"NO, Tali! Hindi ka dapat maapektuhan sa sinasabi ni Kuya Gael dahil nandito ka para pagbayaran ang kasalanan mo at hindi para ibalik ang nararamdaman mo noon," paalala ni Tallulah sa kaniyang sarili habang nakasandal sa likod ng pinto ng silid ni Gael. Pumikit siya ng mariin at napalunok. Ano ba kasing pinagsasabi ni Gael sa kaniya? Ano'ng gusto nito, mahalin niya ulit ito? Paanong magiging kabayaran iyon sa kasalanan niya noon? "Are you ok, Tali?" "Ay pangit ka!" gulat niyang sabi. Nagulat siya at alangang napangiti. "Sorry, Hiro nagulat lang ako," paliwanag niya. Kumunot ang noo nito at kapagkuwa'y napangiti na rin. "You seem so nervous, ok ka lang ba? May ginawa ba sa iyo si Sir Gael para magkaganiyan ka?" usisa nito. "Huh? W-wala, Hiro. I'm fine. I'm fine," aniya na hininaan sa

