Finally nakabihis na si Gab. Medyo asiwa siya sa suot niyang traditional costume. Ito ba yong tinatawag na bahag o ano? Paano kaya nila nakakayanang suotin ang ganitong kasuotan na parang halos naka-underwear lang? Bakit ba siya napapayag na magsuot ng ganito sa harap ng marami? Hindi niya matanggal ang kaniyang paningin sa sarili niyang repleksiyon. Napapailing nalang siya, para kasing sasabak siya sa the naked truth sa suot niya eh. Wala na siyang magagawa dahil napasubo na siya. "Bro, are you done?" Biglang pumasok si Jason sa silid niya, ganoon din ang suot. "Can I really make it wearing like this?" "Oo naman. Tingnan mo, gorgeous ka naman. Pareho naman tayo ng suot oh, saka lahat naman magsusuot ng ganito eh." "Uh! I just can't!" sabay kamot niya ng ulo. "Bro naman, andito na tay

