KABANATA 3

1755 Words
KAYA pala laging napapansin ako ng aming mga kamag-anak na parang wala akong namanang itsura sa aking mga magulang. Magkaibang-magkaiba ang mukha namin ng bunso kong kapatid at wala kang pagkakatulad man lang. namana niya ang mga mata ng Papa na may pagka-singkit at pagka-mestisa ng aking mama. Pero wala akong pagkakahawig man lang sa kanila. So, totoo nga ang tukso sa akin ng mga pinsan ko noong bata pa ako, isa akong ampon. Kumpirmado nga na hindi niya kadugo sina Andrea at Hector. Hindi siya totoong Castillo. Matagal na inilihim sa kanya ng mga nakilalang magulang ang katotohanang iyon ukol sa pagkatao niya. Lalong humigpit ang pagkakahawak sa manibela ng kotse ni Hector na minamaneho niya. Nagsama ang protesta at sakit ng damdamin sa dibdib niya. Matapos na hindi sinasadyang masabi ni Hector ang tungkol sa pagiging ampon niya ay hindi na nito nabawi ang pahayag. Ang nakilala niyang ina na si Andrea ay kinastigo niya saka umiiyak ito na inamin ang sinabi ng asawa. Masama ang loob niya sa nakilala at kinamulatang mga magulang. Bakit sa ganitong edad niya nalaman ang lahat? Bakit itinago sa kanya ng mahabang panahon ang tungkol sa totoong pagkatao niya? Sana ay bata pa lang siya ay ipinagtapat sa kanyan ang lahat at siguradong maiintindihan at matatanggap agad niya. Walang pasabi na umalis siya ng kanilang bahay na balot siya ng matinding emosyon. Napapaiyak siya habang sa nagmamaneho sa gitna ng dilim ng gabi. Gusto niyang magpunta sa isang lugar na walang makakaabala sa kanya. Nais niyang mapag-isa muna pero wala siyang maisip na lugar na pupuntahan. Walang particular na direksyon ang daang tinutugpa niya sa patuloy niyang pagmamaneho. Bigla niyang naapakan ang preno ng kotse nang matanaw niya sa labas ng windshield na may tumawid na isang nilalang at tila nasagasaan pa niya ito. Kinakabahan siyang bumaba sa pagkakatigil ng kotse. Mabuti na lang na wala siyang kasunurang sasakyan sa kalsada. Nagpunta siya sa may hood ng sasakyan, sinilip ang ilalim pero wala naman siyang nakita na anuman o sinuman na nasagasaan niya. Nagpasya na siyang sumakay muli ng kotse nang matiyak niya wala talaga siyang nabangga. Nangilabot siya nang makarinig siya ng malakas na alulong ng isang hayop na hindi niya mawari kung aso. May pagmamadaling binuksan niya nang pinto ng driver’s seat pero may parang tumapik sa balikat niya. Hindi sinasadyang napalingon siya sa bandang kaliwa niya saka nanlaki ang mata niya kasabay ang isang malakas na sigaw niya. Isang malaking putting lobo na malaki pa sa tao ang biglang umatake sa kanya. Bumagsak ang katawan niya sa kalsada. Nagdilim na sa kanya ang lahat at hindi na niya namalayan ang sumunod na nangyari. NAGISING si Chandra na na puting silid siya at namalayan niya ang sariling katawan na nakahiga sa kama. Sa pagbaling niya ng tingin sa gilid niya ay nakita niyang nakaupo ang foster mother niyang si Andrea. Kaagad na napansin nito na gising na siya. Nasa hospital siya at may nakakabit na dextrose sa kanya. “Chandra anak ko,” ang mangiyak-ngiyak na sabi nito na bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. “Salamat sa Diyos na nagising ka na. teka, tatawag ako ng nurse para ma-inform ko ang kalagayan mo. May masakit na sa’yo?” Umiling siya pero naroon ang pagtaka sa isip niya. Nakadama siya ng pagkakonsensya sa ginawa niyang pag-alis ng bahay nila nang tinawag siyang anak ni Andrea. “Wala po M-Ma, parang ayos naman ang pakiramdam ko.” Tinanguan lang siya nito saka nagtungo ito sa may intercom para tumawag sa nurse station. May mga tanong sa isipan niya kung paano pa siya naging buhay sa kabila ng lahat. Akala niya ay katapusan na niya. “Papunta na ang doctor dito para masigurado na okay ang kalagayan mo.” Muling naupo si Andrea sa tabi niya. “Ano ba ang nangyari sa’yo hija?” Puno ng katanungan at pagtataka ang isip niya na napatingin lang siya sa mukha ni Andrea. Hindi niya malaman kung sasabihin ba niya dito na may umatake sa kanyang isang malaking asong lobo sa kalsada. Wala naman siyang madama na kahit katiting na sakit sa may dibdib o leeg niya maliban sa bahagyang pagkirot ng ulo niya. “Hindi ko ganap na malaman ang nangyari po sa akin Mama,basta may umatake na lang sa akin sa kalsada na naging dahilan para bumagsak ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.” “Ayon sa nakakita sa’yo at tumawag sa amin ay natagpuan kang nakabulagta sa kalsada na katabi lang ng kotse ng Papa mo at nabagok ang ulo mo. Anyway, ang mahalaga ay ligtas ka na.” hinaplos nito ang mukha niya. “I’m sorry Ma.” Napapaluhang sabi niya. Hindi niya mapigilang ma-guilty dahil pinag-alala niya ang mga nakilalang mga magulang. Nahihiya siya sa ginawang pag-alis at nalimutan niya ang pagtanaw ng utang na loob sa mga ito. “Don’t be Chandra, kami ni Hector ang dapat humingi sa’yo ng paumanhin dahil hindi agad namin sinabi sa’yo ang totoong mong pagkatao.” Pinahid ni Andrea ang luhang dumaloy sa mukha nito. “Lagi mong tandaan na mananatiling totooong anak ang tingin ko sa’yo at hindi magbabago iyon.” Ibinangon niya ang sariling katawan saka niyakap ang Mama niya. Nagkaiyakan pa silang dalawa. Masuyong hinagod ng kamay nito ang likod niya. Nagkalas sila sa pagkakayakap nang pumasok na sa silid ang doctor. “Huwag kayong mag-alala Mrs. Castillo, base dito sa result ng CT Scan ng anak ninyo ay wala naman akong nakitang damage. Wala ring hemorrhage at mabuti na hindi grabe ang pagkakabagok ng ulo niya. Pwede na siyang makalabas bukas at kailangan na lang niyang magpahinga ng sapat for her full recovery.” Lubos na nagpasalamat si Andrea sa doctor na tumingin sa kanya. Habang siya ay pilit na nililiwanag ang isip sa totoong nangyari sa kanya. Totoo ba ang malaking asong lobo na umatake sa kanya o guni-guni lang kaya niya iyon? TATLONG LINGGO ANG NAKAKALIPAS. Bumaba si Chandra sa sinakyang tricycle sa harap ng isang tarangkahan. Kaagad siyang lumapit sa pader na nangingitim na saka nilulumot na para tingnan doon ang numero ng bahay na pakay niya doon. Dapit-hapon ng mga sandaling iyon. 62 Calle Rosario, Poblana Uno, Nueva Arga. Hindi niya akalain na ang bayang iyon na nasa Katimugang Luzon at hindi niya sinasadyang masaliksik sa internet ay pinuntahan niya mismo. Iyon kasi ang address ang nakasulat sa isang lumang litrato ng bahay na binigay sa kanya ni Andrea. Ang litratong nakasingit sa damit niya noong sanggol pa siya matapos siyang ihabilin ng totoong ina niya sa mag-asawang Castillo sa bus na sinakyan ng mga ito pabalik ng Maynila noong taong 1998. Ayon kay Hector, tumigil ang bus na sinakyan ng mga ito sa terminal sa kanugnong na bayan ng Nueva Arga. Noong mga panahong iyon ay galing sa nasabing bayan ang nakilala niyang mga magulang. Nagpaalam na magtutungo lang sa CR ang ina niya pero hindi na nakabalik pa ng bus. Pinaalis rin agad ang lahat ng mga bus dahil sa papalusob na rebelde doon at nagbantang magpapasabog ng bomba sa terminal. Kaya napahiwalay siya sa totoong magulang niya. Si Hector mismo ang nagpasyang ampunin siya dahil desperado itong magkaroon ng anak. Hindi kasi magka-anak ang dalawa noon kaya nag-abala pa ito na hanapin ang totoong magulang niya. Humingi ng paumahin ang Papa niya dahil akala nito ay mananatiling lihim ang nangyari sa nasabing taon. Buhat sa gate ay nasilip niya ang isang lumang bahay Kastila na tinatawag na bahay-bato na nakatayo sa gitna ng malawak na lupa. ito na nga ang Casa Villalobos. Ang bahay na katulad na katulad ng nasa hawak niyang litrato. May kung kakaibang pagtibok ang puso niya. Sana nga ay andito ang totoong pamilya niya. Ang pakay niya sa pagpunta sa bayan ng Nueva Arga para sa ikakabuo ng pagkatao niya. Pinayagan siya nina Hector at Andrea na magtungo sa nasabing bayan nang ganap na siyang gumaling. “Tao po! Tao po!” pagtawag niya pero walang tumugon buhat sa loob ng tarangkahan. Wala rin siyang makitang door bell man lang. Napansin niya na bukas ang gate kung kaya kusang pumasok na siya sa loob. Marahan siyang naglakad sa malawak na bakuran habang palapit na siya sa lumang bahay bato na tinatawag na Casa Villalobos. Ang bahay na ang dingding ay gawa sa pinagpatong-patong na mga bato at idinikit ng semento ang pang-ibabang palapag nito saka gawa din sa kahoy ang mga haligi, sahig at dingding ng pang-itaas na palapag samantalang yari sa tisa ang bubong. Pamilyar siya sa ganoong klaseng bahay dahil napag-aralan na niya ito sa isang Heritage Conservation Seminar na dinaluhan niya noong nakaraang taon. Pangarap kong magkaroon ng ganitong bahay at mukhang magkakaroon ng katuparan kung sakaling dito sa bahay bato na ito nakatira ang aking totoong pamilya. May kakaibang naramdaman siya ngayong nasa ibaba na siya ng ancestral house. Tumigil siya sa harap ng tarangkahan ng bahay na may matigas at de-abaniko na mga pinto na nasasahigan ng batong silyar. Naglakad siya sa malinis at maluwang na pasilyo saka muling napatigil nang nakatayo na siya unang baitang ng malaking hagdan na hugis siko na alam niyang patungo sa pang-itaas na palapag ng bahay. “Tao po! Magandang Araw ho! Tao po!” muling pagtawag niya pero wala pa ring tumugon. Wala rin siyang maramdamang may tao sa loob ng naturang bahay. Biglang may nabuksang liwanag sa itaas na palapag ng bahay. Naramdaman na lang niya na kusang humakbang ang paa niya sa malaking hagdan patungo doon. “T-Teka anong nangyayari?” nahintakutang sabi niya na hindi niya kayang kontrolin ang kakaibang pwersang bumalot sa buong katawan niya. Patuloy siya sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa nakarating siya sa maliit na sala na nasa pinakadulo ng hagdan. Namatay muli ang sindi ng ilaw doon saka sumalubong sa kanya ang kadiliman. Mga ilang saglit ay nabuhay muli ang ilaw na nagbigay liwanag sa buong kabahayan. Lumabas ang isang babae na nasa kalagitnaan ang edad na kayganda sa suot na bulaklaking bestida. “Ano bang ginagawa mo dito sa caida?” tanong nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang maliit na salas na kinatatayuan niya. “Pumasok ka na dito sa salas Artemia dahil kanina pa naghihintay sa iyo ang iyong ama.” Artemia!? Patanong na sambit niya sa naturang pangalan sa isip niya. Paano nangyari na ganoon na ang pangalan niya. Lalo pa siyang namangha nang mapagtanto na ang suot niyang damit ay isa na ring bestida. Bakit parang napunta yata siya sa ibang panahon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD