REBECCA "Mommy, family day po Friday, pero hindi pa umuuwi si Mommy Freen," malungkot ang mukha nitong lumapit sa akin. Napahinto ako sa pagbabasa ng magazine dito sa sala. Maaga akong umuwi dahil sa stress ko sa kumpanya, dagdag pa ang mga nangyaring pagkikita nanaman namin ni Freen. Napangiti ako ng mapait kay Patrick at hinaplos ang buhok nito. "Huwag kang mag-alala, anak. Pupuntahan ko siya bukas, baka sakaling hindi na siya busy," nakangiti kong saad, kahit sa loob-loob ko ay imposible na mapapunta ko siya. "Talaga, Mommy, darating siya?" Nabuhayan ang loob nito at lumundag pa sa tuwa. Sumikip ang aking dibdib dahil sa nakikitang saya sa mata ng aking anak, alam kong mapapalitan ito ng lungkot. "Anak, hindi ko iyon mapapangako, pero gagawin ko ang lahat para kausapin si Mommy Free

