REBECCA "Kaya mo pa ba?" tanong ni Nop, ng hindi na mahinto ang aking pag-iyak, ng makita niya ako sa aking opisina na umiiyak. "Kina... kaya na lang dahil mahal ko siya. Bakit ngayon pa siya sumuko? Bakit tumigil siyang ilaban ang pagmamahal niya sa amin?" hinagpis ko. "Naalala ko noong nagkaroon siya ng sudden memory loss, baka kasi ganon ulit, kaya hindi niya ako kinakausap," pagpapaniwala ko sa aking sarili. "Kilala ka niya, Bec. Baka sadyang pagod na din siya sa magulo niyang buhay, kaya sumunod na lang sa gusto ng lola niya. Ayusin mo na din ang sarili mo... mag-focus ka na lang kay Patrick at sa negosyo nyo," mahinahon nitong saad, habang hinahaplos ang aking likod. Hindi matanggap ng aking sistema, pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung iyon nga talaga ang totoo? Ang bilis la

