"ANO bang nasa isip mo, Tali? Bakit hinayaan mong mangyari iyon?" sermon ni Tallulah sa sarili, saka nagpagulong-gulong sa kama niya. Hindi maipinta ang mukha niya sa labis na inis dahil naging marupok siya sa mga tingin ni Gael sa kaniya. Kapagkuwa'y napatitig siya sa kisame. Hindi niya namalayang dahan-dahan niyang sinapo ang mga labi niya kasunod nang pagbalik sa isip niya kung paano siya tiningnan ni Gael, kung paano lumapat ang mga labi nito sa kaniya at kung paano ito nagbago sa harap niya na noon ay hinahanap niya sa binata. "Tali, nang sinabi kong gusto kong subukang magpatawad, I really meant it. Gusto kong subukan." Nang muli siyang natauhan, mabilis siyang umiling at pumikit ng mariin. Dumapa siya at sinubsob sa unan nag mukha at paimpit na tumili. Mababaliw na ata siya. Hind

