"MAMA!" puno ng pananabik at sayang salubong ni Callum kay Tallulah nang makapasok siya sa bahay Pasado-alas otso na ng gabi pero hinintay pa rin siya nito dahil alam nitong uuwi na siya. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap na puno ng pagkasabik at pagmamahal. "I miss you so much, 'nak!" Pumikit siya para damhin ang yakap ng anak. "Kumusta ka na? Hindi ka ba nagpasaway sa Lolo at Lola mo?" tanong niya matapos itong yakapin. Magiliw itong tumango. "Mabait naman po ako sadya kay Lolo at Lola, eh," confident nitong tugon. Natawa siya. Marahan niyang ginulo ang buhok nito. "Very good naman ang Callum ko, mukhang binata na talaga," pagbibiro niya. Ngumuso ito. "Bata pa ako, 'Ma kaya nga po gusto ko pang maglaro, eh," katuwiran nito. "Saka ayaw ko pa po, 'Ma maging binata kasi naririnig

