"HOW WAS the investigation, Hiro?" tanong ni Gael sa lalaki habang nasa study room siya ng silid niya. "We expect the result by tomorrow, Sir Gael," sagot ni Hiro. "Good! We need to prepare for the board meeting next week para tayo ang panigan nila. I'm ready to get what supposed to be mine at ibabalik ko si Serum sa kung saan lang siya dapat," puno ng determinasyong aniya. Ngumisi pa siya dahil wala nang kawala ang lalaking iyon sa lahat ng katiwalian nito sa kompanya. Kapagkuwa'y nabahala ang mukha ni Hiro. "Pero, sir mayroon pa tayong problema dahil nang i-track ng investigator ang lahat ng transaction ng kompanya, totoong napunta lahat ng perang lumabas sa lahat ng proyektong nagawa ni Serum. Ang kailangan nating makompirma ay ang malaking halagang pumasok sa account niya," pag-amin

