REBECCA Ngayon ang uwi ni Freen, kaya naman mas maaga pa sa oras ng arrival niya, narito na kami sa airport. "Mommy, ngayon ba talaga uuwi si Mommy Freen? Isang oras na natin dito, pero wala pa din siya," tila nababagot na tanong ni Patrick habang naghihintay kami sa waiting area ng airport. "Mommy Freen!!!" agad nagawi ang aking tingin sa kinakawayan nito, at si Freen nga, nakahawak si Emily sa kanya at nakayakap naman si Olivia sa kanyang baywang. "Babe... andito kami..." sabik kong sigaw. Tila hindi niya kami naririnig. Nakita ko ang paghinto nito, akmang lilingon sana ng tawagin siya ni Lola at itinuro ang isang itim na van. Napalunok ako dahil sa nanuyo kong lalamunan. Nalilito ako sa natunghayan na tila walang inaasahan si Freen na susundo sa kanya, gayong nag-usap kami noon bag

