NANB 43: Gulo

1343 Words

NAG-AALALANG nilapitan ni Tallulah si Kendric habang pilit itong pinipigilan ng guard. Halos matumba na ito dala ng kalasingan. Kita niya sa mukha nito ang lungkot at selos na nararamdaman ng binata dahil sa takot nito habang kasama niya si Gael. "Kendric, tama na," malungkot niyang sabi at nilapitan ito. Binitawan ito ng guard at dinaluhan niya si Kendric. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nababahala niyang tanong. Namumungay ang mga matang tiningnan siya ni Kendric. Bakas doon ang pananabik na makita siya. Marahan nitong hinawakan ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Talu, please, sumama ka na sa akin. Uuwi na tayo," pakiusap nito. Umiwas siya rito ng tingin. Alam niyang nandoon si Gael na nakikinig. "Kendric, I'm sorry! Hindi ko gustong saktan ka, hindi ko gustong maging ganito ka. Please, ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD