KABANATA 2

1320 Words
MALUNGKOT na pinagmamasdan ni Chandra ang bawat sulok ng loob ng Museo de Alegria na pinagtrabahuhan niya nang mahigit dalawang taon. Sa pagsasara ng nasabing museo ay parang kalahati ng buhay niya ang nawala sa dalawampu’t tatlong pamumuhay niya sa mundo. Katulad ng mga glass case na dating may artifact ay may naiwang kalungkutan sa kawalan ng laman. Dati-rati ang lahat ng glass case ay may lamang artipak na may kinalaman sa mga sinaunang buhay at kasaysayan ng distrito ng Alegria na kanyang tinitirhan sa siyudad. Pananabikan niya ang pag-guide sa pagbibigay paliwanang niya sa mga bisitang ng museo. Naroon din ang pananaway niya minsan sa ilang pasaway na kabataang bisita na hinawakan ang ibang maseselang artipak. Pinagbabawalan din niyang mag-ingay ang mga ito at pati na rin ang pagkuha ng picture ng artipak gamit ang may flash na camera. Masasabik din siyang gawin ang pagsalubong sa mga bisita ng museo para i-tour ang mga ito lalo ng kung isang grupo ang mga ito. Ang masaya at makabuluhang pakikipagkwentuha sa ibang heritage group na bumibisita rin doon. Sa ngayon ang mga naging trabaho niyang iyon bilang curator ay as alaala na lang niya mababalikan. Masakit man para sa kanya na lisanin ang museo pero wala siyang magagawa pa. “Ano, Chandra, nakapagligpit ka na ba ng mga gamit mo dito?” tanong ng kapwa-curator niya na si Karlo. Sadya siyang nilapitan nito habang may dala-dala itong maliit na kahon. Malungkot siya bumaling dito. “Ang bigat sa pakiramdam Karlo, hindi ko akalain na magsasara na itong museo.” “Wala tayo magagawa,” may himig-kalungkutang saad ni Karlo. “Kung sana may interest sa sinaunang bagay at kasaysayan ang anak ni Ma’am Gina ay siguradong magpapatuloy pa rin ang museo. Kaso wala eh.” Iniwan din agad siya ng kasamahan dahil may gagawin pa ito. Nagbalik siya sa table niya para ayusin ang ibang file ng museo. Gusto niya na sa pag-alis niya ay maayos ang lahat para walang maging problema kung sakali man. Sa kanyang pagbuklat ng isang dokumento ay hindi niya napigilang manlumo sa kalungkutan nang mabasa ang pangalan ng amo niya. Si Gina Carreon ay may-ari at nagtatag ng Museo de Alegria sa isang distrito ng Maynila. Ito rin ang tumatayong director ng museo. Mahusay ang pamamalakad nito kung saan makikita ang pagmamahal at pasyon nito sa trabaho. Naging katulong siya ng yumaong amo na paghahanap ng mga donor ng mga artipak para sa museo. Gusto nito na maraming maipapakita sa mga bisita at turistang nagpupunta. Malaki rin ang pasasalamat niya sa ginang dahil tinanggap siya nito. Kung tutuusin ay hindi naman siya qualified mag-work sa museo dahil hindi siya History graduate at hindi rin related ang kursong natapos niya sa kolehiyo. Business Administration ang natapos niya dahil sa kagustuhan ng ama niyang si Hector Castillo. Nagkataon lang na may malaki siyang interest sa kasaysayan at maging sa mga klasikong bagay. Mahilig siyang magbasa at mag-research sa mga nangyari sa nakalipas at mga nostalgic article. Nang malaman niya na magbubukas ang Museo de Alegria dalawang taon ang nakalipas ay kaagad siyang nag-apply. Kaga-graduate lang niya ng college noon. Noong una ay aalinlangan si Mrs. Carreon na tanggapin siya bilang curator sa museo nito pero sa tulong ng ina niyang si Andrea ay tinanggap siya nito, magkumare pala ang dalawa. Aminado siya sa sarili na nadaan sa palakasan ang pagkakatanggap niya sa trabaho na sinuklian niya ng magandang performance para deserving siya na maging curator. Noong una ay tutol ang ama niya sa pagtatrabaho niya sa museo dahil ang nais nito ay magtrabaho siya sa kompanya ng kanilang pamilya. Dadalawa kasi silang magkapatid at siya ang panganay. Ang bunso niyang kapatid na si Nelly ay senior high school pa sa pag-aaral. Sa bandang huli ay walang nagawa ang ama niya dahil ipinaglaban din siya ng ina niya dito sa pagtatrabaho niya sa museo. Hinayaan din siya nitong mag-explore ng opurtunidad sa buhay niya. Para lalo siyang mahasa sa trabaho niya ay pinadalo siya ni Mrs. Carreon sa iba’t ibang seminar at workshop na may kinalaman sa museo, heritage, history at archeology. Iyon ang naging dahilan para lumawak pa ang kaalaman niya sa trabahong nakaatang sa kanya sa Museo de Alegria. Bukod dito sa museo ay mami-miss rin po kita Ma’am Gina. Hindi ko malilimutan ang pagtuturo mo po sa akin na maging hands on pagdating sa trabaho. May pagka-istrikto ka man po pero napakabuti ninyong boss sa amin. Minsan pa niyang nagunita ang namayapang director at boss niya dito sa museo. Isang buwan ang nakaraan ay naging masasakitin na si Mrs. Carreon. May mga araw na hindi na ito makapasok sa trabaho dahil masama ang pakiramdam. Hanggang sa na-detect na mayroon itong stage 4 pancreatic cancer. Sa matagal na pagka-confine nito sa hospital ay doon nagsimulang tumamlay ang opersyon ng Museo de Alegria. Patuloy na nabawasan ang mga artipak sa museo dahil marami sa mga ito ay natapos na ang contract of donation. Hindi na nagrenew ang mga donor. Bumaba na rin ang bilang ng mga bumibisita sa museo. Isang malaking dagok pa ang pagkakasakit ng director ng museo. “Nakakalungkot man pero nakatakda nang magtaposa ang oras natin dito sa museo.” Sabi ni Karl na lumapit sa table niya. “Hanap na lang tayo ulit ng ibang opportunity sa labas.” Tumingala siya dito. “Sana related pa rin sa museo o heritage conservation ang makuha kong trabaho.” “Sana nga, andito kasi ang hilig natin eh.” Ang may kalungkutang tugon ni Karl. Sana nga ay makiayon pa rin sa kanila ang pagkakataon. KINAGABIHAN. Tahimik at nakikiramdam si Chandra habang kumakain siya ng hapunan. Kasalo niya ang buong pamilya niya sa malapad na dining table sa komedor ng bahay. Sa sulok ng mga mata niya ay palihim niyang minamasdan ang ama niyang si Hector na katabi lang ng kinauupuan ng ina niyang si Andrea. Sa pagitan ng pagsubo niya ng pagkain ay nag-iisip siya kung paano sasabihin sa mga magulang niya na wala na siyang trabaho. Hindi pa siya nakakapag-open sa mga ito kaninang pagdating niya ng bahay. “S’ya nga pala Chandra,” baling sa kanya ng ama niyang si Hector na saglit sa tumigil sa pagsubo ng pagkain. “Nabalitaan ko na nagsara ang pinagtatrabahuhan mong museo. Nabanggit sa akin ng Mama mo ang pagkamatay ni Mareng Gina.” Napatango siya na binitiwan ang hawak ng kubyertos. “Opo Pa, ang totoo nga po n’yan ay wala na akong trabaho. Pero huwag po kayong mag-alala dahil nakapagpasa na po ako ng application sa ibang museo.” Inunahan na niya ang ama sa kasunod na desisyon niyang gagawin. Alam na kasi niya kung saan patungo ang magiging usapan nila. “Anak naman, hanggang ngayon ba ay museo pa rin ang nasa isip mo?” diskumpyadong tinitigan siya ni Hector. “Hindi ba pwedeng tumulong ka naman sa pagpapatakbo ng business natin? Ano ba mapapala mo sa mga sinaunang bagay na ‘yan? Pinaglipasan na sila ng panahon at ang mahalaga ay ngayon. Dahil ngayon tayo nabubuhay at kailangang pagtrabahuhan natin.” “Pa, alam naman po ninyo na wala akong hilig sa negosyo pero bakit ipinipilit pa rin ninyo sa akin? Sinunod ko naman kayo pero bakit hindi ninyo ako hayaang magdesisyon para sa sarili ko.” Nasa tinig niya ang pagtitimpi. Iniiwasan niya na mapagtaasan ito ng tinig. “Hector, mamaya na kayo mag-usap ng anak mo.” Saway dito ni Andrea. “Nasa harap kayo ng pagkain at igalang n’yo naman.” Puno ng matinding pagka-disgusto ang mukha ni Hector na naningkit na ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. “Kung alam ko lang na wala kang maitutulong sa negosyo ng pamilya ay sana hindi ka na lang namin inampon.” Inampon… tila bombang sumabog sa harap niya ang nasabing kataga ibinulalas ng ama. Nagimbal siya sa narinig na iyon. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng malaking kakulangan ang pagkatao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD