Damang dama ko pa ang pagod habang tinatahak ang daan patungo sa kwadra. Bagaman hinihingal nang bahagya, ito naman ang kailangan ko upang maiwaksi ang mga nasaksihan kanina. Hindi pa sumasapit ang dapit-hapon pero ang dami-dami nang nangyayari. Ano pa kaya ngayon ang nag-aabang sa akin? The pathway to the stables is filled by the stones that are seemingly picked from the beach. May mga puno sa magkabilaang gilid at mumunting bakod upang bumukod sa rancho. At dahil lagpas na ng tanghaling tapat, ang init ay animo sinasaniban ng impyerno. Pumapailalim na lamang ako sa mga anino nang bumubuntong hininga. Mula rito, kitang kita ko na ang hilera ng mga kwadra. Nalagpasan ko na ang mansion, ang garden gate, ngunit kamangha-mangha pa rin ang sumasalubong sa aking mga mata. May mga trabah

