"HANGGANG kailan ka magtitiis, Tali?" Napapitlag siya nang marinig ang boses na iyon. Mabilis niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata at hinarap si Serum. Hindi kasi siya makatulog kaya nagpasiya siyang tumambay muna sa terrace ng mansyon para kalmahin ang sarili. Masyado na yata niyang mina-murder ang sarili niya sa pagtitiis at paniniwalang kasalanan niya ang lahat ng nangyari kay Gael. Pilit siyang ngumiti at umiwas din ng tingin sa binata. "I-ikaw pala, Serum, bakit gising ka pa?" aniya para ibahin ang usapan. "Hindi ako makatulog so I decided to go up here," pakli nito. Lumapit ito sa tabi niya at humarap sa malawak na kalangitan. "Bakit tinitiis mo ang pagpapahirap sa iyo ni Gael, Tali? Alam kong may dahilan ka at paulit-ulit na rin ang tanong ko but I really wanna know why y

