Wife Is Drunk

1174 Words
"Sobrang sakit na yata ng leeg ko, mayroon na yata akong stiff-neck." reklamo ko sa sarili habang nakaupo sa dulo ng VIP room. Habang napahawak ang aking mga maputing kamay sa likod ng leeg. Dahan-dahan ko itong hinawakan ng unti-unting nararamdaman ang lambot ng balat. Dito sa isang maliit na parte ng pangalawang baitang ng isang sikat na high-end club, kilalang Sombrero Tower kung tawagin ng lahat, ay kasakukuyang nagaganap ang isang party celebration para sa anak ng mayor na masasabing kaibigan ko. Ang mga pangalawang henerasyon mula sa mayayamang pamilya ay kasalukuyang nagsasaya sa gabing ito. Ang bawat magagandang kabataang lalaki at babae ay nagsusuot ng kani-kanilang tatak mula sa ibat-ibang mga luxury brand, sa damit, relo, sapatos at kumikinang na alahas, bawat isa ay abala sa maingay at masiglang sayaw sa dance floor sa labas at nasa likod ng ingay ay ang napakasikat na musika para sa mga kabataan ngayon. "Oy, Aria, anong ginagawa mo diyan, tara at uminom pa." Sigaw ng isang binatang lalake na aking kaibigan mula noong highschool, ngumiti lamang ako sa kanya ng hindi man lang umabot sa'king mga mata, siguro dahil medyo sumasakit narin bahagya ang ulo ko, saka sumenyas na ayaw ko na uminom pa ng alak. Hindi naman na ako pinilit ng kaibigan ko bago siya lumapit sa iba upang ituloy ang makipagkwentuhan tulad sa isang masiglang musika na walang humpay ang tugtog sa likod ng mga sigawan. Muling narinig ko ang ingay ng mga kaibigang na nagpapakasaya sa celebrasyon ng kaarawan ng anak na babae ng mayor ng syudad, di ko mapigilan mapakunot ng noo. Ako ay isa sa mga naging classmate nitong birthday's celebrant. Noong una ay ayaw ko pa talaga na dumalo. Sapagkat na siguradong aabutin nanaman ako ng gabi paniguarado sa pag-uwi, kahit dalawáng pû’t limang taong gulang nako ay may matatwag na curfew parin. Subalit hindi dahil sa house's curfew or family curfew, kundi hindi na ako isang dalaga na walang responsibilidad at dahim iyun ay may mga anak na ako ngayon Kadahilanang may humiling na ako ay makilahok, ang aking sworn-sister s***h best friend s***h childhood's sweetheart na nag-aya samahan ko siya dito para makita nito ang old crush niya. Kung kaya ako ay napasabak sa bakbakan ng alak, social gathering na isa sa mga inevitable fear ng mga tulad kong minsan na introvert at halos makatulog na dito sa dulo ng sofa. "Aria, Aria, kaya mo pa ba? Gusto mo ipahatid na kita sa driver." Lumapit ang aking sworn sister, Eve Pendrazsella, may mahabang buhok na never niya pinagupitan simula ng siya ay isilang. Siguro nang mapansin niyang halos maipikit ko na ang aking mga mata, agad nagpakuha siya ng tubig sa waiter, at pinagmamasdan niya lamang ako habang hinihimas-himas ko ang aking ulo. Sobrang sakit talaga ng ulo ko naparang pinupokpok ng martilyo na hindi ko maiwasan mapangiwi dahil dito. Kung hindi lamang siguro sa malakas na will ko na manatiling gising ay natulog na ako. "I'm fine, thanks for the water."Aniya pagkatapos kunin ang baso sa dumating na waiter saka biglang uminom, at bahagyang tumingin sa nagaalala kong sworn-sister. "How about the meeting? Have you seen your scholar?" Ang "scholar" ay bigyang nickname sa crush ni Eve noong nasa senior high-school pa lamang kami. Inaasahang ko na magkakaroon siya ng reaksyon sa'king binanggit, mula sa paglasalubong ng mga kilay nito at konting paggalaw ng mga labi na kaunti nalang ay kagatin niya ito. Siguradong ang isasagot ng kabila ay hindi naman kaaya-aya. "Ayun, ikakasal na siya sa sikat na actress," bumuntong hininga si Eve, mukhang ayaw paniwalaan ang kanyang mga nairning mula sa ibang mga batch mates. Pero ano bang magagawa niya kung totoo? Wala naman diba. Ikakasal na iyung tao sa iba, ang kanyang unrequited feelings na mayroon pa ay walang saysay kung ipagpaptuloy niya. Hindi din naman siya isang taong gustong manira ng isang marriage, dahil mas gugustuhin niya pa sirain ang isang templo kaysa sa marriage na may dalawang taong nagmamahalan. Ito ang pagkakakilan-lan namin sa isat-isa at masasabing bottom line tungkol sa pag-ibig. Ang malungkot na mga mata ay di nakatakas sa natatanging paningin ko. Kahit medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko. Alam ko parin ang mga nangyayare sa paligid, pati na mga salitang naibigkas ng aking katabi. Kanyang kong ipinatong ang dalawang palad sa mga nakasaradong palad ni Eve. "This meant, the best man for you is still coming. Baka nadapa lang sa kalsada kaya medyo natatagalan, huwag mo na isipin ang high-school crush-crush na iyan, ako nga hindi ko na inisip pa ang nakaraan." "Chos, alam naman natin, na hindi mo talaga iisipin iyun. Ngayon ay may legal husband ka na, hindi lang basta-basta asawa sa tabi-tabi na makikita, kundi nakuha mo ba naman ang natatanging nagmamayari ng Seral Group." Aniya Eve na may bahid ng pagloloko sa tono at inis, marahil alam niya na pinag-alala niya lamang ako na pamilyado na. Ang isa pang dahilan ng matinding sama ng loob ni Eve ay siya lang ang nakakaalam kung paano ba talaga ikinasal ako sa aking asawa ngayon. "Anong nakuha mo dyan? I-raffle natin Ms?" Sabi ko habang kinuha ang baso upang uminom uli bago tumawa ng mahina at bahagyang umiling-iling. Ngunit hindi man lang umabot sa aking mga mata ang ngiti sa aking bibig. Maging ang biro ay parang may bahid ng pagkadismaya sa tono. Sino ba naman ang hindi madidismaya sa isang tulad ko na pinilit kunin at igulong sa mga kumot sa ilalim ng magagaspang na kamay na iyon? Binago ng gabing iyon ang buhay ko. At ito ay hindi magandang alaala para sakin. "Mas malaki pa sa raffle, jackpot ang nakuha mo, dinaig pa ang pagkapanalo sa lotto." "Baka jackpot, jackpot na kapalit naman ang pangarap mo?" Ang mga huling salita ko ay hindi na naitago ang kalungkutan na hindi nakatakas sa obserbasyon ni Eve. Alam niya ang tunay na nararamdaman ko kaya hindi malabong galit na galit si Eve sa kanyang brother-in-law. Subalit wala kaming magagawa, kasal na na ako sa taong sumira sa akinh pangarap na maging isang sikat na actress. "Umuwi na lang tayo. Sa oras na makita tayo ni Zekiel, baka ayakagin nanaman tayo uminom. Hindi maganda yun sayo, baka makita mo pa yung mga bata sa pag uwi mo? Pero diba sabi mo sa Red Garden ang triplets ngayon?" Tanong ni Eve na inalalayan ako sa aking paggalaw dahil nakainom na talaga ako ng marami, nag-aalala siyang bigla akong matumba. Sa pagkakaalam ni Eve ay hindi ako mahilig uminom ng alak, and really not very into it. Napakagaan ko sa mga ito, isa o hanggang tatlong baso lang ng alak ay mabibitawan na ako. Minsan ang isang baso na may mataas na nilalaman na alkohol ay nagpapatulog kaagad sakin. I guess I'm not very good at drinking parties. Kung iisipin maaring medyo na-giguilty si Eve na isinama niya pa ako ngayon sa tingin lang sa mga nakakunot na mga kilay. Subalit ang nadaramang ito ay hindi tumagal ng isang segundo nang marinig niya ang aking isinigaw, "Isn't that your ex-boyfriend!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD