NANB 48: Unexpected

1238 Words

"ARE you ok, Tali?" Naramdaman niya ang paghawak ni Caroline sa balikat niya habang nakatayo siya sa tapat ng bintana at pinagmamasdaan ang madilim na paligid. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at bahagyang yumuko. Hanggang ngayon apektado pa rin siya sa lahat ng sinabi ni Gael sa kaniya, sa pangmamaliit nito sa kaniya at pagtapak sa pagkatao niya. Naiinis pa siya sa binata dahil nagpapanggap itong mabait sa kaniya at naguguluhan siya sa pinakikita nito. Hinarap niya ang kaniyang ina at ngumiti na may pagpapanggap. "O-ok lang ako, Mom," aniya. "Naisip ko lang kung umalis na kaya ako sa trabaho ko?" Kumunot ang noo ni Caroline. "Bakit naman, 'nak? Napapagod ka ba? May ginawa bang masama sa iyo si Gael? Did he hurt you?" sunod-sunod na tanong nito na bakas ang pag-aalala roon. B

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD