FREEN "Tita, asan po siya?" agad akong tumayo ng makita kong pababa na si Tita galing sa kwarto ni Becca. "Puntahan mo na lang siya, iha; mukhang ayaw ka niyang makausap," naiiling nitong sagot. Wala na aking sinayang na oras, at umakyat ako sa taas kung saan naroon ang kwarto niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago kumatok, pero hindi siya umiimik. Kaya pinihit ko na lang ang doorknob at tuluyang pumasok; nilock ko din ito para hindi siya agad makalabas, just in case na tatakasan nanaman ako. Hindi ko na kayang ganito na lang kami palagi. Lumapit ako sa kama kung saan nakadapa ito at nakadagan ang unan sa kanyang ulo. "Hinintay kita na bumalik sa bahay, dahil sinabi mong babalikan mo ako," panimula ko; gumalaw ito, tanda na narinig niya ang aking sinabi. "Pero hindi ka dumat

