FREEN Hindi ko alam, pero parang narecharge ako ng makita ko si Becca. Hindi ko ma-imagine na ang dating ganda niya ay dumoble pa sa ganda niya ngayon. Nagkaroon na ako ng gana sa buhay; nakakain at naayos ko ang aking sarili. "Hindi ka nanaman na umuwi ng mansion kagabi, Freen. Mag-asawa tayo, pero bakit ayaw mong umuwi sa akin!" Naiinis na saad ni Olivia mula sa voice message na sinend nito. "Saan papel lang tayo mag-asawa, Olivia, pero ang puso ko, hindi ikaw ang gustong makasama. Ginusto mo ito, diba? Magdusa tayong dalawa," reply ko. Mabilis kong dinampot ang coat at laptop ko na nakapatong sa upuan. Hinagis ko ang cellphone ko sa sofa dahil may personal phone ako na hindi niya alam ang numero. May meeting ako sa Bonclo para sa marketing strategy na gagawin namin. Kaya ayaw kong

