Na-enjoy ni Gab ang mga nangyari sa kanila ng peke niyang asawa. For the first time, nakikipagtawanan siya dito. Okay naman pala kasama ang babae. Tinulungan pa siya nitong mag-impake ng mga pasalubong pauwi ng Maynila. "I don't think my car can load all of these.'' "Kaya 'yan, mga gulay lang naman 'yan at kakanin. Mahal ang mga bilihin doon at saka hindi pa fresh," tugon ni Ariya habang abala sa pag-iimpake. "Oo nga naman. Pinagtiyagaan niyo pa man din itong gawin kaya nakakahiya naman kong 'di ko dadalhin.'' "What time are you leaving?'' "First thing in the morning para 'di kami gabihin sa daanan." "Okay, you guys take care on the road.'' "We will. Oh, I'll check if Jason's done packing. Thanks anyway." "No problem." Pinuntahan ni Gab ang kaibigan niya pero nakalatag pa rin mga

