bc

AKUSASYON

book_age18+
217
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
small town
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Punong-puno ng pangarap ang magkasintahan na sina Jennifer at Ivan.

Ang isa na nga dito ay ang bumuo ng isang masaya at kompeto na pamilya. Paano kung sa isang iglap ang lahat ng ito ay gumuho? Paano nila haharapin na magkasama ang isang maling AKUSASYON?

chap-preview
Free preview
A1
Maaga akong naghanda para sa aking pagpasok mamaya sa unibersidad dito sa aming bayan. Isa akong second year college student sa kursong Information Technology. Mahirap man ang buhay namin ay pinipilit nila na makapagtapos kaming tatlong magkakapatid sa pag-aaral. Ako ang panganay sa aming tatlo. Bumangon na ako upang gisingin na ang mga kapatid ko at makapaghanda na kami sa pagpasok namin sa paaralan. Una kong pinuntahan ang kuwarto ni Trish, ang pangalawang kapatid ko na babae. Pagdating ko sa kuwarto niya ay gising na pala siya at nakaligo na rin. "Ang aga mo yatang nagising? Hindi ka ba napuyat sa mga textmates mo?" pangangantiyaw ko pa sa kaniya na siya namang dahil ng pag-irap niya sa akin. "Wala ka kasing load, kaya wala kang ka-textmate!" pang-aasar niya sa akin pabalik. Mahilig kasi ang kapatid kong makipag-text samantalang ako, tamad na tamad pumindot sa cellphone ko. Sabay na kaming lumabas ng kuwarto niya upang magtungo sa kusina at naabutan nga namin na handa na ang almusal namin. Gising na rin ang bunso kong kapatid. Sabay-sabay na kaming dumulog sa mesa upang pagsaluhan ang simpleng almusal sa hapag-kainan. Matapos ang almusal ay kaniya-kaniya na kaming tatlo sa paggayak. Lumapit bigla sa akin si Trish upang maki-text dahil nawalan daw siya ng load. "Ate, pa-text ako," aniya. Mabilis ko namang inabot sa kaniya ang cellphone ko para magamit niya ito. Matapos ang ilang sandali ay umalis na rin kami ng bahay. Katulad ng araw-araw na buhay estudyante-papasok at uuwi, ganiyan ang routine ko. Hindi kasi ako mahilig gumala at mas gusto ko na nasa bahay lang palagi. Nang matapos na ang klase ko ay umuwi na rin ako agad at naabutan ko na rin ang mga kapatid ko sa bahay. Pumasok ako sa kuwarto upang magbihis at tumulong kay Nanay magluto ng panghapunan, samantalang abala ang mga kapatid ko sa paggawa ng mga assignments nila. "Kamusta ang pag-aaral mo?" tanong ni Nanay. "Okay naman po, Nay. Bakit po?" Umiling-iling naman si Nanay kaya nagkibit balikat na lang ako sa kanya. Matapos ang masaganang hapunan ay ako na rin ang naghugas ng mga plato. Nang matapos ako sa paghuhugas, nag-igib naman ako ng tubig upang ipanglinis ng katawan. Handa na akong matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko— isang text galing sa isang unregistered number. Kunot-noo ko pa itong tiningnan bago ko binasa ang text niya. 'Hi, Trish.' Mensahe mula sa unregistered number. Bigla kong naalala na naki-text nga pala ang kapatid ko sa akin, kaya naman mabilis akong nag-reply sa kaniya. 'Hindi ako si Trish. Ate niya ako.' Tugon ko sa kaniya. Mabilis kong pinadala ang mensahe ko at muli kong ibinalik ang cellphone ko sa may ulunan. Ilang saglit muli na naman itong tumunog. 'Oh, akala ko walang kapatid si Trish.' Galing muli sa unregistered number kanina. Muli akong nag-reply sa text niya. Ewan ko ba! Tila may nag-udyok sa akin na tumugon. 'Ngayon alam mo na.' Ilang sandali lang ay naging tuloy-tuloy na ang aming pag-uusap. 'Babae ka ba o lalaki?' tanong niya. 'Babae,' tugon ko. 'Ako nga pala si Ivan. Ikaw anong pangalan mo?' 'Jennifer.' At hindi ko alam dahil lang sa isang maling text ay makilala ko si Ivan. Halos araw-araw na kaming magkausap at magka-text simula noon. At sa tuwing nakaka-text ko si Ivan, pakiramdam ko kinikilig ako. Gustong gusto ko na ka-text siya. Parang hindi kami nauubusan ng topic sa araw-araw, parang ang gaan lang ng lahat. Hanggang sa magparamdam na nga siya na may pagtingin na siya sa akin, kaya nga sa tuwing sisilipin ko ang aking cellphone ay palagi akong excited. At hindi rin naging hadlang ang apat na taon na pagitan ng mga edad namin. Dagdag pa ang likas na pagiging magalang si Ivan, kahit pa hindi pa kami nagkikita. Hindi siya naging bastos o kahit ano pa. Matured siya mag-isip at madaling makagaanan ng loob. Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, isang text galing kay Ivan. 'Jennifer, hmmm...May nobyo ka na ba? Puwede ba akong mag-apply?' Dahil sa simpleng tanong niya ay bigla na lang akong nagpagulong-gulong sa kama. Nabitawan ko pa tuloy ang cellphone ko! Muli kong dinampot ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para sa kaniya. 'Ha? Anong aapplyan mo? At anong posisyon naman, aber?' Pilit ko pang tinatago ang ngiti sa aming labi. 'Jen, posisyon sana... Posisyon diyan sa puso mo.' Napatili pa ako sa labis na kilig dahil sa banat niya. Ang korni niya pero bakit kinikilig ako? Ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko. Nayakap ko pa ang unan sa tabi ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ganito ba talaga ang in love? Parang may kumikiliti sa tiyan mo? Nagtanong pa talaga ako? Hays pag-ibig na nga yata ito! Lumipas ang mga araw ng pagiging mag-textmates namin ni Ivan at nagdesisyon na kaming magkita. Sobrang kabado talaga ako ngayon. Ngayon araw kasi ang itinakda naming petsa ng pagkikita naming dalawa. Ang dami kong tanong sa sarili ko tulad ng... Paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung niloloko niya lang pala ako? Hays pakiramdam ko talaga maiihi na ako. "Jennifer, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala riyan," puna ng kaibigan ko sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling-iling. Habang naglalakad ako palabas ng unibersidad ay pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. "Jennifer, si Ivan na yata 'yon oh..." usal ng kaibigan ko at may itinuro pa. Halos lumundag na ang puso ko dahil sa kaba sa sobra-sobrang kaba. "Ha? S-saan?" kimi kong tanong sa kaniya. "Ayieee! Ivan!" pang aasar niya pa sa akin.. Tinawanan ko na lang siya sabay iling pagkatapos ay nagpatuloy kami sa paglalakad. Mas lalo akong nahiya lalo na nang iwan na ako ng kaibigan ko dahil may pupuntahan pa raw siya. Huminga ako nang malalim nang matanaw ko ang lalaking naghihintay sa labas ng gate at mukhang si Ivan na nga ito base sa sinabi niyang deskripsyon sa akin na kulay ng suot niyang damit. Nang mapansin niya ako ay naglakad siya palapit sa akin. "H-hi, Jennifer. Ako nga pala si I-ivan," pagpapakilala niya. Pansin ko sa mga kilos niya na nahihiya rin siya. "H-hello... I-ivan," nauutal ko namang tugon sa kaniya. Sabay pa kaming natawa dahil sa hiya na nararamdaman at ikinikilos namin ngayon. Ganito pala ang pakiramdam kapag mmnakita mo ang taong nagbibigay sa iyo ng saya at ngiti. Para akong nasa ulap at tila dinuduyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook