NANB 36: Proposal

2021 Words

"SI GAEL, alam kong si Gael ang lalaking inaalagan mo sa mansyong iyon." Natigilan si Tallulah sa narinig mula kay Kendric. Paano nito nalaman ang tungkol doon? Napaawang ang bibig niya. Bumigat ang dibdib niya dahil sa katotohanang nagsinungalin siya kay Kendric. Niloku niya ito at hindi naging tapat at hindi niya iyon itatanggi sa binata. "Paano—" Kinuha nito ang cellphone sa bulsa nito at may pinakita sa kaniya. "I saw his picture," anito. Nagulat siya nang makita ang larawan kuha sa sala ng mansyon. Nakalimutan niyang may mga larawan nga pala si Gael doon. "Hinintay kong sabihin mo sa akin ang tungkol sa trabaho mo, Talu. Naghintay ako kasi may tiwala ako sa iyo p-pero...pero pilit mong itinago sa akin ang katotohanan at hindi ko maiwasang hindi mag-isip," puno ng hinanakit at sakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD