REBECCA "Na-thaniel?" natatakot kong saad, at napaatras ako. Ngumiti ito at tumango. Naglakad ito papunta sa nagasgas na parte ng kanyang kotse at hinawakan ito. Nagkaroon ako ng oras na pasadahan ang kabuuan nito. Ang laki na ang pinagbago niya mula sa adik-adik nitong itsura noon. Payat at tila ilang buwan na hindi naliligo, ngayon ay may matipuno at maayos na pangangatawan. Amoy ko din ang samyo ng masculine perfume nito nang dumaan siya sa aking harapan. Maayos at desente ang gupit nito; ang linis na niyang tingnan. "Okay lang 'to, ipapaayos ko na lang," nakangiting saad nito, at tumambad ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. "Pasensya ka na talaga, hindi ko sinasadya," kabado kong saad. "Ayos lang, ano ka ba? Atsaka kulang pa 'yan sa mga ginawa ko sayo noon," biglang lumun

