BUMUNTONGHININGA si Gael habang nakatayo siya sa terrace ng mansyon at nakatingin sa malawak na kapaligiran. Hindi niya maintindihan ang sarili pero hanggang ngayon, iniisip pa rin niya si Tallulah at ang sinabi nito sa kaniya nang nagdaang araw. Paano kung mapagod ito at iwanan siya? Hindi niya alam pero may takot na lumitaw sa kaniya o baka marahil dahil hindi na siya makakaganti sa dalaga kapag umalis ito. Pinilig niya ang kaniyang ulo. "Stop thinking her, Gael. Remember what she did to you?" pagpapakalma niya sa sarili dahil baka nakalimutan na niya ang ginawa nito sa kaniya. Ito ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya. Kumapit siya sa bakal na nasa harap niya at suminghap. Natigilan na naman siya nang bumalik sa isip niya ang hitsura ni Tallulah habang umiiyak ito sa harap niya

