Ang samà ng gising ni Gab kinabukasan. Nagkahang-over siya sa dami ng kaniyang nainom. Sinilip niya ang kama kung natutulog pa ba si Ariya pero wala na ito. Hindi siguro nakatulog dahil sa nangyari. Mukhang sumombra ata ang pagka-arogante niya. Well, hindi naman siya masisisi. In the first place, siya na nga itong nadehado, siya pa ang pinag-iinartehan. Kumbinsido si Gab na nasa katuwiran siya. "Aishh! Masisira pa ang araw ng dahil sa'yo," wala sa loob na wika niya sa sarili. Nakaramdam siya ng gutom kaya lumabas siya ng kuwarto't pumanhik sa kusina. Doon niya ito nadatnan. Ay aba't naghahain ang peke niyang asawa ah! "Ang sipag naman talaga ng asawa ko," bungad niya dito kaya nagulantang si Ariya at muntik ng mabitawan ang kawali. Natatawa siya sa nakikita kung kaya lalo pa niya itong i

