REBECCA Masayang naglalaro si Patrick sa swimming pool kasama ang yaya nito. Napapangiti ako sa tuwing humahagikgik sa tawa ang aming anak, ngunit hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang mga nangyari sa kung paano kami tratuhin ni Lola. Akala ko totoo na ang lahat ng pinakita niyang pagtanggap sa akin. Masakit din ang biglaang pagbabago ni Emily; ang dating malambing at palangiting bata, ngayon ay tila nabalot ng galit ang kanyang puso. "Babe, sa susunod na araw, pupunta ako ng Singapore para sa business meeting," sabi ni Freen. "Pinakiusapan ako ni Lola na ako muna ang aattend dahil masama daw ang pakiramdam niya ngayon." Naghihintay siya ng aking sagot. Ngunit nanatili akong tahimik, dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakatingin ako sa aming anak mula sa veranda ng aming

