo ang matanda. Mula sa kinaroroonan nila ay tanaw nilang palapit ang kanina pa nila hinihintay na abogado. "Good Morning Don Julio, heto na po yung pinapahanda niyo sa akin na mga papeles!" sabay abot nito ng isang folder. "Lara iha pakibasa ito ng maayos, bago mo ito pirmahan." Kinuha naman kaagad ni Lara ang kontrata at binasa ito ng mabuti. Napapalunok pa ito habang binabasa ito, napansin naman ni Don Julio ang bahagyang pagbabago ng mukha ng dalaga. "Bakit iha, may problema ba?" "Ah-eh Don Julio, kailangan po ba talagang ikasal ako sa apo niyo? Hindi ba pwedeng gawin niyo na lang akong alila habang buhay?" malamlam ang mga matang nakatitig kay Don Julio. "Iha, you have no choice. Nakasaad diyan na kapalit ng dalawampung milyong piso ang pagpapakasal mo sa apo ko!" "Pero Don Julio, sigurado po ako na hindi papayag si Dylan sa gusto po ninyong mangyari!" "Nakausap ko na ang apo ko Lara, katulad mo, wala siyang ibang choice." Kaagad na inilabas ni Don Julio ang cheque at pinirmahan ito. Dalawampung milyong piso ito kapalit ng pagpapakasal niya kay Dylan Cervantes. Kaagad niya itong kinuha at pinirmahan ang kontratang ibinigay sa kanya ng abogado. "Don Julio, magpapaalam na po ako! Kailangan ko ng madala ito ngayon sa orphanage. Babalik po ako dito Don Julio, huwag po kayong mag- alala, magpapaalam lang po ako kina Sister Cecilia at Mother Rufina. Thank you po ulit dito!" "Adios Lara, sige na iha, humayo kana! At maghihintay ako sa pagbabalik mo." masayang wika ng Don. Kaagad na siyang lumabas ng mansion at agad-agad itong naghanap ng masasakyan pabalik sa ampunan. Pagdating ng ampunan ay kaagad niyang nilapitan ang mga demolition team. Tiningnan niya ng nakataas ang kilay ng isa sa mga pinuno ng demolition team. "Pakihanda ng mga papeles attorney, dahil dala ko na ang halaga na kailangan ninyo. Kailangan niyong mailipat sa pangalan ng orphanage na ito ang titulo ng lupa sa lalong madaling panahon!" sambit nito sa abogado ng may-ari ng lupa. "Aasikasuhin ko ineng, sa lalong madaling panahon magiging sa inyo na ang lupang ito!" At nagsigawan ang lahat ng mga bata, at mga Madre dahil sa tuwa. "To God be the Glory!" tanging usal ni Mother Rufina. Nagdiwang ang lahat, pati ang mga batang kagaya niya ay tuwang tuwa dahil hindi na sila paaalisin sa kanilang tirahan. "May matatawag na tayong atin Mother." Maluha-luhang sambit ni Lara sa mga Madre, at dahil lahat ng ito kay Don Julio. At oras narin para siya naman ngayon ang tumupad sa usapan nila ng Don.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD